[Lyndon’s POV]
Ilang araw na lang Championship Game na. Kelangan naming patindihin ang practice. 4 am pa lang pumapasok na ako sa school para sa warm-up namin. 8:30 pm na ako nakakauwi. Araw-araw na lang akong pagod. Nagtetraining na naman kami ngayon. Biglang tumama sa akin ang bola.
“Uy! Okay ka lang?” tanong ni Drew. Tumango lang ako.
“Ang putla mo ngayon ah. Ang tamlay mo pa.” sabi ni Ashton.
“Wala ‘to.” Sabi ko kahit pakiramdam ko ang ang bigat ng katawan ko. Parang ang init ko at medyo masakit ang ulo ko. “Sure kang okay ka lang?” sabi ni Drew sabay hawak sa balikat ko.
“Oh! Nilalagnat ka eh. Ang init mo oh.” Sabi ni Drew.
“Hoy! Anong tinutunganga niyong tatlo diyan?” sabi ni Edward habang palapit sa amin.
“Ed, mukhang masama yata pakiramdam ni Lyndon.” Sabi ni Ashton.
“Gusto mong pumunta ng clinic? O kaya umuwi ka na lang muna. Bawi ka na lang bukas.” Sabi ni Edward. “Kaya ko to.” Sabi ko at yumuko ako para damputin yung bola. Bigla akong nahilo tapos napaupo ako sa sahig. “Oh!” sabi nung tatlo.
Tinulungan nila akong tumayo ulit.
“Huwag mong pilitin ang sarili mo. Magpahinga ka muna.” Sabi ni Edward.
“Oo nga.” Sabi ni Drew. “Umuwi ka at magpahinga. Ako nang bahalang magpaliwanag kay coach. Okay?” sabi ni Edward. Tumango lang ako.
Sinamahan ako ni Ashton hanggang sa harapan ng condo.
“Sige. Babalik na ako ah. Get well soon, brod.” Sabi ni Ashton.
Pumunta na ako sa condo unit namin. Nagbihis ako tapos naghanap ng gamot kaya lang wala eh. Bibili sana ako sa labas pero ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Wala akong nagawa. Humiga na lang ako sa kama hanggang sa nakatulog ako.
[Wilhelmina’s POV]
Kakarating ko lang sa condo unit namin. Mukhang ako na naman ang naunang umuwi sa aming dalawa. Lagi naman eh. Palibhasa kasi puro basketball ang inaatupag ni Lyndon. Nagbihis ako sa kwarto ko. Paglabas ko ng kwarto, may napansin ako sa siwang ng pintuan ng kwarto ni Lyndon. Bukas ang ilaw. Nakalimutan niya sigurong isara kaninang umaga.
Binuksan ko ang pinto. Nagulat ako kasi nandito na pala siya. Tulog na tulog siya. Himala! Ang aga niya umuwi ngayon. Lumabas na ako sa kwarto niya. Pag-aaralan ko pa yung lesson sa Statistics. After a few minutes, sumuko na ako. “Di ko magets!” I blurt out.
Tinignan ko ang orasan, 6:30 pm na.“Makapagluto na nga lang!” I murmur.
Ano kayang lulutuin ko? Chineck ko ang ref. May chicken, eggs, cream of mushroom, evap, etc. Hmmm… Crispy Chicken in Creamy Sauce na lang. Nagssasoundtrip pa ako habang nagluluto. Tinikman ko agad nung natapos na ako. Ang sarap! ^___^
Sinet ko na yung table tapos dumiretso ako sa kwarto ni Lyndon. Kumatok ako sabay bukas ng pinto. Nakaupo na siya sa kama niya. Nagising siguro dahil sa pagkatok ko.
“Lyndon. Kain na tayo.” Sabi ko. “Sige, sige. Susunod na lang ako.” Sabi niya sabay dahan-dahan siyang tumayo. Pumunta na ako sa dining table. Maya-maya umupo na rin si Lyndon. Nakakunot ang noo. Badtrip yata. “Sorry. Naistorbo ba kita?” sabi ko. He shakes his head.
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?