Chapter 26

51 4 3
                                    

[Wilhelmina´s POV]

Ang dami nang namatay sa amin. Wala man lang akong nagawa. Gustong-gusto ko nang umuwi. Ayoko na dito. I miss my mom and dad. Gusto ko na silang makita. Di ko na kaya yung halu-halong nararamdaman ko. Lungkot. Takot. Longing. Pagod. Gutom. Uhaw. Galit. I can feel Lyndon´s around me. Pero kahit na nandito siya, I feel so alone. Naiyak na lang ako.

"Huwag ka nang umiyak. Please?" bulong niya sa akin.

"Gusto ko nang umuwi." Sabi ko. Nanahimik lang siya.

"Ganito na lang. Try to sleep and imagine that you´re already home. Malay mo biglang magkatotoo." Sabi niya. Gusto ko ngang matulog pero …

"Ayoko. Baka …" Baka mawala ka sa akin…

"Just try. Don´t worry… I´ll stay here with you." Bulong niya sa akin. Di ko alam pero biglang napanatag ang loob ko nung sinabi niya yun. Pakiramdam ko bumibigat yung mga mata. Di ko na napigilang mapapikit. Nakatulog na yata ako. "I´ll stay with you… forever." Bigla kong narinig. Sino yun? Imagination ko lang ba yun? May naramdaman akong something warm sa noo ko. Ang sarap ng feeling. I´ll stay with you… forever. Paulit-ulit na nag-echo sa isip ko.

Ang lamig! Pagdilat ko nasa bedroom na ako. Ang lakas ng aircon. Teka! Bedroom ko? So nightmare lang yung kanina? Ang sakit ng ulo ko. Umupo na ako sa kama. Medyo nahilo ako… anong oras na ba? 4:30 pm. Ngayon lang ulit natulog ng hapon ah. Kumaluskos yung pintuan ng kwarto ko. Nakaramdam ako ng takot. Bumukas yung pinto. Si mommy!

"Mom?" Medyo nawala ang takot ko.

"Oh, honey! Bakit bumangon ka na? Baka mabinat ka." Sabi niya sabay dampi ng kamay niya sa noo ko. Ngumiti siya sa akin. Di ko napigilang ngumiti rin sa kanya.

"Mabinat?" I frown. "May lagnat ka. 2 days kang unconscious. Mababa na temperature mo ngayon. Ano bang nangyari sayo?" tanong niya sa akin. Ano nga bang nangyari sa akin? Sumakit na naman ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko. "Hay nako! Humiga ka nga ulit." Utos niya sa akin. Kinumutan niya ako. May naamoy ako. Di ko masabi kung ano yun.

"Ano yung naaamoy ko, mom?" tanong ko.

"May niluto ako for you. Special yun. Wait lang ah. Dadalhan kita." Sabi niya sa akin tapos kinurot niya yung ilong ko. Lumabas siya sa kwarto.

Bumalik siya sa kwarto na may dalang mangko. Parang amoy dugo. "I´m sure. Magugustuhan mo ito." Sabi niya. Umupo ulit ako. Kinuha ko yung mangko sa kanya. Nanlaki ang mata nung makita ko yung laman. Puro dugo at buhok lang ang laman nun tapos may uod pa. Sumigaw ako. Binato ko yung hawak ko. Tumawa si mommy pero hindi yun ang boses niya. Paglingon ko sa kanya. Nakasuot siya ng maskara at may hawak siyang patalim. Napasigaw ulit ako. Nag-attempt siyang saksakin ako pero nakaiwas ako. Tinulak ko siya tapos tumakbo ako palabas ng kwarto. Pero walang daanan. Paglingon ko sa babaeng nakamaskara bigla na lang niya akong pinukpok sa ulo. Pagdilat ko may mga tao sa paligid ako.

"Wilhelmina?" Familiar yung boses. Agad akong napayakap sa kanya at pumikit ako. Napahinga ako ng malalim. "Wilhelmina? Okay ka lang?" tanong ni Carlisle. Napadilat ako. "Carlisle!" I blurt out. Nandito ulit ako sa retreat house. Panaginip lang pala.

"Ako nga. Okay ka lang ba?" tanong niya. Tumango lang ako. "Si Lyndon?" tanong ko. Bumitaw ako kay Carlisle at lumingon ako sa likod ko. Nakita ko si Lyndon. "Akala ko ba… nevermind." Akala ko ba dito ka lang sa tabi ko. Nakatingin sa akin si Lyndon. Umiwas ako sa tingin niya. Tumingin na lang ako sa paligid. Halos lahat tulog na. Gabi na rin kasi eh. May napansin ako … Wala na yung mga patay at saka yung mga dugo.

"Naglinis kami… kaya gising pa kami." Sabi ni Lyndon tapos humikab siya.

"Matulog ka na kaya." Sabi ko sa kanya. "Huwag na. Okay lang ako." Sabi ni Lyndon.

"Just try." Sabi ko. Ngumiti siya. Naalala niya siguro yung kanina. "Okay. Sige." Humiga na siya at pinikit ang mata niya.

"Ikaw rin, Carlisle." Sabi ko. "Ha? Ehhh… natulog na ako kanina." Sabi ni Carlisle. Tinignan ko lang siya. "Sige. Iidlip lang muna ako. Kahit sandali lang." sabi niya. Humiga na rin siya.

"Ikaw? Hindi ka ba matutulog ulit?" sabi niya sa akin.

"Hindi na. Matulog ka na." sabi ko. Hindi ko napigilang haplusin ang buhok niya. Namiss kong gawin yun. Ngumiti siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko tapos hinalikan niya. Katulad nung dati. Ngumiti rin ako. Wait! Ano ba? Hinatak ko yung kamay ko. Ano bang ginagawa mo, Mina?

"Matulog ka na." inulit ko. "Okay." Ngumiti siya tapos pinikit na niya yung mata niya.

Argh! The warmth of his lips lingers on my hand. Feeling ko kumalat yung warmth na yun sa puso ko na para bang kinuryente.Ewan! Ugh! Napahawak ako sa dibdib ko. Ano ba ito? Bakit ko ´to nararamdaman ulit? Wew! Relax, Mina! Wala lang ´to! Okay?

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon