[Wilhelmina’s POV]
Napansin ko kanina sa dining room na kasama ng mga sisters na kasama nila yung lalaking kumakatok kanina sa gate. Pansin ko rin na malinis na siya. Tulala siya habang kumakain. Hmmm… Sino kaya siya?
Pumunta ako sa room namin. Tinanggal ko muna yung jacket ko. Medyo naiinitan na rin ako eh. Nagbell na… Session na naman ulit. This time by group na yung activity namin pero may kinalaman pa rin daw yun sa nadrawing namin earlier. Kagrupo ko si Carlisle. Umupo kami ng mga groupmates ko sa sahig. Pabilog yung formation namin. Tumabi sa akin si Carlisle. Pinagtinginan tuloy kami ng mga groupmates namin. Haaaaay … -___-“
“Hi groupmates! So, ayun sabi ni Sis. Joyce gagawa daw tayo ng skit or role play or dance number… pwede ring kumanta o kaya tableau. Kahit anong klaseng presentation daw basta marerepresent natin yung mga dinrowing natin. Kapag unique at nakakatuwa daw yun yung winner.” Paliwanag ni Louis na leader ng group namin. Ang suggestion niya is algorithm. May actions siya. Gagawin nung first person yung first action tapos yung second person man yung gagawa ng first action tapos second action na yung gagawin ng first person. Basta tuloy-tuloy na yun hanggang sa lahat gagalaw.
Syempre nagsharing muna kami tapos para makapag-isip kami ng mga actions na gagawin.
“Ganda ng drawing ah.” Sabi ni Carlisle.
“Thank you. Yung sayo rin kaya…” sabi ko sa kanya.
“Di kaya.” Deny pa! hmp.
“Wait lang. Bakit may pangalan ko?” tanong ko sa kanya.
“Syempre! Isa sa pinakamasayang moment ng buhay eh yung naging tayo.”
“Ayieeeee…” Shocks! Nakikinig pala yung groupmates namin. Ano ba yan?!
Tumingin ako sa ibang group. Nakita ko si Lyndon na nakatingin sa amin. Bakit ang sama ng tingin niya kay Carlisle? Nag-away ba sila? Maya-maya tumingin din sa akin si Lyndon. Nginitian ko siya, ngumiti rin siya sa akin sabay iwas ng tingin sa akin.
Nagpresent na yung grupo namin. Ang fail ng presentation namin, nakakahiya! >__<
Ang gagaling nung ibang group. Haaaaay… -___-“
“Ang winner natin ay group 2!” sabi ni Sis. Joyce.
Tumayo kami sa harapan para ibigay sa amin ang price. Mga souvenir na may nakalagay na Tagaytay. T-shirts at mugs.
“Okay! Picture!” sabi ni Von, ang tinaguriang photographer ng batch namin. Hilig kasi niya ang pagpicture. Halos lahat nga kami galing sa kanya yung profile picture sa Facebook eh. Ang great niya talaga kasing kumuha ng picture.
Inakbayan pa ako ni Carlisle.
“Ayieeee…” sabi ng iba naming batchmates.
“Oh? Nanalo na naman kayong dalawa?” sabi ni Sis. Joyce.
Lalo kaming inasar ng mga batchmates namin pati yung mga teachers namin. Haaaaay ….
Ano ba yan?! >__<
-------------------------------------------------------------------------
A/N:
- comment below
- vote for my story
- add it to your reading lists
- follow me/be my fan
- share it with your friends
di po yan sapilitan! XD
BINABASA MO ANG
Strangers
RomanceMinsan maiipit ka sa isang sitwasyon na susubukin ang feelings mo para sa dalawang tao... Minsan sa sobrang saya na nararamdaman mo di mo maiisip na may kapalit pala masamang pangyayari ... Paano mo haharapin ang bagay na yon? Kakayanin mo kaya?