Elle's POV:
Alam mo yung description ng zombie? Simple, kumuha ka ng salamin at itapat mo sa mukha ko. I freaking act like a zombie right now, dahil hindi ako nakatulog kagabi. Dahil dun sa..... I love you ni Silberyo. Hindi din ako nakapagaral ng maayos dahil picture nya lang ang napasok sa isip ko. Ano na ba talagang nangyayari sa akin?"Omg. Zombie apocalypse na ba ngayon?
"You bet! Get a knife, let's kill the zombie nerd."
"Pwede palang maging zombie ang nerd no?"
"C'mon it's her natural beauty."
Napangiwi na lang ako sa mga sinasabi nila. Akala mo naman magaganda, plastic surgery lang naman ang boobs at hugis bote nilang katawan. Mga ichusera! Hmp.
"Okay class. Settle down. Periodic exam is now starting." Sabi ni Ma'am at sinet na ang timer. Isang oras lang kada isang subject at ginawa itong dalawang araw kaya hanggang 3 o'clock kami dito. Pinag packed lunch kami at sila na ang bahala sa snacks namin.
****
James' POV:
"Silver!" Napangiwi ako ng may tumawag sa akin at nagtalukbong."James!" Tawag pa ulit kaya inibabaw ko ang unan mula sa tenga ko. Nakakainis! Natutulog pa yung tao e.
"Silberyo!" Automatic na nagtransform ang katawan ko at nawala ang antok ko. Si Elle ba yun?!
May narinig akong tawanan, "Naks lakas ng tama kay Elle ah!" Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Louise. Bwisit! It's just him, the annoying Louise.
"Ano ba kailangan mo? It's too early for you to ruin my day." Sabi ko at naiinis na bumalik sa kama ko. Minsan nakakainis din yung may bandmates ka. Kasi lagi kang pagtitripan kahit na pagod ka pa, pero masaya din kasi kapag kailangan ko ng kapatid. Sa kanila ako lalapit.
"Sorry bro, pero kasi may problema." Mahinang sabi ni Brandon kaya wala akong nagawa kundi bumangon at tumingin sa kanya. Ano namang problema to?
"What is it?" Seryoso kong sabi at tumingin sa kanilang tatlo. Lahat sila ay natahimik at unti unti namang bumuka ang bibig ni Tristan para magsalita pero agad nya itong isinara na parang naudlot.
Tumitig ako sa kanya, "C'mon. Spill it." Pagpipilit ko pero tinignan lang ako ni Louise at Brandon na para bang naaawa sila sa akin.
"We're going to leave Phil and go to New York." Sabi ni Manager Sy kaya napalingon naman ako sa kanya at nakahinga ng maluwag.
"Is that it? Akala ko naman kung ano meron. Para kayong mga tanga." Sabi ko sa tatlo bago tumalikod sa kanila at pabalik na bali sa kama ko pero napatigil ako ng magsalita si Manager Sy.
"You four will be staying there for 2 months."
********
Elle's POV:
Pagod na pagod ang utak ko. Grabe lang. Science at Math ba naman ang pinagsama. Nako jusko! Nakatitig ako ngayon sa kisame ng kwarto ko at walang ginagawa. Nasan kaya si Silberyo?"Pst." Napalingon ako sa kanan ko pero wala naman dun ang sumisitsit.
"Pst." Tumingin ako sa kaliwa pero wala din.
"Stupid! Dito sa may bintana!" Napalingon ako sa bintana-- "Ayos ka lang ba?!" Tanong ni Silberyo. Sa sobrang gulat ko nalaglag ako sa kama ko. Nakakahiya!
"A-ano ginagawa mo dito?" Tanong ko para maiwasan ang pagkahiya ko. Nakita ko naman syang namumula ang mukha kaya lumapit ako dun at binuksan ang bintana para makalusot sya. Hahahaha!
"Ano.... Yayayain.... How can i say this? Ano kasi......" Pinutol ko sya at hinarap ang kamay ko sa mukha nya. "Say what you wanna say, magrereview pa ako." Sabi ko although hindi ako nagrereview. Pabebe muna. Ahihihi!
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!