Author's Note:
MMA is now published under Sizzle, an imprint of Summit Books. Don't worry, hindi ko pa aalisin ang contents nito. This story will remain in wattpad. Pero iba pa rin siyempre ang nasa published book. Mas matured ang pagkakasulat sa Sizzle version. You can buy a copy in bookstores nationwide. Enjoy reading! 💕
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, some places, and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights reserved. Do not distribute, publish, modify, transmit, or display without my permission.
© FrozenFire26
__________________________
Chapter 1 - PART ONE
[Vianca's POV]
Aish! Traffic na naman. Late na ako nito!
Nag-taxi na nga ako para mapabilis ang biyahe at makahabol sa 8 a.m. class ko, pero mukhang mahuhuli pa rin ako. Paano ba naman, late na akong natulog kagabi kakagawa ng paperwork na kailangan sa school ngayon. 'Yan tuloy, tinanghali na ako ng gising.
Makaraang maipit sa traffic ng higit kalahating oras, malapit na ako sa eskuwelahan at natanaw ko na ang malaking gate papasok ng campus. "Manong, diyan na lang po ako sa may tapat ng gate," sabi ko sa driver.
"Okay po, Ma'am," sagot nito bago tuluyang iparada ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Pagkahinto ng taxi ay nagmamadali na akong bumaba at nagtungo sa entrance ng Southern Yale University. Ang unibersidad kung saan nag-aaral ang mga anak ng mga prominente, mayayaman at elitistang pamilya sa bansa.
Eh, paano nga ba ako napadpad sa school na 'to samantalang hindi naman ako mayaman?
Tss! Never mind na nga muna. Baka ma-bad trip lang ako.
"Good morning po!" bati ko sa security personnel na abalang nagsusulat sa log book.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...