James' POV:
Napahawak ako sa ulo ko bago imulat ang aking mga mata. I'm feeling better now. Thanks to Elle, she's a good nurse. But she's still annoying as hell."Our bandmate is okay now?" Napatingin ako sa kakapasok pa lang sa kwarto ko na si Tristan. Tumango tango naman ako bago ako tumayo. Much better.
"So is Elle's a keeper?" Pambungad na tanong sa akin ni Louise kaya umiling iling naman ako. She's still annoying, i guess nothing would change that.
"How are you feeling mate?" Tanong ni Brandon na kakapasok pa lang din sa kwarto ko at nagthumbs up na lang muna ako bago pumasok sa Cr----
*********
Louise's POV:
HAHAHAHAHA. Napahawak ako sa tyan ko kahit may ketchup pa ang kamay ko dahil hindi ko mapigilan ang pagtawa ko at dahil doon sobrang sakit na ng tyan ko."Are you sure you're gonna do this to James?" Tanong ni Tristan na kakatapos lang din tumawa at tumango tango naman ako. HAHAHAHAHA.
"You know you're dead if he finds out you did it right?" Tanong ni Brandon at tumango tango naman ako habang nakangiti. HAHAHAHA. Tumawa naman silang dalawa bago ako batukan.
"Aray! Nakakasakit na talaga kayo ha!" Angal ko bago hawakan ang batok ko at magpatuloy sa pag gawa ng balloon na punong puno ng ketchup. HAHAHAHA. Welcome to bloody bathroom James.
"Bahala ka dyan, hindi ako damay dyan." Sabi ni Tristan habang nagkakamot ng batok at lumabas na din agad ng kwarto ni James. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkakabit ng tali sa balloon. Mga kj kasi ang mga to.
"Ako din, if James would get mad. We'll put the blame in you." Sabi ni Brandon bago magwalk out kaya napailing muli ako at nagpatuloy sa pagtape ng tali sa may pintuan. MUAHAHAHA.
"Mararanasan mo na kung pano reglahin James. Muahahaha-- *cough* *cough*" Hindi ko pa pala kaya ang evil laugh. Hahaha! Sige, normal laugh na lang muna.
Lumabas na din ako ng kwarto nya dahil 6 pa lang ng umaga at paniguradong 8 pa yun gigising. Hahaha! Dahan dahan akong palabas ng kwarto ng marinig ko syang magsalita.
"Elle...." Napalingon ako sa kanya at ngumiti ng nakakaloko. Muahaha-- *cough* *cough* Sige, normal laugh na lang talaga. Hahahaha!
"Babye Fafa James." Natatawa kong sabi bago tumakbo palabas ng kwarto nya at bumaba na ng hagdan sa pangatlong mansion namin.
Nasa may gazibo na ako ng makita ko si Elle na nakatitig sa tubig. Tubig? Hmmmm. Muahaha-- *cough* *cough* Nevermind na lang.
"Hi Elle!" Napatingin naman sakin si Elle ng binati ko sya at ngumiti naman sya. Sa totoo lang maganda naman si Elle... Kung hindi lang talaga pangit. HAHAHAHA!
"Oh Louise, ano ginagawa mo dito? Nasan yung tatlong itlog?" Inosenteng tanong nya kaya natawa ako ng bahagya. Tumabi ako sa kanya bago sumagot.
"Si Tristan at Brandon natawa, si James probably naghahanda sa mga gagamitin nya pang patay sakin." Nakangiti kong sabi kaya napatingin sakin si Elle at kumunot ang noo.
"P-patayin? B-akit? May lahi ba si James na... K-iller? Sayang naman ang pag ka pogi nya kung ganun.... Nakakapanghinayang!" Dismayang sabi ni Elle kaya napatawa ako ng malakas at napahiga bago tumayo. HAHAHAHAHA.
"Elle nakakatawa ka!" Sigaw ko bago sya itulak--- Napahawak ako sa noo ko ng maitulak ko sya ng malakas at agad din namang napalitan ng sobrang lakas na tawa--
"AHHHH!" Sigaw ko ng may tumulak sakin mula sa likod at nakita ko ang namumula sa galit na si James. Nagkatinginan kami ni Elle at nagulat na lang ako ng bigla syang umirit.
"JAMES WAG MO KAMI PATAYIN! PARANG AWA MO NA! MADAMI PA AKONG PANGARAP! PROMISE HINDI KO IPAGKAKALAT NA MAY LAHING KILLER KA! PROMISE! WAG MO LANG KAMI PATAYIN!" Napatawa ako ng sobrang lakas habang naglalangoy at nakita ko naman si James na gulat at may halong pagtataka. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!