[Carlisle’s POV]
Ang sarap ng gising ko ngayon. Haaaaay … Friends na ulit kami ni Wilhelmina… ng mahal ko. Di ko maiwasang mapangiti. Parang ang sarap mag-exercise ngayon ah. Haaaaaay … Good mood talaga ako ngayon. Hehehehe … Sinuot ko yung jacket na pinasuot k okay Wilhelmina kagabi. Lalo ko tuloy naging favorite jacket ‘to! :’’’>
Ano ba yan?! Ang lakas talaga humilik ni Chris. Grabe! Naglakad ako papuntang living room. Nandun kasi pintuan palabas ng retreat house dito sa floor naming mga boys. Binuksan ko na yung pintuan. Nang biglang …
“AW!!!”
Galing yung sigaw dun sa may mga puno. Nakita ko sila. Si Wilhelmina at Lyndon. Anong ginagawa nila? Bakit may sugat si Lyndon? Pumunta sila sa Gathering Area. Hinugasan nila yung sugat ni Lyndon. Ginagamot siya ni Wilhelmina. Maya-maya lang hinawakan ni Lyndon yung pisngi ni Wilhelmina. Aba! Ngumiti pa! Bwiset! May kumakalampag sa gate ng retreat house. Nataranta yung guard. May sumisigaw… humihingi ng tulong. Anong nangyayari? Pinapasok ng guard yung lalaki na madungis. Sino yun? Dinala siya ng guard sa quarters ng nurse. Tinignan ko sila Wilhelmina at Lyndon. Naku! Pabalik na sila dito sa loob. Tumakbo ako sa kwarto namin. Bwiset! Pinagbabato ko yung mga unan ko sa pagkabwiset. Pag-ikot ko, kakapasok lang ni Lyndon. Ngiting-ngiti siya.
“Uy! Good morning!” binati pa ako ng lokong ‘to ah.
“Good morning!” I fake a smile.
“Ganda ng gising ah.” Sabi ko.
“Hindi naman.” Sabi niya… parang nakakaloko ah.
“Gusto mo ba siya?” tanong ko.
“Anong pinagsinasabi mo?”
“Huwag ka nang magkunwari di mo alam ang sinasabi ko.” Tinaasan ko boses ko.
“Uy! Ano ba yan? Ang aga-aga eh…” nagising na si Troy.
“Ano? Gusto ba si Wilhelmina? Sumagot ka!” Kinwelyuhan ko si Lyndon.
“Chris!” ginising ni Troy si Chris.
“Ano naman sayo?! Nakipagbreak ka sa kanya, di ba? Pinagpalit mo nga siya sa iba eh!” tumaas na rin boses ni Lyndon.
“Troy. Isara mo yung pinto. Ano ba, guys?” lumapit sa amin si Chris.
“Huwag kang makialam dito.” Sabi ko habang nakatingin kay Lyndon.
“Karapatan kong makialam. Apektado kami ng away niyo eh!” sabi ni Chris.
“Ito kasi eh! May deal na tayo, pare! Matinong usapan yun.” Hinila ko yung t-shirt ni Lyndon.
“Bitiwan mo ako. Wala na akong paki sa deal natin… Gagawin ko ang gusto ko.” Hinampas niya ang kamay ko para bumitaw ako.
“Ah ganun? Eh di parang inamin mo na rin! Gago ka pala eh!”
“Ano sinabi mo?”
“Ang sabi ko… Gago ka!”
Sinugod niya ako. Sinuntok ko siya sa tiyan… gumanti rin siya ng suntok. Inawat kami nila Troy at Chris.
“Tama na! Pambihira kayong dalawa… Awat na ah! Baka malaman pa ng iba ‘to eh!” sabi ni Troy.
“Nagretreat nga tayo para maging maayos ang lahat eh! Magbest-friend pa naman kayo tapos pag-aawayan niyo… babae? Eh pareho pala kayong gago eh!” galit na si Chris.
“Mag-ayos na kayong dalawa o baka malaman pa ng mga teachers natin ‘to.” Sabi ni Troy.
Inabot ni Lyndon ang kamay niya sa akin. “Tama sila, pare! Magkaibigan tayo eh… di dapat yun masira dahil nag-aagawan tayo sa isang babae.”
“Sige na! Dapat wala nang samahan ng loob… Malapit na graduation natin.” Sabi ni Chris.
“Ha! Kung ganun … May the best man win.” Sabi ko at nagshake hands kami ni Lyndon.
“Sabi mo eh!” sabi ni Lyndon.
“Haaay… grabe! Naniniwala na akong mas maganda si Wilhelmina sa gf ko!” sabi ni Chris.
“Oy, huwag niyong sabihin sinabi ko yun ah!” humirit pa… loko talaga ‘tong si Chris. Nagtawanan kaming apat… “Oh! Ayan ah … Bati-bati na ah… Ang aga-aga badtrip agad kayo eh.” Sabi ni Troy habang inaakbayan niya kaming dalawa. Nagngitian kaming dalawa ni Lyndon… Di ako magpapatalo sayo. Ako pa rin ang pipiliin niya!
------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Luuuuh! Nag-away yung mag-bestfriend!
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?