Chapter 23

52 4 2
                                    

[Carlisle´s POV]

May dumating! Please naman… sana matulungan niya kami! Ayoko na dito! Bigla akong tinutukan ng kutsilyo. Nanlaki ang mata ko. Aba! Loko ´to ah!

Relax, Carlisle! Hindi ito hamunan ng sapakan… isa siyang killer!

"Hoy, ikaw! Tignan mo nga yun. Kapag winarningan mo yun, mamamatay ka! Maliwanag ba?" tumango lang ako. "Dali! Tumayo ka na diyan Dalian mo! Huwag kang magtagal."utos sa akin nung lalaki. Kung wala ka lang patalim, papatulan kita eh! Lumingon ako kay Wilhelmina. Alam kong worried siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya then I mouthed the words, Okay lang ako. Napabuntong-hininga at tumango siya. Pumunta ako sa balcony para makita ko kung sino ang dumating. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng balcony. Bumaba ng kotse yung pari… Siya na siguro si Fr. Francis. May misa at confession sana kami ngayon pero di na mangyayari yun. May kausap siya sa cellphone. Cellphone! Kung di man makasurvive ang paring yun kelangan kong makuha yun! Yun na lang yung pag-asa namin. Kumaway sa akin yung pari at ngumiti siya. Kumaway din ako. Alam kong delikado ang susunod kong gagawin pero tinuloy ko. Sumenyas ako na parang nilaslas ko ang leeg ko. Yung kadalasang senyas na ang ibig sabihin ay ´patay´. Nawala yung ngiti sa mukha ng pari. Naguluhan siya sa senyas ko.

Tsss…  -___-"

Hinila na ako nung lalaki pero bago ako mawala sa paningin ng pari, I mouthed the word, Tulong! sa kanya. Sana naman naintindihan niya ako. Sinapak ako nung lalaki. Bwiset! Ang sakit ah! Naku! Papatayin ba niya ako? Dumugo tuloy ang labi ko! Argh!

"Loko ka ah! Di ba sabi ko sandali ka lang. Ano? Sino yun?" tanong niya. Wew! -___-" Nakalusot ako! Di niya ako papatayin… for now.

"Pari." Sabi ko sabay punas ng dugo sa labi ko. I wince. Badtrip! Ang hapdi!

"Walang hiya talaga! May special guest pa tayo!" inis nasabi nung babae.

"Ted! Hanapan mo ako ng bagong laruan!" utos nung lalaki dun sa lalaking mas bata sa kanya. Ted? As in TEDdy bear? Bigla ko lang naisip… Bear kasi yung maskarang suot nung isa. Agad naman siyang bumaba. Utusan lang siya ng dalawa. Yung dalawa lang naman yung nananakit at pumapatay eh…

"Balik sa pwesto, bata." Sabi sa akin nung lalaki. Bumalik ako sa pwesto ko.

"Ikaw talaga, love! Sinira mo yung mukha ni Pretty Boy." Sabi nung babae. Yuck! Pretty Boy? Baduy!

"Manahimik ka, Dolly! Nakakairita eh!" sabi nung lalaki. Nakakairita talaga! Wait! What?! Dolly? As in doll? Manika yung maskara niya. Seriously? Kung ano yung maskara nila yun yung pangalan nila?

Wait! Let me guess… Clown ang maskara nung isa… ibig sabihin ba nun Joker ang tawag sa kanya?

"Hay naku, Joker! Magtago na tayo para mabigyan natin ng big surprise ang ating special guest." sabi ni Dolly. What the… Joker nga!

Binuksan nila ang Session Hall at nagtago sila sa likod ng pinto. Naririnig ko na yung footsteps ni Fr. Francis.

"Diyos ko po! Anong nangyari dito?" sabi niya pagpasok ng Session Hall. Pag-iyak at paghagulhol lang ang sinagot sa kanya.

"Surprise!!!" sabi nila Dolly at Joker sabay saksak sa likod ni Fr. Francis.

Napayuko na lang ako sabay takip ng tenga ko. Argh! Naririnig ko pa rin ang pagsigaw niya. Di ako nakatiis kaya tinignan ko kung ano na ang nangyayari kanina. Pinaupo nila sa may table yung pari. Duguan na siya ngayon. Dumating naman yung Ted. Binatukan siya nung Joker.

"Ang tagal mo!" sabi ni Joker kay Ted.

"Huwag mo namang saktan ang anak natin!" sabi ni Dolly sabay yakap kay Ted. Anak? Pamilya sila ng psycho?! Iniabot ni Ted yung crossbow sa magaling niyang ama. Yun yung nakadisplay sa 1st floor ah. Yun pala ang laruang sinasabi niya: weapon.

"Welcome sa aming party, father. Di namin inaasahan ang pagdating mo." Sabi nung lalaki kay Fr. Francis.

"B-bakit n-niyo i-i-ito g-ginagawa?" nauutal na sabi ni Fr. Francis. Nahihirapan na siya at malamang nauubusan na siya ng dugo.

"Para mag-enjoy! Ito ang trip namin gawin eh. Walang basagan ng trip!" sabi ni Dolly. Nagtawanan si Dolly at Joker.

"Maaari niyo pang itigil ito. Mahal kayo ng Diyos! Mapapatawad niya kayo kung bukal sa puso niyo ang pagbabago. Palayain niyo na ang mga batang ito." Sabi ni Fr. Francis habang naluluha.

"Awww… nakakatouch naman, father." Sabi ni Dolly. Napaka-sarcastic ng tono ng papanalita niya.

"Tutal nandito ka na rin lang at ikaw ang special guest namin, father… Isasama ka na rin namin sa kasiyahang ito. At dahil diyan nanalo ka ng Unlimited Meet and Greet sa mga santo mo!" sabi ni Joker sabay tawa. Ina-assemble niya na yung crossbow at tinapat kay Fr. Francis.

"Huwag!" sigaw ni Sir. Nathan. Hinarangan niya yung arrow na dapat tatama kay Fr. Francis. Tinamaan siya sa balikat at bumagsak siya sa sahig. Kinwelyuhan ni Joker si Sir Nathan.

"Bwiset ka! Pakialamero!" sinigawan ni Joker si sir. Binunot niya yung arrow sa balikat ni sir. Napasigaw si sir sa sakit at sinapak siya ni Joker sa mukha.

Ayan na naman… tinapat na naman niya kay Fr. Francis yung crossbow.

"Ikumusta mo na lang kami sa Diyos niyo." Sabi ni Joker. Tinamaan sa noo si Fr. Francis. Patay na siya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD 

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon