A/N: Hello readers! :)
---------------------------------------------------------------------------------------------
[Lyndon’s POV]
Dinner time na! Natapos ang huling session namin sa pang-aasar ng batchmates namin kina Carlisle at Wilhelmina. Kumusta kaya si Wilhelmina? Alam kong ayaw na niyang na inaasar silang dalawa. Lalo naman si Carlisle. Nang dahil sa pang-aasar ng mga batchmates namin laging fail ang balak niyang makipagfriends sa ex niya. Magkakasama kami ngayon nila Chris, Jerome, Troy at Carlisle sa table. Ang kulet nila Chris at Jerome. Inaasar nila si Carlisle.
“Manahimik na nga kayo!” sabi ni Carlisle.
“Oo nga. Manahimik na kayo.” Sabi ni Lyndon.
“Nagsalita ang magkaribal!” sabi ni Jerome. Nagtawanan silang dalawa ni Chris. Tinignan sila ng masama ni Carlisle. Masama pa namang magalit ‘to. Kaya kinakabahan din ako eh.
“Okay! Fine! Mananahimik na.” sabi ni Jerome.
Tapos na akong kumain. Dinala ko na sa kusina yung plato ko. Yun kasi ang house rules dito. Pagkatapos kumain dalhin sa kusina ang kanya-kanyang plato, baso at kubyertos. Naghugas naman ako ng kamay. Nandun si Wilhelmina. Naghuhugas din siya ng kamay.
“Uhh… Hi!” medyo naghesitate ako.
“Hi!” sabi niya.
“Kumusta naman?” sabi ko.
“Okay naman. Medyo nakakainis.” Natawa ako. Sabi ko na eh. Di niya gusto yung inaasar silang dalawa ni Carlisle.
“Hayaan mo sila.” Sabi ko.
“Ahmm… Sige. Alis na ako.”
Anyare? Bakit parang umiiwas? Anong masama sa sinabi ko? May nagawa ba akong masama? :-/
Umakyat ako sa kwarto namin. Pagdating ko sa room namin, di ako mapakali. Argh! Boring! Hiramin ko kaya yung book… Eh? Huwag na! Pero ang boring talaga. Di rin ako nakatiis. Umakyat ako ng second floor kung saan yung room ng mga girls. Hmmm … Saan kaya room nila? Ayun! May isang room na bukas ang ilaw. Try ko kaya dun.
Naabutan ko siyang nakaupo sa sahig at nag-aayos ng bag. Kumatok ako sa pinto.
“Ay! Kabayo!” napatayo siya. Natawa ako sa reaction niya.
“Ay! Sorry, nagulat kita.” May hawak siyang itim na parang vest na may mga metal na bagay.
“Teka! Ano yan?” balak sana niyang itago sa likod niya.
“Ahhh … ito? Set ng throwing knives.”
“Set ng throwing knives? Cool! Pwedeng patingin.”
“Okay. Ahmm .. Wait.”
Sinara niya ng konti yung pinto.
“Ito oh.” Nilatag niya sa kama.
“Whoa! Di ko akalaing may ganito ka. Buti nakalusot ‘to sa checkpoint kanina.”
“Oo nga eh.”
“Ba’t ka nga pala may dalang ganito? Saan mo nakuha?”
“Ahmm.. Di kasi alam nila Mommy na may ganyan ako. Di ko alam kung saan ko itatago, kaya ayun dinala ko tuloy. Nabili ko siya sa internet.”
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?