Chapter 33

53 4 3
                                    

[Lyndon´s POV]

Dumilat ako. Nakapatong sa akin yung jacket ni Wilhelmina. Lumingon ako kina Wilhelmina at Carlisle. Naghahalikan silang dalawa! Akala ko masakit na para sa akin yung akalaing patay na si Wilhelmina pero mas masakit pa pala yung makitang may kahalikan siyang iba. Best friend ko pa! Pero sino ba naman ako? Sila naman talaga nung umpisa pa lang eh.

Nakita ako ni Carlisle na gising na kaya huminto siya. "Wilhelmina." Sabi niya. "Kiss me." Sabi ni Wilhelmina. Hinalikan nga siya ni Carlisle pero sandali lang. Pumikit ulit ako.

"Anong nangyayari sayo?" tanong ni Carlisle.. "Di ko alam." Bulong ni Wilhelmina.

"Para lang pala akong nakipaghalikan sa lasing." Umiiling na sabi ni Carlisle.

"Bakit mo naman nasabi yun? Natry mo na bang makipaghalikan sa isang lasing?" tanong ni Wilhelmina. "Hindi naman ganun kahirap mag-imagine eh." Sagot ni Carlisle.

"Ah ganun…" sabi ni Wilhelmina. "Bakit? Ano naman kung may nahalikan na akong iba? Selos ka noh! Siguro mahal mo pa rin ako…" sabi ni Carlisle.

"Di ko alam, Carlisle. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko." Sabi ni Wilhelmina.

"Bakit? Dahil ba sa kanya? Ha?" galit na sabi ni Carlisle.

"Di ko alam. Sorry naguguluhan lang talaga ako. Pero inaamin ko nagustuhan ko rin yung nangyari kanina. Siguro kailangan ko lang para makapagdecide. Ewan ko. Di ko alam." Sabi ni Wilhelmina.

"You don´t have to explain. Napressure ka lang siguro." Sabi ni Carlisle. "Uy. Dumudugo yung ulo mo!" sabi ni Carlisle. "Nasugatan siguro ako kanina nung nabagsakan ako nung kahoy." Sabi ni Wilhelmina.

"Thank you." Bulong ni Wilhelmina. Nagpipigil ako ng iyak. I moan. "Lyndon?" She says softly. Dumilat ako at tumingin ako sa mga mata ni Wilhelmina. "It´s good to see your eyes again." Sabi ko kay Wilhelmina. I fake a smile. "Okay ka na ba? Anong nangyari sayo?" tanong niya.

"Okay na ako. Parang nahilo ako kanina eh. Nag-blur yung paningin ko tapos parang biglang namanhid yung buong katawan ko pero okay na ako ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Mukhang tumila na ang ulan. Baka pwede na tayong umalis." Sabi ni Carlisle.

"Hindi ba kayo magpapahinga? I´m sure napagod kayong dalawa." I say with an edge of bitterness.

"May problema ka ba?" tanong ni Carlisle. "Ako? Wala! Anong pinagsasabi mo? Concern lang naman ako sa inyong dalawa!" I say with a tone of sarcasm.

"Ano ba kayong dalawa? Tumigil nga kayo!" sabi ni Wilhelmina.

Tumayo na ako at lumipat ako sa medyo sulok ng bodega. Kumuha ako ng kahoy at kinuha yung kutsilyo sa bulsa ko. Pinatulis yung dulo ng kahoy. Para lang may magawa ako. Para 

Magsama kayong dalawa! Sabi ko sa isip ko.

"Muntik ko nang makalimutan ito." Kinuha ni Carlisle yung phone at iniabot kay Wilhelmina. Agad na nagtype si Wilhelmina. Paulit-ulit siyang nag-attempt tumawag.

"Hello? Hello, dad! Oh my God!" umiyak si Wilhelmina.

"Wala na kami diyan, dad…… Long story, dad. We´ll explain it to the police officers. Puntahan niyo na po kami dito…... Hindi ko alam. Basta nandito po kami sa isang bodega…… Malayo po diyan…... Opo. Opo. Kasama ko po sila Lyndon at Carlisle…… Opo. See you soon, dad. I love you." Sabi ni Wilhelmina.

"Anong sabi ni uncle?" tanong ko. Di ko na matiis eh. "Nandun daw siya sa retreat house. May kasama daw siyang mga pulis. Papunta na daw sila. Makakaalis na tayo dito." Sabi ni Wilhelmina.

"Eh kung bumalik kaya tayo dun sa kotse para mas madali nila tayong makita." Suggest ni Carlisle.

"Kotse?" sabi ni Wilhelmina. "Yun yung ginamit namin kanina para takasan sila Dolly at Joker." sabi ko. "Eh si Toto?" tanong ni Wilhelmina. "Di ko alam. Di na siya kasama ng dalawa." Sabi ko. "So, ano na? aalis na ba tayo?" tanong ni Carlisle. Tumingin sa akin si Wilhelmina.

"Sige. Pero bago tayo umalis kelangan natin ng panlaban. Baka nandiyan lang yung dalawa. Umaaligid." Sabi ko. Kumuha kami ng mga throwing knives kay Wilhelmina. Nag-umpisa na kaming maglakad. Palinga-linga sa paligid baka sakaling sumulpot yung mag-asawang psycho na yun.

"Aaaaahhhh!!!" sigaw ni Wilhelmina. Sinabunutan siya ni Joker.

Sinugod ni Carlisle. Sinuntok sa tiyan ng dalawang beses pero sinaksak niya si Joker ng tatlong beses.

"Kulang pa yan sa ginawa mo sa amin!" sigaw ni Carlisle. Hinila ko na siya at nagtakbuhan na kami. Umulan ulit. Medyo malayo na ang tinakbo namin nung bumagsak si Carlisle. Akala ko nadulas lang siya o natalisod pero …

"Carlisle!" sabi ni Wilhelmina. Tumitirik na ang mata niya at namumutla siya.

"Anong nangyayari sayo?" tanong ko.  Tinuturo niya yung tiyan. I unzip his jacket at nakita kong may saksak siya. Mukhang maraming dugo na rin ang nawala sa kanya. Di ko nakitang may hawak na patalim si Joker. He keeps on moaning because of the pain he feels.

"Oh my God! Bakit di mo agad sinabi?" sabi ni Wilhelmina. Umiiyak na siya.

"Don´t worry. Dadating na sila. Carlisle, tiisin mo. Kaya mo yan." Sabi ni Lyndon.

"Di ko na kaya." Bulong ni Carlisle. "Hindi! Please! Lumaban ka, Carlisle! Please!" sabi ni Wilhelmina.

"Lyndon, alagaan mo siya…" sabi ni Carlisle. "Huwag ka nga magsalita ng ganyan." Sabi ko.

"Sige na umalis na kayo. Iwan niyo na ako."  sabi ni Carlisle. "Di ka namin iiwan." Sabi ni Wilhelmina.

His chest starts to rise and fall rapidly. Low moan escapes his lips. Alam kong malapit na siyang bumitaw. Di ko namalayang naluluha na ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon