[Lyndon’s POV]
Kinabukasan, sama-sama naming hinarap ang grupo nila Tyler sa dean’s office. Todo deny sila sa ginawa nila pero kami pa rin ang pinanigan ng dean at nakick-out silang lahat. Nagreklamo din yung mga parents ng mga kasama ni Tyler sa scandals niya kaya ayun kulungan ang bagsak niya. Kawawa naman. Kasalanan rin naman niya eh. Haaaaay…
Bumisita ang parents ko nung nalaman nila ang nangyari sa akin. Sobra silang nagworry pero sinabi ko na magiging okay ang lahat. Nagpahinga ako sa loob ng tatlong araw. Papasok na ulit ako ng university. Di ko na matiis ang tumunganga dito sa condo. Bumangon ako at nag-unat. Nainitan ako kagabi kaya natulog ako na walang shirt.
Pagkalabas ko sa kwarto, naabutan kong kumakain si Wilhemina sa dining room. Ang takaw pala niyang kumain. Ang laki ng subo niya. Nataranta siya nung makita niya ako. Natawa ako sa reaksyon niya.
My wound hurts and I wince. Wilhelmina runs to me. Every muscle in my body tightens as her hand drops to my side, where I almost got stabbed. She does it casually, but I can’t move.
“Okay ka lang? Masakit pa rin?” tanong niya.
“Medyo. Kapag humihinga ako.” sabi ko. Ngumiti siya.
“Wala kang magagawa. Kailangan mong huminga eh.” Sabi niya. Ngumiti rin ako.
Hinawakan niya ang kamay ko tapos sabi niya, “Tara! Kain na tayo.” Sabi niya.
Sabay kaming kumain ng breakfast tapos sabay na rin kaming pumasok sa school. I don’t know why pero pakiramdam ko ang saya ko ngayon at mukhang masaya rin si Wilhemina. Pagdating sa school, nakita ko kaagad si Audrey.
“Lyndon!” sigaw niya sabay takbo papunta sa amin. Niyakap niya ako bigla. I wince.
“Aw! Easy!” sabi ko. “Sorry! Namiss kasi kita eh.” Sabi ni Audrey.
I glance at Wilhelmina. Mukhang nawala na ang pagka-good mood niya. Nakasimangot na kasi siya hindi tulad kanina, ngiting-ngiti siya. Is she … jealous?
“Hi!” sabi ni Audrey kay Wilhelmina. “Hello!” sabi ni Wilhemina.
“Uy! Lyndon! Long time, no see.” Dylan says and we slap each other’s back.
Medyo okay na ako kay Dylan. Hindi na kasi siya masyadong nagpapacute kay Wilhelmina at para may something sa kanila ni Audrey. Katulad ngayon, nagtitinginan silang dalawa at magngingitian. I clear my throat to get their attention.
“So, Dylan. Kumusta naman yung mga sugat at pasa mo?” sabi ko.
Tinaas ni Dylan ang shirt niya. “Ito. Medyo light na yung kulay ng mga pasa ko. Ikaw?” Sabi niya.
Pasimple akong tumingin kay Audrey. Nagbablush siya. Nakakatawa. Tinaas ko rin ang shirt ko.
“Ito. Medyo kumikirot pa itong mga pasa at sugat ko.” Sabi ko. Si Wilhelmina naman ang nagbablush ngayon. “Tama na nga ang pakitaan ng abs. Pumasok na nga tayo.” Sabi ni Audrey.
Nagtawanan kami ni Dylan tapos dumiretso na kami sa classroom namin.
“Bye guys!” sabi ni Audrey. Nakipagbeso siya kay Wilhelmina, sa akin at kay Dylan. Is it just me or talagang namula si Dylan nung nakipagbeso si Audrey sa kanya? I shake my head. Pagdating sa klase medyo hindi ako makarelate sa mga pinagsasabi ng professor. Ang dami kong namiss na lessons. Nangako naman si Dylan na bibigyan niya ako ng copies ng notes. Kaya nagkunwari na lang akong nakikinig habang pasimpleng tumitingin kay Wilhelmina.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?