[Lyndon’s POV]
Nakita naming may mga hiwa sa leeg sila Irish at Tamara. Patay na si Irish. Naabutan pa sana naming buhay si Tamara, pero huli na rin ang lahat para sa kanya. Alam kong masakit para kay Carlisle ang pagkawala ni Tamara. Para na rin siyang little sister ni Carlisle.
Iniwan ko muna si Carlisle sa kwarto nila Tamara. Kumatok ako sa kwarto nila Mrs. Matilda. Binuksan ni Mrs. Matilda.
"Oh? Lyndon. Bakit ang aga mo namang---" naputol yung sinabi ni Mrs. Matilda.
"May problema ba?" tanong ni Mrs. Matilda.
"Malaking problema po. Huwag po kayong mabibi---" lumingon si Mrs. Matilda sa katawan ni Irish.
"Diyos ko!" sabi ni Ma´am tapos bigla siyang nahimatay… Argh! Buti na lang nasalo ko kaso ang bigat.
"Ma´am! Ma´am! Gising!"
Nagising na rin si Ms. Christine. Naghysteria siya. Galit na galit siya.
"Anong gagawin ko?! Inaasahan ng mga parents nila na makakauwi sila ng ligtas… tapos ano? Yung isa tulala na … Yung isa nawawala… Dalawa sa estudyante ko... Patay na! Diyos ko!" sabi ni Ms. Christine.
Si Carla nagkulong pala sa CR ng kwarto nila nung pinasok kami nung mga killer. Sa ngayon, hindi namin siya makausap at tulala pa siya. Si Jeanette, nawawala. Pinatawag yung boy. Bike lang ang sasakyang meron sila. Nagbike siya para humingi ng tulong. Tuluyan nang nawalan ng signal. Putol na ang mga wire ng mga telepono sa retreat house. Hinanap ng ibang mga boys si Jeanette. Nakita siya sa bandang garden. Gutay-gutay ang damit. Wala nang buhay. Sa tabi niya, merong malaking bato na puno ng dugo. Yun yung ginamit ng pampukpok sa ulo niya. Yun ang tumapos sa buhay niya.
"Jeanette!!! Sinong gumawa sayo nito!!!" di kinaya ni Troy nung makita niya ang bangkay ni Jeanette. Balak sana niyang magtapat kay Jeanette pero ito ang tumambad sa kanya. Ano bang nangyayari?!
Pagbalik naming mga boys, nagkakagulo na sa loob ng retreat house. Nalaman na nila ang nangyari kina Irish at Tamara. Malalaman na rin nila ang nangyari kay Jeanette.
"Nahanap niyo ba si Jeanette?" tanong ni Ms. Christine.
Tumango lang ako.
"Nasaan siya?" tanong ulit ni Ms. Christine.
"Patay na siya! Pinatay siya ng mga hayop na yun!" sigaw ni Troy. Panay ang sigaw at iyak niya. Sobrang hirap kami na pakalmahin siya.
"Diyos ko! Ano nang gagawin ko?" naiiyak na si Ms. Christine.
Hindi ko na kaya ´tong drama na ´to. Ayokong pumunta sa kwarto namin. Maririnig ko lang ang walang tigil na pag-iyak ni Troy. Nagkasalubong kami ni Wilhelmina.
"Yung throwing knives…" sabi ko.
"Nandito…" sabi ni Wilhelmina.
"Good."
"Si Carlisle? Kumusta siya? Natulala na daw siya nung… nung wala na si Tamara."
"Magkasama sila ni Troy sa kwarto."
Nahanap na yung susi ng kwarto ni Sis. Joyce. Patay na rin siya. May nakapulupot na lubid sa leeg niya. Magulo ang kwarto niya. Palatandaang nanlaban si sister. Si Toto, nawawala rin. Bakas lang ng dugo niya ang ang naiwan sa kwarto niya. Nagkalat yung dugo niya sa sahig papunta sa pintuan kung saan unang nagpakita yung lalaking nakamaskara. Malamang kinaladkad palabas si Toto. Dadarating daw si Fr. Francis para magdaos ng misa para sa last day namin dito. Baka raw pwede kaming makahingi na tulong para makaalis dito. Nakakapanghina ang nangyari sa amin ngayong araw na ´to. Parang kahapon lang, kumpleto at masaya kami pero ngayon, hindi na. Yung dalawa pang madre, wala na rin. Kapareho lang ng sitwasyon ni Sis. Joyce.
Pumunta kami sa dining room para mag-almusal pero yung iba sa amin si kinaya ang kumain. Maya-maya lang, yung iba sa mga kumain bigla na lang umubo tapos biglang bumula yung bibig nila. Nabigla yung kusinera sa nangyari. Tumayo si Bonnie, classmate namin. Lumapit siya sa kusinera at sinampal niya.
"Bakit mo kami nilason? Kasabwat mo ba sila? Ha?" sabi ni Bonnie.
Inawat si Bonnie ng mga friends niya. "Di ko alam. Wala akong kinalaman diyan!" sabi nung kusinera.
"Totoo ang sinasabi niya. Kami ang may pakana ng lahat ng to." Sabi ng lalaking nakasuot ng maskara na clown. Shit! Delikado kami dito.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: FYI... Nilagyan nung mga psycho ng lason yung food na di namalayan ng kusinera... Kaya ayun...
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?