Chapter 54: Hurt

141 4 0
                                    

Rosita's POV:
Napatitig ako kay James na ngayon ay nakatitig, hindi ko alam kung bakit sya ganyan pero alam kong si Elle ang tinitigan nya, "Love..." Bulong ko at tumingin naman sya sakin bago ngumiti, I know that was a sad smile.

"Are you alright?" Tanong ko at tumango naman sya bago ayusin ang buhok ko, hinawakan nya yung baba ko bago ngumiti. "You look so beautiful." Sabi nya bago sumulyap kay Elle kaya napangiti ako ng mapait.

Nasasaktan ako, "I love you..." Bulong nya habang nakatingin sakin kaya ngumiti ako pero hindi na ako sumagot, niyakap ko lang yung likod nya at tumitig na ulit sya.

I'm not stupid you know, I know he still loves her. And I know she still loves him.

Napatingin ako kay Elle at napatingin naman sya sakin, sinenyasan ko sya na pumunta sa may damuhan at tumango naman sya, last night, when they talked, nung bumalik sila dito ay wala ng kumibo.

"Love, babalik ako ah? Sandali lang." Sabi ko at hinalikan ang buhok nya bago tumayo. Nang makita ko si Elle ay sumilip muna ako sa gawi ni James pero nakapikit na sya kaya agad kong hinila si Elle sa mas malayo.

"Anong gagawin natin, Rosita?"

Nang ma-feel ko na malayo na kami, "I need you to be honest with me, okay?" Tanong ko kaya tumango naman si Elle at kita sa mukha nya na naguguluhan pa din sya.

"Are you still inlove with James?" Tanong ko and her lips parted in surprise, she looked caught off guard pero hindi ako umiwas ng tingin. I stared at her, waiting for her answer. Every second hurts but I patiently waited. 

Nang maka-recover sya, "I never stopped loving him," Napangiti ako ng mapait at binitawan si Elle, alam kong yan sasabihin nya pero ang sakit pa din pala, ano?

"I know, I can see by the way you look at him. Nung sa party pa lang, alam ko na agad sinasabi ng mga mata mo." Sabi ko at mukha naman syang nagulat pero ngumiti lang ako.

Pinunasan ko ang luha ko bago huminga ng malalim, "Do you promise never to hurt him, again?" Tanong ko at nagulat naman ako nang bigla nya akong yakapin.

"I'm sorry, pero sabi nya ikaw ang mahal nya. Hindi ko kayo dapat pang guluhin. Dapat maging masaya na si James." Sabi nya at naramdaman ko naman ang mga luha nya sa damit ko kaya kumawala ako sa yakap nya,

Napangiti ako ng mapait, "Hindi mo ba nakikita? He still loves you, natatakot lang sya na baka masaktan mo ulit sya... And i've never hurt him before, kaya sakin sya pumunta. It hurts my pride na sinasabi ko 'to, pero he never really loved me. He just loved the idea of not getting hurt by me."

Napatingin sa langit si Elle, the sun was bright. "He's scared.." Bulong nya kaya hinawakan ko sya sa magkabilang balikat bago alug-alugin. Kahit masakit, alam kong ako lang ang epal sa love story nila.

"He's scared and I want you to make him realize he's not suppose to be scared. But please, don't make me regret giving up. Kapag sinaktan mo pa ulit sya, I promise to take him away forever."

So I'm choosing to let them go. 

*******
Elle's POV:

He's scared...

He's scared...

He's scared..

"Haay! Ano ba naman kasi 'tong ginawa ko?" Sabi ko at sinuntok suntok ang unan ko, nakahiga ako ngayon sa kwarto dahil hindi tuloy ang shoot, umuulan kasi. Naisip ko na naman bigla ang pinagusapan namin ni Rosita.

Kasalanan ko 'to e, kung hindi kasi ako umalis... Pero kung hindi ako umalis, masisira ang career ni James. Sisirain nya yun para sa akin, para sa aming dalawa.... Nung umalis ako mas naging sikat naman sila ah, okay naman yun diba?

Maybe I should talk to his parents....

"Elle! Elle! Elle! Wag kang lalabas ha?! Mala-zombie apocalypse sa labas, iniipit nila si James. I heard na may kumuha pa ng isa nyang sapatos!" Nagaalalang sabi ni Manager Glee kaya napatayo ako, hala!

Sinuot ko yung sapatos ko at cap pati na din shades, tinapat ko yung tenga ko sa pinto, wala na namang ingay. Dahan dahan akong sumilip sa baba ng hotel dahil 1st floor lang naman kami, nagulat ako ng nasa taas ng isang mesa si James habang yung mga babae naman hinihigt yung paa nya.

"Hey guys!" Sigaw ko at tinanggal ko ang shades at cap ko bago ihagis yun sa baba, bigla namang nag-heart shape ang mga mata nila at hinabol yung mga gamit ko kaya tumakbo ako palapit kay James at hinigit sya.

"Kyaaaah!"

"Omg kay Elle!!!!!"

"Kunin nyo bilisssss!"

"Hoy akin yan!"

"Give it to me!"

Gulat pa din sya ng tumakbo kami, "A-anong... Saan tayo pupunta?" Tanong nya ng maka-recover sya at sabay na kaming tumatakbo pero hindi ko pa din binibitawan yung kamay nya. "Kung saan walang zombies."

"Akala ko nga kakainin na nila ako e." Bulong nya kaya natawa naman ako ng mahina, nakakita ako ng isang storage room at lumingon sa likod, naghahanap pa din yung mga babae. Hinigit ko sya paloob ng storage room at ni-lock yun.

We were both exhausted from the run nang umupo kami sa sahig, "That... was kinda fun." Sabi nya kaya tinignan ko sya at umiling na lang. Tumingin ako sa paligid, dim lang yung light pero kita ko pa din ang lahat.

"Do you think it's clear?" Tanong ko bago idikit ang tenga ko sa pinto, naririnig ko pa din ang sigawan nila kaya napabuntong hininga ako, "Nope, it's not." Sagot ko sa sarili kong tanong kaya natawa naman si James.

Natawa na din ako at sabay kaming napatigil, "I missed your laugh." Sabay naming sabi at sabay din naman kaming napaiwas ng tingin, nagulat ako ng tanggalin nya ang jacket nya.

"Hoy... anong... ginagawa mo???" Tanong ko pero ngumisi lang sya at tinitigan ako habang tinatanggal nya yung jacket nya. "Silberyo!" Sabay kaming napatigil nang bigla ko yung nasigaw.

Dahan dahan nyang pinatong yung jacket sa laps nya, "A-anong sabi mo?" Gulat nyang tanong kaya napailing ako, he's scared... He really is, I can see it in his eyes.

Natatakot si James sakin, natatakot sya.

"When you came back, do you regret it?" Bigla nyang tanong kaya napatingin ako sa dim light at napabuntong hininga, "No. Well, at first I thought it was a waste." Napatawa pa ako nung una, "Pero nung nakita kita..."

Bigla syang tumayo kaya hindi ko na natapos yung sasabihin ko, "C'mon, wala na sila." Sabi nya bago lumabas ng walang pasabi.

I was left in the room with dim lights, I was left alone.

~~~~~~~~~~~~~~~

Abangan!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon