Chapter 43: Back

108 5 0
                                    

Elle's POV:
"Welcome to the Philippines!" Napasinghap ako at napatayo-- "Ouch!" Ungol ko ng mauntog ako, fuck. Nasa airplane pa din ako. I looked around and rolled my eyes, ako na lang pala ang hindi nakakababa pa.

Huminga ako ng malalim at tumayo na, "Welcome back Elle." Bulong ko sa sarili ko bago maglakad palabas. Pagbaba ko pa lang ng eroplano ay kita ko na ang mga taong nagkakagulo. May mga banners at mga cartolina silang dala, fans.

"Gahd, you're finally awake." Sabi ni Manager Glee, she knows that I don't like being waked up while i'm sleeping. It's irritating and trust me, you don't wanna see me angry. Umirap na lang ako at nilagpasan sya.

Nagsign ako ng autograph at ang iba ay nagpa-picture sakin, I was relieve ng makita ko ang kotsye namin kaya agad akong pumunta don habang inaalalayan ng mga body guards ko. Oh diba? Ang taray ko na ngayon.

Dati ako yung kinakawawa, ngayon feeling ko isa na akong princess. Dati ako yung binubully, ngayon ako na yung nang bubully. Dati sobrang hirap ko, ngayon ipapamukha ko na sa kanila na hindi lang ako mayaman, kundi mayaman na mayaman.

They will taste my anger.

"Let's hit the road, Manong." Sabi ko at tumango naman ang driver ko. Nakita ko sa gilid ang kotsye ni Manager Glee kaya napairap ako. Para ko na naman syang buntot. She knows kasi na kapag nawala ako sa paningin nya, probably nagiinom ako.

I never really liked beers and stuffs but it always help me sleep. Parang yun lang ang kaibigan ko, yun lang maasahan ko. Napabuntong hininga ako ng marining kong magring ang phone ko, galit ko yung nilabas at sinagot.

"Hey Babe!" Bati ni Migs kaya napabuntong hininga ako, gahd. Miss na naman ako ng lokong to, I don't know but I feel happy kasi miss nya ako. "Hey babe, kamusta dyan?" Tanong ko bago sumandal sa back seat.

Narinig ko syang bumuntong hininga, "Fine babe, I miss you so much even though kadadating mo lang dyan. How's the flight?" Tanong nya kaya ako naman ang napa-buntong hininga, "Nakakapagod." Sabi ko at narinig ko naman syang tumawa. Wow ha? So nakakatawa pa na napagod ako?

"You're fine babe, you should take some rest. I'll call you later okay? I love you." Sabi nya kaya napangiti ako. Ang sweet sweet talaga ni Migs kahit kaylan. "Okay, I love you more." Nakangiti kong sagot bago i-end ang call.

Maybe I just need some rest, maybe.

*******
"Elle! Elle! Elle!" I groaned at hinagis ang pillow sa gilid ko dun sa taong tumatawag sakin, couldn't they see? I'm trying to sleep here. Nasan naman ang hustisya para sa magagandang nilalang na parang ako?

Naramdaman ko naman ang paghagis nito pabalik at nag-landing sa may likod ko, naiinis ko yung kinuha at minulat na ang mga mata ko. "Ano ba?!" Naiirita kong sabi at nakita si Mama na nakatayo.

"Gabi na oh! May interview ka ng 9PM, magayos ka na. Nasa baba ang make up artist mo, papataasin ko na lang." Sabi nya at lumabas na agad, hindi man lang inintay yung sagot ko. Bwisit! I groaned bago tumayo at dumiretsyo sa banyo ko. Haaay.

I feel so drained out.

"What hairstyle do you like today, Miss Elle?" Tanong sakin ng hairstylist ko kaya kinuha ko ang magazine at tinuro ang braid na crown. It looks so pretty, perfect for me. "Right away miss."

Mga ilang minuto din nyang inayos ang buhok ko at nilagyan ako ng make up nang biglang may tumawag sakin, "Where are you Elle?! The producers are here to watch you! Come here now!" Sabi nya kaya pinatay ko na ang tawag. Waste of time.

"Tara na, Manong. Madaming naghihintay sakin kaya paki bilisan." Diretsyo kong sabi before hopping on the back seat of our car. Hindi na ako nagpaalam sa pamilya ko dahil late na ako. Bakit kasi nagmamadali lahat ng tao? Haaay.

#WannaBeSuperstarAdvice: Always have a dramatic entrance.

Inihanda ko na ang sarili ko ng makitang malapit na kami, show time baby. Ngumiti ako sa salamin at binaba ang bintana ng kotsye namin, "Waiting for someone?" Agad silang nagkumpulan sakin at nakita ko na ang mga flashes ng camera nila. Haay. Buti na lang sanay na ako.

Bumaba ako ng kotsye kahit patuloy sila sa pagtatanong sakin ay hindi ko sila pinansin, gaya nang hindi nila pagpansin sakin nung nerd pa ako. "Hey!" Bati sakin ni Manager Glee at kitang kita ko na nanggigil na sya sakin dahil super late ako.

"Better late than never right?" Sabi ko at binigyan ko sya ng matamis na ngiti, this is what i'm good at now. Making people miserable. Like how my life was back then. Tss. Kumuha agad ako ng wine bago pumunta sa back stage at nagpa-retouch ng make up.

#WannaBeSuperstarAdvice: Always ask for a retouch

Nang matapos akong ayusan ay pumunta na ako sa stage bago abangan ang senyas ng director. "On air in 5... 4.... 3... 2.... 1..." Agad akong ngumiti ng makitang gumalaw ang camera at tumapat sakin.

"Welcome to the Philippines, Miss Elle!" Sabi sakin ng isang host na hindi ko kilala, tatlo silang babae and i'm pretty sure I don't know then, I don't even wanna know them. Ngumiti ako at nakipag beso beso sa kanila, "Thank you, thank you. It's good to be back!" Sabi ko at kumaway sa audience.

Ngumiti sila sakin at ang iba ay naghiyawan, "So how's life in New York?" Tanong ng isang babae na mukha kakagaling lang sa buffet, laki ng katawan! Ngumiti ako at sumandal sa sofa, "It's good. I have new friends, and new life." Sabi ko at tumango naman silang tatlo.

"I heard you're releasing your new album next week?" Tanong nun isang mukhang hindi kumakain, jusko mukha na syang skeletal system. "Yes, and i'm planning on giving 1k copies for free." Sabi ko bago ngumiti at narinig ko naman ang hiyawan ng mga audience.

Tumabi sakin yung isang babae na mukhang lalaki dahil may muscles muscles, "Girl, so how's your lovelife naman?" Pagkasabi nya ay napatingin ako sa camera, alam ko kasing nanonood si Migs ngayon. "Hey Babe, alam kong nanonood ka. I wanna kiss you right now." Sabi ko at nagflying kiss sa camera kaya naghiyawan sila.

Stupids, parang yun lang magwawala na sila. "What a lucky guy, I heard na artist ang boyfie mo." Sabi nung babaeng walang kinakain kaya ngumiti ako at tumango, "He's actually good. He can paint, draw, and write stories." Sabi ko at lumawak ang ngiti nila.

Oha, ine-endorse ko na ang boyfriend ko.

"And he looks good too! What a hottie." Sabi nung isang babaeng mataba, pinagpapantasyahan nya ata boyfriend ko ah. Ngumit ako sa kanya at tumango, "He's also loyal at walang nilalandi." Pagkasabi ko nun ay tumingin sila saking tatlo kaya nagkibit balikat na lang ako.

Psh, flirts.

Umupo sila ng maayos kaya ginaya ko sila, mukhang naiilang na sila sakin. "May gusto ka bang sabihin sa mga fans mo?" Tanong nung isang mukhang lalaki kaya napangiti ako, "Hey EllePonies, ElleArmy, LoveEllies, thank you sa pagsuporta sakin. Mahal na mahal ko kayo loves." Sabi ko at nagflying kiss ulit sa camera at kumindat pa.

"So guys... We will be back with another guesses, thank you Elle. It was a pleasure meeting you." Sabi nya kaya ngumiti ako sa camera bago mag'cut' ang director kaya tumayo na agad ako.

#WannaBeSuperstarAdvice: Socialize when needed, leave when not.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon