Chapter 51

38 4 1
                                    

[Wilhelmina’s POV]

Kakatapos ko lang magshower at magbihis. Nakatunganga lang ako dito… Hawak-hawak yung painting na bigay ni Lyndon. Iniisip ko pa rin kung anong ibig sabihin nitong nakadrawing dito. Suddenly I remember about the kiss, heat rushes into my cheeks. I can still feel the ghost of Lyndon’s lips on mine. I can still feel the pressure of his soft lips. Haaayy…

Humiga ako sa kama. Nakangiti na parang baliw. I shake my head. Para namang first kiss ko yun. Suddenly I begin to ache for Carlisle, my ex-boyfriend. I feel a pang of longing then I see images of him, flashing through my mind. I remembered the sound of his laugh. His expressive eyes. His sweet smile. His handsome face … Oh! Forget it! He’s already gone. Haaaaay … Pero iba talaga yung naramdaman ko kanina eh. Para akong kinuryente. Napaupo ako nung may kumatok sa kwarto ko.

Nagdalawang-isip ako kung bubuksan ko. Parang hindi ko pa kayang harapin si Lyndon after nung nangyari. Foolish! Buksan mo na. Siya nga ang dapat mahiya kasi siya yung gumawa nun eh! Binuksan ko ang pinto. “Happy birthday!!!” sigaw nila Dylan at Audrey.

Nagulat ako. Di ko ineexpect na nandito si Dylan. Lalong-lalo na si Audrey. May dala silang balloons at cake. Niyakap ako ni Dylan at nakipagbeso naman si Audrey.

“Thank you, guys!” sabi ko. “Paano niyo nalaman?” I frown.

“Lyndon told us.” Sabi ni Dylan. “Oh.” I mutter.

“Wilhelmina, magready ka na. Aalis tayo.” Sabi ni Audrey. “Saan tayo pupunta?” tanong ko.

“Basta. Magbihis ka nalang. Okay?” sabi ni Dylan.

Nagbihis naman ako. Excited na excited sila Dylan at Audrey. “Dali! Excited na ako eh!” sabi ni Dylan na nakaakbay kay Audrey. Strange.

“Tara na.” sabi ni Lyndon sabay hawak sa kamay ko.

Sabay-sabay kaming bumaba ng condo. Nang makababa na kami, bumitaw ako kay Lyndon. Kotse ni Lyndon ang gagamitin namin papunta sa lugar na pupuntahan namin… kung saan man yun. Bubuksan ko na sana ang pinto sa harapan pero si Lyndon na ang nagbukas nun para sa akin.

“Thanks!” I say without looking at him.

Binuksan naman ni Dylan pinto ng back seat para kay Audrey. Nang makasakay na kaming lahat, pinaandar na ni Lyndon ang kotse.

“Wala bang soundtrip diyan?” tanong ni Dylan. “Wait.” Sabi ni Lyndon. Kinuha niya ang CD ng My Chemical Romance. “Dude! Palitan mo naman… yung makakarelate naman yung mga girls.” Sabi ni Dylan.

“Fine. At saka pwede ba tantanan mo yang pagtawag sa akin ng ‘dude’?” sabi ni Lyndon kay Dylan.

“Okay, bro!” sabi ni Dylan. Lyndon sighs then he looks at me. I look away.

Now playing: Pangarap Lang Kita by Parokya ni Edgar (Ft. Happie Sy)

 

Habang nasa byahe, di ko mapigilang tumingin sa rearview mirror. Tawa kasi ng tawa sila Audrey at Dylan. Panay ang harutan nilang dalawa. Ang weird! Pailing-iling at pangiti-ngiti lang si Lyndon.

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon