Chapter 6

88 7 3
                                    

A/N: Uy! May gwapo! ..... Saan? .... Ayun oh! Sa right side! XD

Meet Lyndon.... :D

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

[Lyndon’s POV]

“Ano nang nangyari sa training nila sa Dauntless Headquarters?”

“Wilhelmina?”

Tinignan ko siya. Tulog ka na pala. Haaaaay … Paano ba ‘to? I tucked her hair behind her ear. Natatakpan kasi yung mukha niya. Wew. Kaya naman pala nainlove ng sobra si Carlisle sa kanya eh. Grabe! Ang ganda niya! Ba’t ngayon ko lang napansin? Hmmm …

“Oy, Lyndon! Ano yan ah!” sabi ni Troy.

Tinanggal ko yung kamay ko sa pisngi ni Wilhelmina. Haaaaay … Ano ba kasing ginagawa ko?

“Yari ka kay Carlisle niyan! Kayo na ba ni Mina?”

“Hindi ah! Friends lang kami.”

“Eh bakit ganyan kayo ka-sweet?”

“Ano kasi eh … Nagkukwentuhan kami tas ayun bigla siyang nakatulog.”

“Sus! Pero di nga, gusto mo siya?”

“Ahmm… Di ko alam. Ay! Hindi. Hindi noh! Tantanan mo ako Troy ah.”

“Hahaha. Ikaw ah. Huwag kang mag-alala si ko sasabihin kay Mina o kay Carlisle.”

“Baliw!”

“Sige, alis na ako… Nakakaistorbo ata ako eh.”

“Mukha mo, Troy! Mukha mo!”

“Mukha ko? Gwapo! Hahaha”

“Sinong kausap mo diyan, Troy?”

Patay! Sumilip si Chris, classmate namin at kaibigan din namin ni Carlisle.

“Uy! Ano ‘to ah?” sabi ni Chris. Shit! Nakita niya… Baka ipagkalat niya.

“Wala, Chris! Alis na nga tayo.” Tinulak ni Troy si Chris palayo …

Haaaaaay … -__-“ 

*facepalm*

Ano ba yan? Ano ba yan? Ano ba yan? Ano ba, Lyndon? Calm down. Bahala na nga kung kumalat ‘to. Gagraduate din naman kami. Mawawala din ang issue na ‘to. Haaaaaaaaaay … Pero yari talaga ako kay Carlisle.

Mina. Gumising ka na. Please? Haaaaaaaaaaaay …. Ano ba! Hayaan mo na nga, Lyndon. Minsan mo lang siyang makitang ganito. Sulitin mo na. Napangiti ako bigla. Haaaay … Ewan… Basahin ko na nga lang yung libro na ‘to para din na ako tanong ng tanong. Maya-maya lang tumunog na yung bell. Tapos na yung rest time. Ang tagal ah inabot ako ng chapter 15. Naku! Gisingin ko na nga si Wilhelmina. Ay! Wait! Pagtripan ko nga. Nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya.

Ooops. Naramdaman ko na naman. Parang kuryente na dumaloy papunta sa puso ko. Ano ‘to? Napahawak ako sa dibdib ko. I shook my head. Tssss… Wala lang ‘to! Okay? Game ulit.

“Wilhelmina. Gising na…” sabi ko sabay ngiti. Inulit ko ulit. Niyugyog ko ulit siya.

“Ay! Shocks!” Sinampal niya ako.

“Aw! Lakas nun ah!”

Hinawakan niya yung mukha ko. Ayan na naman yung dibdib ko para na namang kinukuryente! Ano ba ‘to?

“Sorry! Sorry talaga, Lyndon! Ikaw naman kasi eh. Ang lapit ng mukha mo. Nagulat naman ako.”

“Uy! Okay ka lang? Naalog ba utak mo? Uy, Lyndon! Tulala ka na diyan.”

“Okay lang ako.” Sabi ko.

Inalis ko yung kamay niya sa mukha ko. Tumingin ako sa baba.

“Bakit?”

“Ahhh … Ehhh… Ahmmm … Wala lang. Tara na.”

Hawak ko yung kamay niya nung paakyat kami sa 2nd floor. Di naman siya bumitaw hanggang sa dumating kami sa session hall.

“Ahmm… Sige, puntahan ko na si Elaine.”

Tumango lang ako. Umupo naman ako sa tabi ni Troy.

“Akala ko ba hindi kayo?” bulong ni Troy.

“Di nga.” Haaaaaaaaay….. Ang kulit! -__-“

Ooops! Nakatingin sa akin si Carlisle nakita ba niya na hawak ko yung kamay ni Wilhelmina? Huwag naman sana!

“Kumusta pre? Bigla kang nawala sa room natin ah.” Sabi sa akin ni Carlisle.

“Ahhh … Ehhh … Naiingayan kasi sila Chris at Troy sa gitara ko. Tapos tulog ka pa. Kaya yun lumabas na lang ako. Wala akong makausap.”

“Ah ok.”

Wew!  -__-“

Nakakakaba naman ‘tong si Carlisle. Ano ba, Lyndon? Kalma! Wala na rin sa kanya kung magkaroon ng bagong lovelife si Wilhelmina. Siya nga yung nakipagbreak eh. Tssss…

“Okay ka lang, pre?” tanong ni Carlisle.

“Oo naman.” Nanginig ng konti boses ko.

“Wala ka bang gustong sabihin?” tanong ulit ni Carlisle.

“Ha? Wala! Wala naman.”

Tinignan ko ng masama si Troy. Umiling siya tapos tinuro niya si Chris. Si Chris ang nagsabi! Badtrip talaga oh! Haaaaaaaaaay … Bahala na. That’s life, deal with it. Bahala na nga talaga.

----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Bakit naman kabado si Lyndon? Echosero! XD

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon