Chapter 29

54 4 3
                                    

[Wilhelmina´s POV]

Nakakaawa si Isabella. Tinahi yung labi niya. Binuhusan siyan ng tubig at nagkamalay siya. Napabalikwas siya ng bangon. She whimpers nung narealize may mali sa bibig niya. Kinapa-kapa niya yung labi niya. Umiyak siya bigla at nagpanic. Pinagtawanan lang siya nila Joker at Dolly. Si Lyndon naman natulala na nung nakita niya ang sitwasyon ni Isabella. Halos di na siya gumagalaw. Nashock siya. Mahal niya si Isabella, noon pa.

"Gusto kong putulin yung mga daliri niya. Pag bumuka ang bunganga niya... Patay!" sabi ni Dolly.

"Maganda yan! Gusto ko yan! Umpisahan na natin!" sabi ni Joker.

Pinadapa si Isabelle sa sahig at dinaganan siya ni Dolly para hindi siya makapalag. Humahagulgol na si Isabella. Nabibigatan na siya kay Dolly at parang nahihirapan siyang huminga.

"Hmm… Saan tayo mag-uumpisa? Eenie.. Meanie… Minie… Moe." Sabi ni Joker.

Bigla niyang tinaga yung isang daliri ni Isabella na para bang nagtadtad lang siya ng gulay. I covered my mouth with my hands to keep myself from screaming. Isabella shuts her eyes tightly. Grabe yung tulo ng luha niya. Joker cuts another finger. She screams but her voice is muffled kasi nakatahi yung bibig niya. Oh my! Sa bawat pagputol ng mga daliri ni Isabella, maririnig mo ang pag-iyak niya. Napasigaw siya. Pagtingin ko sa kanya, nakabukas na ang bibig niya. Punit-punit na yung labi niya. Nanlamig ako bigla. Para akong nanlambot sa nakita ko. Nagtawanan na naman yung dalawa.

"Paano ba yan? Bumuka ang bibig mo!" sabi ni Dolly.

Isabella leans her head on the floor. Crying. Screaming. Panting. Dolly grabs the baseball bat from Ted hands and gives it to Joker. He brings the bat down hard against Isabella´s temple. It´s not bleeding, but I can see the dent  in her skull and I know that she´s a goner. There´s still life in her now though, in the rapid rise and fall of her chest, the low moan escaping her lips.

Nakita kong tatayo dapat si Lyndon para pigilan sila pero napaluhod na lang siya at napaluha. Hindi ko na namalayang nakayakap na ako sa kanya bago pa pumasok sa isip ko na gawin ko yun. Tulala siya. Ang sakit sa dibdib na nakikita ko siyang ganito. Hindi ko na rin napigilang maluha. Di ko kayang makita siyang ganito. Oo, may gusto ako sa kanya. Noon pa.

Tinadyakan ni Dolly si Isabella sa tiyan. Mukhang wala na talaga siya. Nag-umpisa na namang manghila ng kung sinu-sino sa amin. Sampu na naman ulit.

"Maswerte kayo dahil kayo ang napili naming patakasin." Sabi ni Dolly.

Nagtinginan kaming lahat. Papatakasin sila? Paano kami? Anong gagawin nila sa amin? Lumapit si Bonnie kay Dolly.

"Totoo po bang sinasabi niyo? Papatakasin niyo kami?" Tanong ni Bonnie.

Tumango lang si Dolly.

"Pero paano sila?" nakisingit si Patrick. Kami ang tinutukoy ni Patrick.

"Maiiwan sila dito. Kung ako sa inyo, umalis na kayo bago pa magbago ang isip namin." sabi ni Dolly.

"Pero…" sabi ni Von.

"ALIS!!!" sigaw ni Dolly. Lumabas na sila ng Session Hall. Malaya na sila. Samantalang kami nandito pa rin. Ano bang binabalak nila?

"Teka! Ang unfair! Bakit pa kami naiwan dito?" sigaw ni Roy.

Bigla na lang may tama na siya sa leeg at napahandusay siya sa sahig. Ginamitan siya ng crossbow ni Joker.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon