Elle's POV:
"Today is the daaaay~ Lalala." Kanta ko habang tinitignan kung ayos na ang mga gamit namin at yung mga box.Tinaas ko pa ang body bag ko, "Excited na ako!! Grabe!!" Masayang sabi ni Nelle kaya ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok. Sakto naman ang pag pasok nila Mama sa kwarto at magkaakbay pa talaga si Mama't Papa. Hahaha! Sweet nila. Tse, wala pa ding forever!
"Anak salamat ulit, ah?" Sabay nilang sabi at ngumiti na lang ako sa kanila bago sila salubungin ng yakap. Today is the day we're leaving this hell place and start a new life.
I just can't wait, "Pinaghirapan natin tong lahat! Ang pamilyang Estrada... HINDI SUMUSUKO!" Syempre sabay sabay kami sa dulong part bago magyakapan.
Oo aaminin ko, ang hirap magpanggap at maging personal maid ng isang sikat. Lagi kong naririnig pangalan ko sa school at kung ano ano ang sinasabi nila na masasakit. Pero kaylangan kong magtiis para sa pamilya ko. How i wish na madali lang ang maging mayaman pero magsisinungaling ako kung yun ang sasabihin ko. Pero it's worth to try naman diba?
"Tao po? May tao po ba dito? Mga kargador po ito. Pinadala po kami ni Sir Symon." Rinig naming sabi ng isang tao kaya matulin kaming nagslide sa hagdanan at tumakbo papunta sa pintuan. Yiieee! Lilipat na kami. Hihihi! Excited na akooo!
"Hayop lang po meron dito Kuya, lalo na yung Ate kong mukhang uranggutan." Nakangiting sabi ni Nelle kaya binatukan ko sya. Fudgemelons na bata ito! Sarap ihampas.
"Salamat kuyaaa!" Masaya kong sabi. Sabado ngayon kaya walang pasok. Hihihihi! Excited na talaga ako. Agad akong tumaas bago kunin ang mga gamit ko. Mas matulin, mas maganda.
"ESTRADA FAMILY! AWAAAAY!" Sigaw ko at nagmala superman habang patakbo sa kwarto ko.
******
"TADAAAAA!" Sigaw na pakanta ko ng makababa kami at nakita ang malaking mansion ng The Breakers. Manghang mangha kaming lumakad at nakita ang di gaanong maliit, at di gaanong kalaki na bahay."Well hello, Estrada Family." Napatingin kami sa kaliwa at nakita si Manager Sy. Nakaformal suit sya at nakipagshake hands si Papa sa kanya. Formal na formal ang pagkilos nito at sakto namang nakarinig kami ng galabog mula sa likod namin.
"LOUISEEEE! YOU ARE SO DEAD!!!" Rinig kong sigaw ni Tristan kaya natawa kaming lahat. Hanggang sa makita ko si Louise na natakbo..... "Ahhhh!" Sigaw ko at agad tinakpan ang aking mga mata.
"Oooops! Sorry." Sigaw nilang dalawa at agad nagtakip. Hahahaha! Pano ba naman, mga naka boxers lang. Hindi ba sila naiilang na tumakbo ng mga nakaganyan lang? Agad silang nagtakbuhan papasok sa loob ng mansyon nila.
"Mga loko loko kayo! Iyan tuloy! Akala nyo naman maipagmamalaki yang katawan nyo!" Natatawang sabi ni Brandon na sya namang palabas ng bahay kasama si James na natawa tawa pa.
"Sup Manager Sy, Hello Family Estrada." Astig na sabi ni James at dinilaan ko lang sya ng pang asar. Hahahaha! Inakbayan ako ni Papa at tumabi naman sakin si Mama habang nasa gilid ni Mama si Nelle.
"Estrada Family, welcome to your new home." Anunsyo ni Manager Sy at nakita ko ang aming bahay, sumunod ang mansion, sumunod ang malaking pool kaya napanganga na kaming mga Estrada.
"Ay oo nga pala, Brandon tell Louise and Trista na magbihis na dahil isang oras na lang ay interview nyo na. Okay?" Sabi mo Manager Sy kay Brandon at tumango naman si Brandon bago maglakad.
"James, itour mo na ang Estrada Family since nakabihis ka na naman. I'll get your shades so don't worry." Sabi naman ni Manager Sy kay James.
"Well Estrada Family, feel at home. Tito, Tita don't worry kami lang naman po ang pagluluto at pag dadrive nyo kaya po wag kayong matense. Nelle, you can swim sa pool if you want to. Pwede mo ding lunudin ate mo." Sabi ni James at nagsimula ng maglakad kaya sumunod naman kami sa kanya. Pakshet tong lalaking to ah! Habang si Nelle nagpipigil ng tawa. Paguntugin ko kaya kayo?!
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!