Chapter 9: Deal

180 11 0
                                    

Elle's POV:
"We're still here to protect you!" Sigaw ni James kaya napangiwi ako. Protect me?! You just gotta be kidding me! Charot, jusko lord!

"Protect me?! It's your fault i'm getting bullied again! Dinala mo ako dito sa posisyon ko, ang magpanggap na mystery girl mo!" Napatigil sya sa pagsigaw ng sumigaw ako kaya napahawak ako sa bibig ko. Homayghad, sumigaw ba talaga ako? Sinigiwan ko ba talaga sila?

"Look three days na lang kami dito, and Manager Sy--" Naputol ang sasabihin ni Tristan ng bumukas ang pinto at nakita ko si Manager Sy.

"Come with me Elle, i need to talk to you." Sabi nya bago lumabas at parang nagkusa ang mga paa ko sa takot kaya napasunod ako. Lunok ako ng lunok habang nakasunod sa kanya at tumigil sya sa paglalakad. Ang pait nga ng lasa ng laway ko e, pero keri pa din ang beautyness.

"Look, my boys need your help. We've been having some issues lately. Mind telling you it's a bad one. So having a love story between the cassanova James will be a good one." Panimula nya at ako naman ang nakikinig. Pakshet, sakit sa ilong ng english nya. Ganda ng accent!

"Love story?" Nagtatakang tanong ko at tumango tango naman si Manager Sy. Yan lang din nasabi ko dahil baka mapasubok ako sa english at bigla na lang mapasugod sa clinic dahil sa nose blood/bleed. Kahit ano sa dalawang yan! Letche!

"We need a new issue, a postive one. I see that you're a descent girl, you'll be perfect for the job." Sabi ni Manager Sy at parang nagfreeze ang mundo ko. Perfect for the job? English pa kasing nalalaman. Mukha namang purong pilipino ang isang to.

"Ahm, sir? Ano po bang ibig sabihin nyo? Diretsyuhin nyo na lang po. Nasakit na ulo ko sa kakaenglish nyo e." Sabi ko habang nakayuko dahil medyo naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. Love story? James? Ako? Ha?

"Let's make a deal Elle Joey Estrada." Nagulat ako ng alam nya ang buong pangalan ko kaya napatawa sya ng bahagya.

"Pinabackground check kita, i see that you need a house right? I'm giving you this one time opportunity to move out in your miserable life and go out with James." Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin sa sinabi nya dahil pakiramdam ko ay nanginginang ang mata ko.

"Teka po ah? Move out? Paano po?" Tanong ko at ngumiti sya bago humarap sa akin.

"James and the boys have this three mansion. Ihahire namin ang nanay mo bilang cook, at papa mo bilang driver. Makikitira kayo sa maliit na katabing bahay ng mansion nila ng libre." Sabi nya at mas kuminang ang mga mata ko.

"Eh ano pong trabaho ko?" Tanong ko at nagsimula ulit kaming maglakad, ano ba yan? Nanginginig na tuhod ko dito ah.

"I'm hiring you as James personal maid and fake girlfriend." Sabi nya at napatigil ako sa paglalakad.

"Maging personal maid at fake girlfriend ng mokong slash monster na yon?! No way po!" Sigaw ko at bali maglalakad na ng bigla syang magsalita.

"25k ang sweldo ng mama mo, at 30k ang sweldo ng papa mo. 20k naman ang sweldo mo kada buwan. Libre tubig, kuryente at tanging pagkain lamang ang kailangan nyo. I told you, i'm giving you this one time opportunity." Sabi nya kaya napatigil ako at napaharap sa kanya. Totooo???!! Mapagaaral ko ng mabuti si Nelle! Woah!

"Kelan po ba simula?!" Excited kong sabi bago tumakbo papunta sa kanya at yakapin sya. "Thank you po!" Bulong ko habang naiiyak.

"You don't have to thank me, fair and square lang ito lady. Dahil madodoble ang kita ng mga boys ko kapag nagkaron kayo ng love story. More media, more money." Sabi ni Manager Sy habang pinapat ang shoulder ko.

"Kaylan po simula ko?" Tanong ko ulit at binali wala ang sinabi nyang 'More media, more money.' Kaloka naman! Pagmayaman talaga gusto pang maging mas mayaman.

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon