[Wilhelmina’s POV]
Ngayon na ang Mr. and Ms. Business Management. Lalo akong kinakabahan. Si ate Mimah ang nag-ayos sa akin. “Huwag kang kabahan. Always remember. Chin up, smile on.” Sabi ni ate Mimah.
Tumango lang ako. “Done. Ang ganda mo talaga!” sabi ni ate.
Niyakap ko siya. “Thank you!” sabi ko.
Pumila kaming mga contestants sa likuran para sa entrance namin.
“Ang ganda mo!” sabi ni Dylan. “Thanks. Ikaw. Ang gwapo mo!” sabi ko.
“Ano ka ba? Matagal na kaya.” Sabi ni Dylan. Nagtawanan kaming dalawa. Pinagtinginan kami ng iba contestants. Tumahimik na lang kami.
Nag-entrance na kami at nagperform ng pinractice naming dance number. Sigawan at hiyawan ang sumalubong sa aming 20 contestants. Isa-isang nagpakilala ang mga contestants.
“Good evening, everyone! I’m Wilhelmina Marie Chase. 18 years old. From 1A2-2.” Sabi ko.
Is it just me or talagang sobrang lakas ng sigawan at palakpakan nila? Pagbalik ko sa pwesto ko parang feeling ko ang sama ng tingin sa akin ng ibang girl contestants.
Bumalik kami sa backstage para magbihis ng sports attire. Hinanda na rin namin ang props namin.
“Oy ah! Dapat sakto sa target.” Sabi ni ate Mimah.
Nakipagcoordinate kasi si ate Mimah sa organizer ng contest na magshushoot kami ng arrows sa target at biglang aapoy yun. Buti pumayag yung organizer at hindi nila kinonsider na panlalamang yun sa iba. Wew. Kami na ang sunod. “Ready?” sabi ni Dylan. “Yeah.” Sabi ko.
Rumampa kami sa stage habang may binabasa ang emcee tungkol sa skills namin sa archery. Rampa. Pose. Rampa. Pose. Tumango si Dylan. Ito na. Sinindihan namin ang mga arrows namin. Humarap kami sa audience at nag-aim kami sa pinakagitna ng mga audience kung saan sinet ang target na aapoy. Feel na feel ko ‘to. Feeling ko ako si Katniss Everdeen. Chos!
“3…2…1…Fire.” Bulong ni Dylan. Lumipad ang arrow papunta sa target. Umapoy siya at korteng number 8. Yun ang number naming dalawa sa competition na ito. Nagstanding ovation ang mga audience.
Umexit kaming dalawa. “Galing!” sabi ni Dylan. “Ikaw rin.” Sabi ko.
Swim wear naman. Nagbihis na ako. Medyo nakakailang magsuot ng ganito. Mas lalong nakakailang kapag nasa stage na. Haaaaay… Di bale na. Sandali lang naman.
“Ikaw talaga ang pinakasexy dito. Yung iba… WALEY!” bulong ni ate Mimah sa akin.
“Baka may makarinig sayo.” I say while grinning.
Bigla kong nakita si Tyler sa sulok ng backstage. Ngiting aso. Lalo akong kinabahan. Natatakot na talaga ako sa kanya. Pumila ulit kami. “Bakit?” tanong ni Dylan.
“Si Tyler nandiyan.” Sabi ko. Lumingon si Dylan sa likod namin. “Oo nga.” Sabi ni Dylan. “Huwag kang mag-alala pinaalis na siya nung organizer.” Sabi ni Dylan.
Nakahinga ako ng malalim. Rumampa na kami sa stage. Nakita naming nanonood na sila Lyndon at Audrey. Ako ang unang rumampa. Rampa. Pose. Rampa. Pose. Tapos nag-flying kiss ako kay Lyndon. What the hell?! Ano bang pinaggagawa ko?! Umarte naman siya na parang sinalo niya yung kiss ko. Naghiyawan ang mga audience. Nagpose ako sa gilid. Si Dylan naman ang rarampa. Sa lahat ng male contestants siya lang ang nakasando. Rumampa siya at bigla niyang hinubad ang sando niya at winagayway na. Wow ah! Feeling!
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?