Chapter 57: Second chance

116 4 0
                                    

Elle's POV:
Sa mga nakaraang araw, may mga narealize ako at may parte sakin na natauhan na. Bumalik ako sa pagiging hyper na anak at kapatid, lagi ko namang nakakasabay sila James dahil parehas kami ng studio ngayon.

Totoo nga sinasabi nila no? Truth can slap you so hard that you'll go numb and realize your mistake. Dapat nga magthank you ako sa mommy ni James dahil sa real talk nya. Kahit labag sa kalooban ko ay totoo ang sinabi nya, sino ba ang maghahanggad na bumagsak si James?

Dun ko narealize na dapat hindi ako magsisi dahil umalis ako, umalis ako para kay James. Pain can break you but it can repair you to a better one.

Dun ka narealize na dapat hindi ako nagbago dahil hindi ko gusto kung ano ako ngayon, yung bitch na Elle. Pero masaya ako na kaya ko ng lumaban, hindi na ako yung iiyak na lang bigla bigla.

Dun ko narealize na sobra ko pa lang namiss ang pamilya ko, yung mga times na nagkukulitan kami at lahat ay masaya.

This is my second chance to be who I really want to be.

"Miss Elle, okay na po ang kotsye nyo. Pinaalis ko na din ang driver nyo, what else do you need?" Tanong ng assistant ko kaya tumingin ako sa reflection ko, no dark makeup. "Sige, okay na. Makakaalis ka na."

Ngumiti sakin ang assistant ko at napangiti din naman ako, it feels good to finally wake up. "Ma! Pa!" Sigaw ko habang nagsslide pababa sa hagdanan namin kaya napangiti naman sila Mama at bigla akong niyakap ng makababa ako.

"Anak, masaya kami at nagkakausap na tayo ng maayos ngayon." Sabi ni Papa kaya niyakap ko sya, ayokong umiyak dahil medyo mugto pa ang mata ko dahil sa pagiyak kahapon. "Babalik na tayo sa dati, papa."

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Nelle, "Bumalik na ang ate kong pangit!" Sigaw nya kaya natawa naman kaming lahat, "Tigilan mo ko, kundi sasabihin ko sa girlfriend mo nakakatuli-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinubuan ako ni Nelle ng tinapay.

"Ate, kain na tayo. Alam kong gutom na gutom ka na, tara kumain na tayo." Natawa naman ako sa inasta ni Nelle at sumunod na lang sa kanya. Sumunod din naman samin agad sila Mama at umupo na si Papa sa unahan.

Napatingin ako sa paligid, "Ma, kung ano pong design nyo na gusto sa bahay natin, pwede nyo na pong gawin. Kahit sobrang simple pa nan." Nakangiti kong sabi at kumislap naman ang mga mata ni Mama.

"Talaga, anak? Gusto ko kasi talaga ibahin yung mga gold na kurtina. Masyado kasing pang-mayaman. Mamamalengke na lang ako mamaya, okay?" Sabi nya kaya tumango naman ako bago kunin ang waffles na nasa lamesa at kainin na yon.

Kumuha na din sila ng pagkain nila at napangiti na lang ako, it's good to be back. Hinawakan ni Mama ang kamay ko na nasa lamesa at napangiti. Tumango naman ako sa kanya at nagsimula na kaming kumain, sabay sabay.

This is what I wanted, this is my real dream.

******
Napatingin ako sa park na lagi kong pinupuntahan dati, ang park namin ni Silberyo. Napangiti ako at lumapit sa pond na nandun, namimiss ko na sya. "Kaylan nya kaya ako babalikan?" Bulong ko sa sarili ko at kumuha ng mga bato.

"Siguro hindi na." Bulong ko bago ibato ang isang bato, "Pero malay mo magbago isip nya, meron pa palang kami." Binato ko ang pangalawang bato sa pond, "Pero ako lang siguro ang umaasa." Binato ko ang pangatlong bato sa pond.

Napabuntong hininga ako at kinuha ang pang apat na bato, "Pero baka parehas tayong umaasa." Napatigil ako ng marinig ko ang boses nya.

Am I dreaming?

"Sorry if I took so long, let's just say I fixed everything first."

*******
James' POV:

"Sorry if I took so long, let's just say I fixed everything first." Pagkasabi ko nun ay tumayo si Elle at lumapit sakin pero may distance pa din kami, "Okay na ba ang lahat? May problema pa ba?" Tanong ni Elle kaya napangiti ako.

I've missed her so much, so damn much.

Nilahad ko ang kamay ko at dahan dahan naman nya yong kinuha, "Wala ng kokontra satin, my princess."

Flashback
"What happened? The exact word you said to Elle, before she left this country." Sabi ko at napatingin naman sakin ang dalawa kong magulang, hindi siguro nila ineexpect na ganito ang topic na paguusapan namin.

Sinabi ko lang kasi na may importante kaming paguusapan, "Anak, bakit mo naman yan natanong?" Tanong ni Mama kaya napatayo ako at agad ding napaupo ng ma-realize kong nasa restaurant nga pala kami.

"Just answer the damn question!"

Napatigil silang dalawa at sinimulan ng magkwento, habang binabanggit nila ang bawak salita, para naman akong tinatanggalan ng mabibigat na nakapatong sa katawan ko. Finally, the truth.

"I love her." After letting them finish talking, this were the words that escaped through my mouth. Ngumiti sakin si Papa, "Alam ko, anak. Alam ko."

Tumungo naman ako at pinaglaruan ang pagkain ko, "I think she's giving up though, I've caused her too much pain." It sucks, knowing that you've learned the truth just now. Elle suffered too much pain, pain that's worth living me.

"No, I know she still loves you. After all those years, she still does." Pabulong na sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ko, "Son, I want you to be happy... Naiintindihan ko na ngayon, walang pinipili ang pagmamahal. Natakot lang ako dati na masaktan ka."

Ngumiti ako kay Mama at hinawakan din ang kamay nya, "Alam ko Mama at naiintindihan ko ang lahat. Hindi ako nagagalit sa inyo, o sa kahit kanino." Wala talaga akong naramdaman na galit, sakit lang.

Love makes us all liars, that I had learn.

"Aalis na ako, madami pa akong aayusin."

End of flashback

Napangiti ako ng bigla akong yakapin ni Elle, "Namiss kitang Silberyo ka..." Bulong nya kaya niyakap ko sya, finally, I can have her. "I've missed you more, more than what you can imagine." Bulong ko at naramdaman ko namang humigpit ang yakap nya sakin.

Hindi pa rin talaga nawawala ang pagmamahal ko sa kanya, at hinding hindi yon mawawala. Hind ko kakayanin na makita ulit syang umalis, at alam kong hindi na nya ako iiwan. I'm not scared anymore, because our love is stronger.

"Ano nang gagagwin natin ngayon, Silberyo?" Pabulong nyang tanong sakin at kumawala na sa yakap ko, tumingin sya sakin at ngumiti. Isang ngiti na seryoso at puno ng pagmamahal.

Ngumiti din ako pabalik, "We kiss." Nagulat sya sa pagkakasabi ko pero nang mahalikan ko sya ay bigla nyang niyakap ang leeg ko, napa-smirk ako at hinawakan ang bewang nya.

"I'm all yours, Joey."

"And i'm all yours, Silberyo."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon