Chapter 16: Public Date

161 8 1
                                    

Elle's POV:
"ATEEEE! MAGTATANGHALI NA NAKAHILATA KA PA DYAN, HAY NAKO!" Napabalikwas ako ng marinig ko ang pagsigaw ng magaling kong kapatid kaya tumingin ako sa kanya ng masama, magsasalita na sana ako pero nilagay nya ang kamay nya sa mukha ko. Teka? Parang pamilyar to ah.

"Unang una, huwag mo akong sasamaan ng tingin sa umaga dahil may muta ka pa." Pagsisimula nya kaya agad akong nagtanggal ng muta. "Pangalawa, wag ka magsasalita dahil sobrang baho ng hininga mo pag umaga. Pangatlo, maligo at magtoothbrush ka na daw dahil aalis kayo." Sabi niya at iniwan akong nakatunganga. Hahahard.

"Kapatid ko ba yung bugok na yon? Ang hard sakin ah," Bulong ko sa sarili ko bago tumayo at pumunta sa banyo na malapit sa kwarto ko dahil may dalawang banyo dito sa bahay NAMIN. Oh diba? Feeler.

Naligo agad ako at lumabas ng banyo bago pumunta sa kwarto ko at humanap ng damit.... Hmmmm... Simple na lang ulit, carebears at jeans na kupas. Perfect! Hihihi. Ang ganda ko talaga. Diba? Myghad, no need to ask.

Nagslide ako sa hagdanan at pumunta sa kusina para kumuha ng tinapay. San kaya kami pupunta? Sino kasama ko? Ha? Iyan naguluhan tuloy ako. Char lang, ang liit na nga ng utak ko ginugulo pa. Mga walang awa!

"Anak, nandyan na date mo." Napalingon ako kay Mama at napatitig sa kanya. Date? Sino? Ano? Iyan ginugulo na naman utak ko. Mga walang awa talaga oh!

"Ma, date? Anong date? Calendar? Tinatanong nyo kung anong date ngayon?" Nagtataka kong tanong at agad naman nya akong binatukan habang natawa. Aba teka!

"Anak minsan shunga shunga ka talaga e, pumunta ka na lang sa salas at baka mabugbog pa kita dito. Dun na!" Sabi nya bago ako ipagtulak tulakan. Oh diba? Supportive mother!

"Ma sino ba date ko?--" Napatigil ako ng makita ang isang lalaki na uber sa pogi, naka tshirt at shades pa. Ang pogi talaga nya. James woah, bakit ganyan ka kaperpekto?

"I know i'm perfect." Nakangising sabi nya bago lumapit sakin at ituro ang bibig ko kaya agad akong napahawak duon pero luckly wala namang laway. Putspa naman!

"Tse! Anong date ba ang sinasabi ng lukaret kong nanay?" Nagtataka kong tanong at inakbayan naman nya akong tinitigan at ilang inch na lang ang layo ng mukha namin.

"Mas..." Pinutol ko ang sinasabi nya at tumitig din sa kaniya. "Mas maganda, i know." Sabi ko sabay flip ng hair-- napahawak ako sa ulo ko dahil binatukan nya ako at tinulak.

"Gago! Mas mapangit, mas mabaho hininga, mas kulubot pala ang balat mo sa close up. Kadiri ka! Anong klaseng hayop ka?" Diring sagot nya at tinanggal ang shades. Gagong lalaki to. Makapang lait ah!

"Anyhow mukha kang isaw, san ba tayo pupunta?" Tanong ko at naunang lumabas ng bahay---*flash* *flash* Agad akong nasilaw sa mga ilaw na biglang bumungad. Anong nangyayari? Lighting?

"Hey, masyado nyong sinisilaw girlfriend ko! Tabi nga!" Nagulat ako ng bigla nya akong inakbayan at tinulak ang mga taong nasa paligid namin. Narinig ko ang pagtili ng mga kababaihan sa labas ng gate at yung iba ay sumisigaw pa.

Tumakbo kami ni James na magkahawak kamay at sapilitang nakapasok sa kotsye nya.

"Woooh!" Sabay naming sigaw at nakahinga ng maluwag ng makapasok kami. Nagulat ako ng maalala kong magkahawak kami ng kamay kaya napatingin ako sa mga kamay namin at biglang napaiwas ng tingin. Pinagpapawisan na kamay ko.

Mukhang narealize naman nya ito at dahan dahang bumitaw. Ene be nemen, hawakan mo lang kamay ko. Weg ke ne meheye. Ay krukrung konsensya! Bwisit ka.

"So, where do you wanna go?" Tanong nito habang nakatingin sa bintana kaya napabusangot ako.

"Malay ko ba namang may date tayo diba? Anong kamalay malay ko dyan diba?" Inis kong sagot bago kamutin ang buhok kong matigas. Nakakaloka nga't may naputol na buhok kong matigas. Crunchy!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon