[Wilhelmina’s POV]
Shocks! Muntik ko nang makita yung chorva ni kuya. Buti na lang I buried my face on Carlisle’s chest before it’s too late. Tawa ng tawa si Carlisle sa nangyari tapos kung anu-ano pang sinasabi. MAJOR TURN OFF! Buti na lang di na kami! >__<
“Ano ba, Carlisle? May babae kaya!” sabi ni Lyndon.
Hinila niya ang kamay ko at inalalayan niya ako habang naglalakad kami pabalik ng retreat house.
Mabato kasi yung daanan. Wew! Magkahawak na naman yung kamay namin. :’’’>
“Di ko akalaing di man lang nadapa si Elaine nung natakot siya pero kanina lang natapilok siya.
Grabe ah!” sabi ni Lyndon.
Natawa lang kaming tatlo. Bumitaw na si Lyndon nung nakapasok na kami sa retreat house.
Sinamahan ako nung dalawa hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.
“So, iwan ka na namin dito ah.” Sabi ni Lyndon.
“Okay.”
“Good night!” sabi sa akin ni Carlisle.
“Good night din sa INYO.” Sabi ko sa kanila.
“Good night! See you tomorrow.” Sabi ni Lyndon.
Ngumiti lang ako. Naglakad na sila palayo. Sinara ko yung pinto tapos narealize ko na mainit. Ay! Suot ko pa pala yung jacket ni Carlisle. Binuksan ko ulit yung pinto. Tumakbo ako para mahabol ko sila.
“Carlisle!”
Huminto silang dalawa. Pababa na sana sila ng hagdanan. Buti naabutan ko pa.
“Oh? Bakit? Nakalimutan mo ba mag-goodnight kiss?” biro ni Carlisle. Ano ba yan? Feeling ko nagblush ako. Hala!
“Hindi ah! Ibabalik ko lang ‘tong jacket mo.” Sabi ko.
“Pwede namang bukas na lang eh.” Sabi niya.
Goosebumps appear on my bare arms when I removed Carlisle’s jacket. Naka-sleeveless kasi ako eh.
Inabot ko yun jacket kay Carlisle. “Thank you! Good night sa inyo.”
“Good night kiss ko!” pahabol ni Carlisle.
“Baliw!” sabi ko sabay takbo sa room namin.
Pagbukas ko ng room may tao na. Si Elaine. Nakaupo siya sa kama niya sa taas. Double-deck kasi yung mga kama dito.
“Uy! Kumusta? Anong nangyari sa iyo kanina?” tanon ko sa kanya.
“Natakot ako eh!” sabi niya.
Umakyat na rin ako sa kama ko. Sa taas din kasi yun kama ko eh.
“Akala ko ba di ka natatakot.”
“Eh kasi may biglang lumitaw eh. Ano ba yun?”
“Ahhhh … si kuya yun, yung boy dito. Jumijingle…” natawa ako bigla.
“Ahhh… haha. Eh kumusta naman? Kasama mo yung dalawang ‘Prince Charming’ mo? Ayiiieee…”
Nang-asar pa! >__<
“Loka-loka! Pinagtawanan ka lang naman namin. Grabe ka! Nung papunta tayo dun natatapilok ka pa tapos biglang karipas ng takbo nun nagkatakutan na!” natatawa kong sabi.
“Eh kasi…. Nakakatakot talaga! Ang bilis kaya ng tibok ng puso ko kanina dahil sa takot! Akala ko talaga multo na yun!”
Tumawid siya mula sa kama niya papunta sa kama ko. Imagine, double-deck na kama yun ah at nasa taas pa kami. Medyo magkalapit lang naman yung mga kama kaya keri lang. Umupo siya sa tabi ko.
“Ikaw ah! Nalingat lang ako saglit, magkayakap na kayo ni Carlisle.”
“Hala!”
“Hala ka diyan! Anyare ba?”
“Eh kasi di ba nga naghahanap ako ng signal? Nakahanap ako dun sa baba tas yun sumulpot siya sa likod ko. Ano daw ginagawa ko.”
“Ahhhhh… Ay wait! Di ba jacket niya suot mo kanina?”
“Ahhhh… ehhhh… oo eh. Inalok niya sa akin, baka daw sipunin ako. Tinanggihan ko nga eh pero makulit so ayun…”
Siniko ako ni Elaine.
“Antaray! Haba ng hair! Eh paano napunta sa yakapan? Ano yun? Ganun na ba talaga kalamig sa labas para magyakapan kayo dun?”
“Gaga! Hindi noh! Eh kasi… nagsosorry siya sa nangyari dati. Yung break-up. Eh wala na rin yun para sa akin. Tapos ayun… pwede daw bang friends ulit… sabi ko ok.. since gagraduate na tayo at ayoko naman ng may kasamaan ng loob… tas ayun niyakap niya ako… kung di ako nagkakamali para naiyak siya… yung boses niya kasi eh… nag-thank you pa nga siya. Ang saya daw niya.” Kwento ko.
Tumahimik muna saglit si Elaine. Parang inaabsorb yung sinabi ko.
“Grabe ah! Na-gaga mo pa ako! Hahaha … Hmmm… I can smell something fishy with Carlisle!”
“Ano naman yun?” :-/
“Feeling ko makikipagbalikan yun sayo.”
“Weh? Agad-agad?”
“Ito naman! Makareact wagas! Hampasin kita ng unan eh.”
“Gawa! Di joke lang! Peace yow!”
“Pero di nga… Paano kapag gusto nga niya makipagbalikan sayo?”
My cheeks became hot. Hala! Paano nga?
“Ewan ko……. Ahmm….. di ko alam!”
“Ayyyy…. Nalilito ka na kina Lyndon at Carlisle noh? Antaray! Torn between two lovers ang peg!”
“Che! Manahimik ka nga! Itulog na lang natin ‘to. Okay?”
“Sus! Ewan ko sayo, girl! Kung ako sa iyo… mag-isip-isip ka na. Malapit na ang graduation. Sige, good night!”
“Good night!”
Bumalik na si Elaine sa kama niya. Bumaba muna ako sa kama… Nagtoothbrush muna ako. Naalala ko ang sinabi ni Elaine sa akin. Nevermind! Kalokohan lang yun, Mina! Tinignan ko ang sarili sa salamin. “Hindi yun makikipagbalikan sayo! Siya ang nakipagbreak… remember?” bulong ko sa reflection ko sa salamin. Umakyat ulit ako sa kama at nakatulog na ako agad.
-----------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Rumaradar si Elaine! XD
Ito namang si Wilhelmina napapaisip... May feelings pa yata para kay Carlisle. :)
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?