A/N: Malalaman niyo na kung sino yung tumawag kay Wilhemina sa last chapter!
Btw, sa right side po yung picture ng best friend ni Wilhelmina na si Elaine.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Di ko muna siya nilingon. Ano ba yan?! Okay lang ba itsura ko?
“Ayiiieeeeee….” Sabi ni Elaine.
“Sssshhhhhh…Tumahimik ka, Elaine!”
“Uy! Wilhelmina!” tinawag niya ulit ako! :’’’ >
“Hala! Nandyan na siya.” Sabi ni Elaine.
Naramdaman kong nasa likuran ko siya. Ginulo niya ang buhok ko.
“Ano ba?”
“Eh kanina pa kita tinatawag. Di mo na naman ako pinapansin.”
“Sorry naman, Lyndon. Nagsasoundtrip kasi ako eh.”
Siya si Lyndon. Tall, dark and handsome. Crush ko siya nung nasa 5th grade palang kami at di niya alam yun. Friends kami simula nagbreak kami ng bestfriend niyang si Carlisle. Ang weird ng set-up naming noh?
“Ah ok. Kumusta ka naman, Wilhelmina?”
“Ok lang. Humihinga pa rin. At please lang Mina na lang itawag mo sa akin. Huwag nang Wilhelmina, ang haba eh. At saka ikaw lang tumatawag sa akin ng ganun.”
“Ang cool kasi ng name mo eh. At saka di lang naman ako ang tumatawag sayo ng ganun ah. Si Carlisle din naman.”
“Shut up, Lyndon! DATI pa yun.”
“Yeah right!”
Dumating na yung mga sasakyan namin. Isang bus at dalawang L300. Napuno agad yung bus kaya sa L300 ako sumakay. Sana dito rin sumakay si Lyndon …
Sumakay din siya dun sa amin kaya lang kasama niya si Carlisle. No choice! Lumipat ako sa kabilang L300. Kainis!!! >__<
“Uy, Mina! Ba’t lumipat pa tayo? Sayang! Nandun na si Lyndon.”
“Basta. Dito na lang tayo.”
“Dahil ba kay Carlisle? Akala ko ba nakamove on ka na?”
“Ayoko dun eh! Awkward.”
“K. Fine!”
Badtrip talaga! Nandun na eh! Kasi naman may epal … HMP! Pero okay lang laughtrip naman ‘tong mga kasama namin sa nilipatan naming L300. After 1 hour siguro yun. Nag-stop over kami sa isang gasoline station na merong fastfood chain. Pumasok kami sa isang fastfood chain doon… Nag-order kami ng food.
“Wilhelmina!” ito na naman siya.
Nasa isang table siya at kasama niya ang bestfriend niyang si Carlisle. Magkaharap silang dalawa at meron pang dalawang seats na natitira.
“Wilhelmina. Dito na lang kayo ni Elaine.”
Tumingin ako kay Elaine. Tumango lang siya.
“Sure.” Sabi ko.
Umupo ako sa tabi ni Lyndon. Kay Carlisle naman tumabi si Elaine. Umiling lang si Lyndon na medyo pangiti-ngiti.
“What?” tanong ko.
“Nothing. Let’s eat.”
Feeling ko dahil yun sa pag-iwas ko kay Carlisle. Whatever! Ayun, biglang awkward silence.
“Uy! Ano ba yan? Ang tahimik naman! Usap usap din.” Okay! Biglang binasag ni Elaine ang katahimikan.
“Oo nga pala. Di ba maraming movies na ipapalabas this year?” sabi ni Lyndon.
“Yeah. Karamihan dun adaptation from books.” Sabi ko.
“Anong mga title?” tanong ni Carlisle. Mina, act normal lang.
“Ahmm … Beautiful creatures, Mortal Instruments, Percy Jackson: Sea of Monsters, The Hunger Games: Catching Fire. Ayun. Basta marami pa eh.” I say as casually as possible.
Nagtinginan sila Lyndon at Elaine. Ano na naman? -__-“
“Hmm… Percy Jackson: Sea of Monsters. Di ba fan ka nun, Wilhelmina?” nagtanong na naman si Carlisle.
“Mina na lang, okay? And yes, fan ako nun at nung Catching Fire din. Nakakaexcite nga eh.”
“Gusto niyo manood tayong apat?” sabi ni Lyndon.
“Group date?” sabi ni Elaine.
Nagtawanan lang sila Lyndon at Carlisle. Nakisali rin si Elaine. Ngumiti na lang ako. Well, medyo nawala na rin yung awkwardness. For the first time, nag-usap ulit kami ni Carlisle after the break-up. Maliban na lang dun sa mga small talk namin kapag groupmates kami sa mga activities sa classroom.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Ano daw?! XD
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?