Chapter 27

55 4 2
                                    

[Lyndon´s POV]

Kasama ko si Isabella. Ngayon lang ulit kami nag-usap mula nung binasted niya ako. Ang saya niya ngayon. Teka! Bakit parang nag-iiba yung itsura niya. Naging si Wilhelmina. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad. Nakangiti kaming dalawa. Bigla siyang huminto. Nakatingin siya sa malayo. Tumingin din ako sa direksyon na yun. Parang lumamig yung kamay niya. Pagtingin ko sa kanya, puro putik at dugo na ang damit niya. May sugat siya sa leeg. Ang putla niya. Tumingin siya sa akin at sumigaw. Napadilat ako. Ang liwanag at ang sakit sa mata. May sumisigaw.

"May mga tumakas!" sigaw ni Dolly.

"Hahabulin ko!" sigaw ni Joker habang tumatakbo palabas ng Session Hall. May hawak siyang palakol. Hindi magiging maganda ang umagang ito. Teka! Di kaya si Carlisle yun? Paglingon ko sa kaliwa, nakita kong tulog pa naman siya at katabi niya si Wilhelmina. Nilipat ko ang atensyon ko kay Chris. Mukhang kanina pa siya gising.

"Sino yung mga tumakas? Paano nila ginawa?" tanong ko.

"Sila Evan, Trevor, Kenneth at Clinton. Nakatulog yung tatlong bantay. Tumalon si Evan at Trevor sa balcony pero si Clinton di agad nakatalon medyo takot nga siya sa heights, di ba? Nagturuan yung dalawa kung sino ang susunod. Tinulak ni Kenneth si Clinton. Ito namang si Kenneth, sa pinto dumaan. Dun sila nahuli. Ewan ko lang kung makatakas pa sila." Kwento ni Chris.

"Ted! Crossbow!" sigaw ni Dolly. Nagising na sila Wilhelmina at Carlisle.

Hinagis sa kanya ni Ted yung crossbow. Agad niyang sinalo sabay takbo sa balcony.

"Mga pasaway! Humanda kayo sa akin!" sigaw ni Dolly sa may balcony. May sigawan sa labas tapos biglang wala na. Bumalik na si Joker sa Session Hall. May sariwang dugo sa palakol na dala niya at sa damit niya. "Ang galing! Triple headshot!" sabi ni Joker kay Dolly.

"Anong nangyari?" tanong ni Carlisle.

"Tumakas sila Evan, Trevor, Clinton at Kenneth. Alam kung mo na siguro kung anong kasunod nun." Sabi ko sa kanya. "Patay na sila…" bulong ni Wilhelmina.

"Muntik na yun ah. Buti nadale yung paa nung isa nung tumalon sila kaya bumagal ang takbo nila." Sabi ni Dolly. "Yung isa, ang bagal tumakbo eh. Naabutan ko. Ayun, wala na siyang ulo." Sabi ni Joker. Nagtawanan sila ng magpartner niya.

Inutusan nilang kumuha ng pagkain si Ted. Kumain na naman sila sa harapan naming lahat. Ginugutom nila kami dito. Nakakaramdam na naman ako ng gutom. Naalala ko yung biscuit na binigay ni Dolly. Di ko muna ito gagalawin hanggang di pa kami nakakatakas dito. Naalala ko yung sinabi niyang gusto niya kami ni Carlisle na maging anak niya. Tssss… sinong inuuto niya? Papatayin rin naman niya kami eh. Lumapit ako kay Carlisle. "Ano na? Icheck mo nga yung cellphone. May signal ba?" tanong ko.

Sinilip niya sa bulsa niya. "Meron. Mahina nga lang." sabi niya.

"Anong pinag-uusapan niyo diyan? Ano? Tatakas din kayo? Baka gusto niyong makatikim nito." Sabi ni Joker sa amin tapos pinakita niya sa amin yung palakol na may dugo. Natahimik na lang kami.

"Manahimik kayo diyan ah!" dugtong niya.

Nang matapos kumain yung tatlong psycho, tahimik silang nagpaikot-ikot sa Session Hall. Inoobserbahan kami. Huminto si Joker sa harapan namin. Bigla niyang hinila si Edmund. Napabuntong-hininga ako. Katabi pa naman ni Edmund si Wilhelmina. Kinabahan ako!

"Itali mo!" utos ni Joker kay Ted. Agad naman niyang sinunod. "Balutan mo ng kumot tapos talian mo ulit." Utos ulit ni Joker. Nang matapos si Ted sa pagtatali kay Edmund, kinuha ni Dolly yung box na may mga pangalan naming lahat. Gagamitin sana namin yun sa activity namin kahapon. Alam ko yun dahil ako ang pinagawa ni sir Nathan. "Mga pangalan niyo ito?" tanong ni Dolly. Tumango naman ako. Lumabas si Ted at pagbalik niya dala na niya yung baseball bat ni Troy. Iniabot niya kay Joker yun.

"Alam ko na. Bubunot ako ng pangalan tapos pupunta dito sa gitna. Hahampasin niyo ito ng baseball bat. Yung pinakamalakas ah! Kung ilan ang first letters ng pangalan ganun din kadami ang hampas. Ang di sumunod… alam niyo na!" sabi ni Joker. Nagtinginan kaming lahat. Sasaktan namin si Edmund kapalit ng buhay namin. Kakayanin ko ba? Kaibigan ko rin si Edmund. Argh! Sobra na sila!

Bumunot si Ted. "Miriam." Napanganga si Miriam. "Sino yun? Tumayo ka na!" sabi ni Dolly. Dahan-dahang tumayo si Miriam. Hinila siya ni Dolly sa gitna. "Ang kupad naman!" sabi ni Dolly. Inabot niya yung baseball bat kay Miriam. "Hampasin mo!" sigaw ni Joker. Hinampas nga ni Miriam si Edmund. Napasigaw si Edmund. "Ano ba yan? Ang hina! Ganito lang oh!" sabi ni Joker. Hinampas ni Joker yung baseball bat sa isang upuan at nagtalsikan yung pira-pirason nung upuan. Monobloc kasi yung upuan na yun. Binigyan ulit ni Joker ng upuan si Miriam. "Hampasin mo! Anim na beses!" utos ni Dolly. Ginawa nga ni Miriam pero nung nakatatlo siya bigla siyang tumigil. "Ayoko na. nasasaktan siya eh." Sabi ni Miriam. "Mas masasaktan ka!" sabi ni Joker. Hinawakan ni Ted ang mga braso ni Miriam. Nagpupumiglas siya pero di niya kaya si Ted. Sinaksak siya ni Dolly sa tiyan ng tatlong beses. Napasigaw si Miriam at bumagsak siya sa sahig. "Kung ilan ang kulang niyo ganun din karami ang saksak niyo. Umayos kayo!" sigaw ni Dolly sabay tadyak kay Miriam.

Halos isang oras ko nang naririnig ang pagsigaw at pagdaing ni Edmund. Pati na rin ang paghampas ng baseball bat sa katawan niya. Mga 14 na tao na ang humampas kay Edmund nung makita kong may dugo na sa kumot na nakabalot sa kanya. Hindi na siya sumisigaw ngayon. Pag-ungol na lang ang naririnig namin sa kanya. Di na niya kaya. Nabunot si Elaine. Kanina pa siya umiiyak. Totoo nga sigurong may gusto siya kay Edmund. Tinignan ko si Wilhelmina. Worried siya para kay Elaine, bestfriend niya.

Hinampas ni Elaine si Edmund ng limang beses tapos biglang napaluhod na siya at nag-iiyak.

"Di ko na kaya." Elaine says weakly. "Di mo na kaya? Isa na lang?!" Dolly shouts. "Di ko na kaya." Elaine sobs. "Paano ba yan, Joker?" sabi ni Dolly. Hinila siya ni Joker at sinaksak siya. "Aaaaaaahhhhh!!!" Her scream fills the whole room. Ang sakit talaga sa tenga. Mukhang malalim yung saksak niya. Si Wilhelmina, natulala na lang sa bestfriend niya.  Biglang tumayo si Wilhelmina at lumapit kay Elaine. Sinapak siya ni Joker. Napatayo kami ni Carlisle. "Umupo kayong dalawa kung ayaw niyong masaktan!" sigaw sa amin ni Dolly. Sinabunutan ni Dolly si Wilhelmina at kinaladkad sa pwesto namin. "Aaaaaaaahhhhh!!! Elaine!" sigaw ni Wilhelmina. Wala kaming nagawa ni Carlisle.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon