[Wilhelmina’s POV]
Grabe yung nangyari kanina! Yung lalaking nakamaskara yun… pinatay niya yung guard. Nandito kami sa kwarto nila Ma’am. Kinukwento namin kung ano ang nangyayari. Nagwoworry sila para safety naming lahat.
“Kelangan nating tumawag ng pulis.” Sabi ni Mrs. Matilda.
“Wait lang. Tatawag ako.” Kinuha ni sir yun phone… Paulit-ulit niyang sinubukang tumawag.
“Bwiset! Walang signal!” sabi ni sir.
“May signal po sa labas…” sabi ko.
“Eh paano kung nandun pa yung lalaking yun.” Sabi Ms. Christine.
“AAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!” May sumigaw. Saan galing yun?
Lumabas yung teachers namin… Susunod sana kami pero hinarangan kami ni Ms. Christine.
“Stay here!” sabi niya. Nilock at sinara niya ang pinto. Naiwan kaming dalawa. Binuksan ni Lyndon ang pinto at sinundan niya yung teachers namin. Sumunod na rin ako. Si Toto yung sumisigaw.
“N-nandito na sila! Nandito na s-sila!” sabi ni Toto habang nauutal.
“Sino? Sinong sila?” sabi ko.
“I told you to stay there!” sigaw sa amin ni Ms. Christine.
“Hayaan mo na, Christine.” Sabi ni Sir Nathan.
“Toto… makinig ka sa akin. Sino sila?” tanong ni Sis. Joyce.
“S-sila. Sila! Yung… yung m-mga n-nakamaskara. Habol ako!” umiiyak na si Toto. Tinuturo niya sa labas. Nagtinginan kami ng mga teachers namin. Sino sila?
“Pumunta na kayo sa mga kwarto niyo. Ilock niyo ang mga pinto. Aayusin namin ang sitwasyon. Susubukan ulit naming kumontak ng pulis.” Sabi sa amin ni Mrs. Matilda.
Sinamahan muna ako ni Lyndon papunta sa kwarto ko. Ayokong umalis siya pero kailangan niyang bumalik sa room nila. Nilock ko ang pinto ng kwarto nung nakita kong nakababa na siya ng hagdan.
“Wilhelmina! Anong nangyari? Bigla kaming pinatawag sa Session Hall. May pugot daw na ulo.” Sabi ni Helen. Roommate namin. Kinuwento ko yung nangyari sa amin ni Lyndon.
“Oh my God!” sabi ni Kathleen. Isa pang roommate natin.
“Nakakainis! Kanina ko pa tinetext yung parents ko about the incident pero walang signal sa lintik na retreat house na ‘to!” sabi ni Margaux, friend ni Kathleen.
“Don’t worry… Humihingi na rin ng tulong yung mga teachers natin.” Sabi ko.
“Ano ba yan? Nakakatakot! Gusto ko nang umuwi. Now na!” sabi ni Janelle.
“Last day na natin bukas dito sa retreat na ‘to. Magpray na lang tayo na nasa walang mangyari ngayong gabi…” sabi ni Elaine.
Maya-maya lang nakatulog na silang lahat. Ako na lang ang gising sa room na ‘to. Hindi ako makatulog. Pag pumipikit ako, nakikita yung pugot na ulo ng guard na yun. Umupo na lang ako sa kama ko. Hands on my head, elbows on my knees. Biglang may kumatok. Mahina lang kaya hindi man lang nagising yung mga kasama. Kumatok ulit. Oh my God! Kumuha ako ng isang throwing knife sa bag ko. Buti dala ko ‘to. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Wew! Si Lyndon lang pala. Napayakap ako ng di oras sa kanya. Pumasok kami sa loob at nilock niya yung pinto.
“Hindi ka rin makatulog?” tanong niya.
“Di ko kaya eh…” sabi ko.
Umupo kami sa kama ko. “Bukas huwag mong kalimutang suotin yung vest mo na may throwing knives. Patungan mo ng jacket. Just in case na may mangyari.” Sabi niya sa akin.
“Sana naman walang mangyaring masama. Liblib na lugar pa naman ‘tong retreat house na ‘to. Sinong tutulong sa atin?” sabi ko.
“Huwag kang mag-alala. Aalis na tayo bukas. Last day na, di ba?” sabi niya.
“Matulog ka na.” bulong niya.
“Ayoko.”
“Sige na.” sabi niya. “Sige ka. Hindi ako aalis dito.” He insists.
Humiga ako. Ginawa kong unan yung braso niya. I buried face on his chest and he wraps his arms around me. Ang weird talaga ng feeling na kapag kasama ko siya, feeling ko safe ako. At the same time, I feel so immoral. Wala kaming relasyon, tapos ganito. Wala naman kaming ginagawang masama. Siya lang kasi yung lalaking nakatabi kong matulog maliban sa daddy ko na tumatabi sa akin nung bata pa ako. Hinayaan ko lan na ganun kami kahit feeling ko ang awkward. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
---------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Yieeeeeeeee..... XD
Next kabanata naman! :D
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?