Chapter 13

53 4 1
                                    

[Wilhelmina’s POV]

Naalipungatan ako bigla. Tinignan ko ang phone ko. 2:39 am pa lang. Nakalimutan kong isurrender kay Ma’am kagabi. Di bale na. Ano ba yan? Gusto ko pang matulog pero nawala na ang antok ko. Naligo na ako. Malamang agawan ng shower mamaya. Sabi kahapon ni Ma’am Matilda, dapat daw sa loob ng isang oras dapat daw nakaligo na ang lahat ng tao sa bawat kwarto. Naku! Di gumagana yung heater. Bahala na nga. Pagkatapos nun nagbihis na ako at lumabas para magpractice ng throwing knives.

Ang lamig! Buti may suot akong jacket. Pumili ako ng punong gagamitin kong target. Ngayon ko lang ulit nagamit ‘to. Medyo nakakawala ng stress. Maya-maya biglang may kamay na tinakpan ang mga mata ko. Muntik ko nang mabitawan yung kutsilyo. Sisigaw n asana ako pero tinakpan din niya ang bibig ko. No choice! Gagamitin ko na ‘tong kutsilyo.

“AW!!!” binitiwan na niya ako. Kilala ko yung boses na yun ah. Muntik ko na siyang batuhin ng kutsilyo. Buti napigilian ko ang sarili ko.

“Lyndon? Oh my God! Sorry! Ikaw kasi eh. Okay ka lang ba?”

Dumudugo yung braso niya. Agad kong kinuha ang first aid kit ko at hinila ko siya sa Gathering Area… may gripo kasi dun. Hinugasan ko muna yung sugat bago ko gamutin.

“Thank you.” Sabi niya. Hinawakan niya ang pisngi ko. Feeling ko uminit ang pisngi ko. Ngumiti siya. Alam niya. Nakita niyang nagblush ako! Argh!

Biglang may kumalampag ng malakas sa gate. Nagising yung guard na natutulog sa guard house. Sumisigaw yung kumakatok sa gate. Pinapasok nung guard yung kumakatok na yun. Pumasok yung lalaki. Napakagusgusin niya. Kitang-kita ang takot sa mga mata niya. Humihingi siya ng tulong. Pero makikita mo rin na parang wala siya sa katinuan. Dinala siya nung guard sa quarters ng mga madre. Irereport niya siguro sa kina Sis. Naomi at Sis. Agatha. Kinuha ko ang mga gamit ko at pumasok kami ni Lyndon sa retreat house.

“Okay ka na ba talaga?”

“Oo. Thank you nga pala sa paggamot mo sa akin ah.”

“Sa susunod huwag mo na akong pagtitripan lalo na kapag hawak ko ‘to at sorry ulit.”  

“Sorry din. Tulungan na kita.”

“Di na. Kaya ko na ‘to.”

 Kinuha ko na ang mga gamit ko at ibinalik ko sa kwarto ko. I can still feel the pressure of his hand on my cheek even after I left him.

Maya-maya lang nung gising na ang halos lahat, pumunta na kami sa session hall. Nagkaroon ng opening prayer, opening song, gospel reading, reflection na may kasamang sharing, closing song at closing prayer.

“Ang susunod nating gagawin ay ang Healing Exercise. Please proceed to the garden.” Sabi ni Sis. Joyce. Sumunod naman ang lahat.

“Okay. Choose your partners. By 2’s po tayo ah.” Sabi ni Sis. Joyce.

Hinila ko agad si Elaine. Dinedemo muna ni Sis. Joyce ang bawat routine.  Tapos ipapagawa niya sa amin. Ibang klase ang Healing Exercise na ‘to. Slight movements lang ang gagawin pero may effects after ng exercise. Parang nakakawala ng stress. Sobrang nakakarelax at ang gaan ng pakiramdam ko. Nakita ko si Lyndon kanina. Mukhang di siya komportable sa paggalaw. Alam ko kung bakit. Nilapitan ko siya.

“Uy, ahmm.. kumusta na? Okay ka lang?”

“Okay lang pero medyo mahapdi eh.”

“Hala! Sorry talaga…”

“Don’t worry… kasalanan ko rin. Ahmmm… tara na. Mag-breakfast na tayo.”

Pumunta kaming lahat ng dining room. Nakakaguilty talaga yung nagawa ko kay Lyndon. Yung iba sa amin kakagising lang nung pumunta sa dining room. After ng breakfast, yun na yung time para maligo ang lahat. Buti na lang nauna na ako. Sabi ko na nga ba eh. Halos mag-away na yung mga roommates ko dahil sa tagal maligo ng iba. Kaya lang may problem ako, nilalamig ako kahit ang taas na ng araw. Siguro malamig lang talaga ang panahon ngayon. Ano bang inaasahan ko? Eh medyo malamig nga talaga dito sa Tagaytay.

After one and a half hour, start na ulit ng aming session for this day. Kailangan ng art materials para sa activity na ‘to. Magdodrawing daw kami sa isang bond paper. Idodrawing daw naming yung mga memorable events sa buhay namin pero dapat daw parang map yung pagkaka-drawing. Kahit symbols lang daw ang idrawing pwede na. Tinawag ni Sis. Joyce ang activity na ‘to na ‘Pilgrims of Love’. Naenjoy ko ‘tong activity na ‘to kasi hilig ko rin ang magdrawing. Naubos ang oras ng session na yun sa pagdodrawing namin. Tapos snack time na… Yes! Tamang-tama… gutom na ako eh!  :D

Wiiii… Spaghetti w/ Tuna sandwich! Favorite ko yang dalawa na yan! hehehe

--------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

- comment below

- vote for my story

- add it to your reading lists

- follow me/be my fan

- share it with your friends

di po yan sapilitan! XD 

StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon