Elle's POV:
"Rehearsal?" I repeated, a little taken back. Who needs a rehearsal, right? That's the most stupid idea I had ever heard. "Yes, since two stories will be made here. We need a three-day-rehearsal, don't you like it?" Tanong ng manager ko.Napa-upo ako sa coach at napatingin sa kusina namin, kung nasan ang mga magulang ko e nakikichismis samin. Nang makita nilang nakatingin ako agad silang umayos, "Pa, yung ipis bilis!" Sigaw ni Mama.
"Ay oo, nasan na? Akin na!" Sigaw din ni Papa at hinawakan pa yung tsinelas nya. Napailing na lang ako at napatingin sa Manager ko, "So kelan daw ba tong rehearsal na to?" Tanong ko at kinuha nya yung clipboard nya.
Binuksan nya yun at finlip ng ilang beses, "Ah, here! Tagaytay, it's in Cavite. Medyo malayo din to satin ah, and it says here na magaganda ang view. It would be a perfect place to rehearse." Sabi nya kaya napabuntong hininga ako.
"Fine, alam na ba 'to ni James? I don't want to approve this just yet, kung hindi nya pa alam." Sabi ko at tumango naman si manager, "He already knows this, so don't worry." Sabi nya kaya tumango na lang ako.
Inayos na nya yung mga gamit nya at tumayo, "Okay then, i'll make the arrangements final and i'll call you afterwards. " Sabi nya kaya tumango ako at napayakap sa unan na nasa coach.
******
"Next time na male-late ka, magbyahe ka mag-isa." Masamang tingin ang pinukol ko kay James, anong akala nya?! "Hoy, ano namang akala mo? Kaya kong palipadin yung kotsye ko? I told you, it was traffic!" Inis kong sigaw bago umupo sa tabi nya.Masamang tingin din naman ang binato nya sakin, "At anong akala mo samin? Mga alalay mo na hihintayin ka? Akala ko yumaman ka lang, yumabang din pala." Binulong nya lang yung last part pero rinig na rinig ko yun.
"Akala mo kung sino ka ah, eh 10 minutes lang naman kayong naghintay. Maka-reklamo ka, akala mo isang oras ah!" Inis kong sigaw at tinulak pa sya, halatang nagulat sya kaya hinigit nya kamay ko.
Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko pero hindi sya lumayo, "I'd rather die than wait for you, so I have all the rights to complain." Sabi nya bago ako itulak pabalik sa upuan ko. Hindi na ako nakapagsalita dahil pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko.
"Okaaaay. I can say that you guys are alright, let's go then." Sabi ni Manager Sy kaya napailing ako at napasandal sa upuan ko, hindi ko gusto tong nangyayari. Hinding hindi talaga. Tumingin na lang ako sa bintana at napabunting hininga.
Narinig ko namang tumunog phone ni James at hindi naman sa chismosa ako ah, "Baby.... Yes, we're on our way to Tagaytay... Yeah, i'll be fine... I'll eat the food you made... Yes, I love you more, you know that.... Okay, bye." Pinatay nya na yung phone nya kaya nagpikit pikitan ako at humarap sa may bintana ng van.
"Next time na makikinig ka sa usapan ng iba, wag kang papahalata."
******
"Fresh air!" Sabay na sigaw ng manager namin kaya nagkatinginan kami ni James at sabay ding umirap. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng van. "Look oh, ang ganda dito." Sabi pa ni Manager Sy kaya napairap ulit ako.Tinulungan ako ng body guard ko na bumaba from the van at kinuha din nya yung bag ko, "Superstar kami, hindi disabled na tao. Giver her bag back or else i'm leaving." Sabi nya kaya napatigil ako, dead on my track, hinarap ko sya at nakatingin din sya sakin.
"Anong pinagsasabi mo dyan? He's my body guard--" Nagulat ako ng ilagay nya ang kamay nya sa tapat ng mukha ko, kitang kita ko ang palad nya na super puti. "Don't you know the use of body guards? It's to keep us safe, he's not your PA." Sabi nya bago kunin yung bag ko from my body guard.
Bigla nya sakin yung hinagis at buti na lang ay nasalo ko, "How dare you--" Nagulat ulit ako ng ilagay nyang muli ang kamay nya sa tapat ng mukha ko, "Shut up, it's already lunch. I'm hungry." Sabi nya bago umalis at iwan akong nakanganga.
"Sorry po, Ma'am." Sabi nung body guard ko at umalis na din, naiwan naman akong nakatalikod at nakanganga. How dare they! Nakita ko ang manager ko at bigla na lang syang umiwas ng tingin at umalis din. Hmp!
Kinuha ko ang bag ko at hinila na din yung isa, humanda ka sakin James! Kung gantong laro ang gusto mong laruin, pwes humanda ka. Bwisit na lalaking yun, akala mo kung sino. Hayts!
Napabuntong hininga ako ng sa wakas ay makita ko na ang warehouse na pagtitigilan namin-- "What took you so long? Hindi naman ata bato yang dinala mo ah, pa-special?" Tanong ni James habang may hawak na wine.
"Why? Did you miss me that much?" Napaubo sya at may lumabas pang wine sa bibig nya, agad naman nyang pinunasan yun. "Ang tagal mo atang ngumanga, pinasok na ng hangin yung utak mo." Sabi nya at narinig ko namang tumawa ang iba naming kasama sa may front door.
Sinamaan ko sila ng tingin at umalis naman sila, "Ang epal mo, tabi nga! Ang bigat bigat ng dala ko tapos haharang harang ka pa dyan. Bwisit!" Sabi ko at tinulak sya, narinig ko namang tumawa sya ng mahina.
His laugh...
"Hayts! Nababaliw ka na talaga Elle, magfocus ka na nga para makapagpahinga ka na." Bulong ko sa sarili ko bago ihagis ang bag ko sa kama ko at humiga na din ako. Bakit kasi kasama ko pa ang isang yun? Puro sakit lang ng ulo ang binibigay nya sakin.
Kinuha ko yung unan at nilagay yun sa mukha ko, "Haaaaay!" Sigaw ko habang iniipit pa din ang mukha ko sa unan. Nakakapagod!
******
"Look at him with love! All I can see is hate, we need love!" Pangatlong sigaw na ata ni Direct yan, tinignan ko ulit si James at napangiwi. Akala ba nya makakalimutan ko yung ginawa nya sakin kanina? Pinahiya nya kaya ako!Nag-smirk si James at parang nabasa ang nasa isip ko, "Don't take it too personal, just look at me and pretend you love me." Napatigil ako sa sinabi nya, tignan ko sya at nakatingin din sya sakin. "It's not like it's your first time to pretend, right?"
"You have no idea." Sabi ko at napayuko, narinig ko naman syang tumawa ng mahina, mukhang ineenjoy na to ah. Yung kawawain at ipahiya ako. "You're right, I have no idea. Because I believed you." Tumunghay ako at tinignan sya.
Hindi ko na ata sya kayang harapin, "Wala kang alam. Hindi mo alam kung gano kahirap---" Ginawa na naman nya yung sa kamay at mukha ko thingy, "Tama ka, wala akong alam. Hindi ko nga napansin na niloloko mo lang ako e."
"Pero.... Hindi mo kasi alam.... Ano e.... Dati kasi..." Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng boses dahil pahina ng pahina yon. Kasabay naman ng paghawak ko sa ulo ko, "I... Direct, five minutes break." Sabi ko at umalis na agad kahit wala pang approval.
Pumasok agad ako sa pinaka malapit na banyo at sinara yon, naghilamos ako at tumingin sa reflection ko. "Umayos ka na nga Elle, gusto mo na tong matapos diba? Gawin mo na lang ng maayos to."
"Elle, okay ka naman diba?" Tanong ko sa sarili ko at hinawakan yung puso ko bago suntukin yun ng mahirap, "Eh bakit nasasaktan ka na naman?"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!