Chapter 1: Meet Her

536 17 3
                                    

Elle's POV:
"Ugh! Stupid fucking nerd girl! What have you done with my dress?! Ah!" Napatingin ako sa nasa likudan ko... Oh no.. I'm so dead.... Teka? Nakapag-toothbrush ba ako kanina? Haaay. Kerii na yan.

"Hala galit na naman si Allysa! Patay na naman si Elle!" Sabi ng isang babae kaya mas kinabahan ako. Ito na ba ang oras ko Lord? Give me a sign!

"Ano na naman bang ginawa ni Ms. Stupid Clumsy Nerd?" Sabi ng isa kaya napaisip ako. Ano nga bang ginawa ko?

Flashback:
"Kuyang Driver! Teka, para na po!" Sigaw ko sa jeepney driver na may pagkabingi. Nang makatigil sya ay agad akong bumaba. "Thank you po-- *cough* *cough*" bastos na bata. Umutot ng itim na usok yung jeep nya! Hay nako.

"Yuck, move girls may germs na dadaan, kadiri." Sabi ng isa at minimick ko naman ang 'germs' na sabi nya. Hahaha!

"Yow Miss Clumsy, ever heard of dressing right?" Napatingin ako sa lalakig nagsabi at napasimangot. Anong mali sa maong pants at carebears na damit? Maganda naman ah! Cute kaya.

"Iyan na si Miss Nerdy." Rinig kong sabi ng isang babae at nagflip ng hair kaya napabuga na lang ako ng hangin bago magpatuloy sa paglalakad-- brrrhggg! Hala! Yung tyan ko nagwawala na. Makakain muna nga, may 30 mins pa naman ako.

Pumunta ako sa cafeteria area bago pumila, hindi naman ganun kahaba ang pila kaya nakapunta agad ako sa harapan.

"Ate, ano po ba pinakamura nyo dyang pagkain?" Tanong ko bago kunin ang pitaka ko. Nagugutom na talaga ako.

"Teka, ano yung mabahong amoy na yun? Amoy imbornal." Pasimple kong inamoy ang hininga ko at ako pala iyon. Hihihi! Biri bad ang amoy pero keri na din. Biri biri biri bad.

"Uhm, ano.. Ano na lang po, turon po tsaka po orange juice. Yun lang po." Mahina at medyo takot kong sabi. Nakakahiya, baka maamoy pa nila.

Oo, takot ako kahit sa mga bata, mga matatanda, lalaki, babae, bakla, tomboy, butiki, baboy. Hayts. Nang makita ko ang turon ay agad ko yung kinuha at binayadan. Gutom na ako!

Humarap ako sa likod ko at---

Back To Reality:

"Ugh! Stupid fucking nerd girl!What have you done with my dress?!" Napatingin ako kay Allysa at biglang kinabahan ng tinaas na nya ang kamay nya kaya agad akong umatras at nabitawan ang turo ko.

Teka juice, asan yung juice ko?!-- Ay! Nasa dress na nga pala ni Allysa. Sayang naman yun! Huhuhuhu. Uhaw pa naman ako, sayang naman pera ko. >,<

"I'm s-orry. Ally-sa. Pa-pasen-sya t-alaga." Sabi ko bago tumungo at tumingin sa sahig na may konting orange juice din.... Nagugutom pa naman ako! Hay--

Napahawak ako sa pisngi at narinig ko ang pag-gasp ng lahat. Naramdaman ko naman ang init at bakas ng kamay ni Allysa sa pisngi ko. "Never. Mess. With. Me." Madiin nyang sabi kaya mas napaatras ako at agad na pinunasan ang luha ko.

Ramdam na ramdam ko ang pagtitig ng lahat kaya agad akong tumayo bago tumakbo. Api. Sakit. Luha. Lungkot. Ramdam na ramdam ko yan sa loob ng siyam na taon. 9 years of pain. Hindi to alam ng parents ko dahil alam kong malaking gulo lang ang dala nito, pero sa loob loob ko ay ang sakit sakit na. Para bang ang laki ng kasalanan ko sa mundo para apihin ako ng ganito.

"Elle, kaya mo to. Kayang kaya mo. Keri lang yan." Sabi ko bago magbilang ng sampu. Buti na lang ang pagbibilang ay nakakapag pakalma sakin. Tinuro sakin yan ni Mama nung bata pa lang ako. Ay oo nga pala.

Ako si Elle Joey Estrade, 17 years old. Tahimik, pero sa bahay? I'm a superstar. Kasi yan ang pangarap ko, siguro hindi ko matutupad yan. Kaya siguro ay susukuan ko na lang ang pangarap na yun, impossible naman kasi talaga. Masyadong mataas ang pangarap na yon para sa nasa ilalim na katulad ko.

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon