Chapter 22: Jealous?

156 9 1
                                    

Elle's POV:
"And baby, you're all that I want. When you're lyin' here in my arms. I'm findin' it hard to believe.. We're in heaven. Yeah and love is all that I need. And I found it there in your heart! It isn't too hard to see... We're in heaven, yeah--" Naputol ang pagkanta ko at biglang napabangon nang may maaninag akong nakatayong lalaki. Walangya! Si James lang pala.

Nakatitig lang sya sakin at umiling iling bago biglang lumabas. Ano yun? Ano na naman problema nun sa akin? Siguro gusto nya lang makita yung babaeng nakilala nya. Psh. 

Selos ako? 

Hindi ah! Bakit ako magseselos dun?? 

Defensive much? 

Sinasabi ko lang na hindi!  Wag ka na nga magulo kunsensya! 

"Nak! Labas ka na. Igagala natin si James dito sa baryo natin." Napabangon ako at dahan dahang lumabas at nakita ko si Papa at Mama na nakatingin sa akin at ang lawak ng ngiti. Ano na naman? Napatingin ako kay Silberyo at nakita syang nakain.

"Aba, at kaylan ka pa natutong magkamay?" Nakangiti kong sabi habang palapit sa kanya. Tumunghay sya at uminom muna ng tubig bago magsalita. "Your father taught me how, it's kinda fun to be honest." Sabi nya at sumubo na lang ulit. Ang kalat nyang kumain! Butas ba kamay nito? Bakit nalalaglag yung butil butil ng kanin?

"Do you wanna eat? Here, subuan kita." Bago pa ako makaangal ay bigla na nya akong sinubuan kaya natawa ako. Letcheng to! Nakita din naman nyang may kalat kalat akong kanin sa gilid ng labi ko kaya natawa sya. Agad ko iyong tinanggal at binato sa kanya.

"Kainis 'to!" Maarte kong sabi nang matapos kong lunukin ang pagkain. Tumingin ako sa kanya at nginisian sya, mukha naman syang nagtaka. Kinuha ko agad ang daing na isda at agad kong sinubo sa kanya--- Nagulat ako ng maout of balance kami kaya napapikit ako sa kanya.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang mga mata ni Silberyo na nakatitig sa akin. Napatitig lang din ako sa kanya at bigla na lang akong napangiti. Ngumiti din naman sya kaya may kung ano sa tyan ko na nagwala. Bakit parang ang saya ng pakiramdam ko? Bakit parang kumportable ako pag nasa tabi ko sya?

"Ate, Kuya James. Okay lang ba kayo?" Nagaalalang tanong ni Nelle kaya bumalik ako sa katinuan at agad akong tumayo. Pagtayo ko ay nakita ko si Mama at Papa na nakangiti ng nakakaloko at si Nelle na nalilito kung bakit sila nakangiti. Bakit nga ba?

"Ano, kakain lang po. Kain na po kayo. Ano po... Sabay sabay na tayo." Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko kaya yumuko ako. Nagulat kaming lahat ng biglang bukas ang pinto at niluwa si Kikoy kaya napangiti ako.

"Bespren!" Sabay naming sigaw at ginawa na ang hand shake namin. Namiss ko talaga ang isang to!

Napagdesisyunan namin na sabay sabay na kaming kumain since nandito na din naman si Kikoy. Nagulat ako ng biglang tumayo si Silberyo.

"Tapos na naman po ako kumain, maggagala gala na lang po ako." Sabi nya pero since hindi ko naintindihan ang last part na sinabi nya pinabayaan ko na lang. Malaki na sya, kaya na nya sarili nya.

"O 'sige Hijo, magiingat ah?" Sabi ni Mama at nagthank you naman sya bago lumabas. Psh, gusto mo lang makita yung babae na nakilala mo e. Napaka harot!

Matapos namin kumain ay agad kong niyaya si Kikoy na gumala. Para bang may gusto akong makita pero pilit kong tinatanggi sa isip ko. Parang nau-urge akong gumala ng gumala hanggang makontento ako.

"Bakit ka ba nagmamadali? Bespren mababali na ata buto ko. Ano ba kasing meron?" Tanong nya kasi hinihila hila ko sya at parang natakbo na din ako. Napatigil ako ng makita ko sya, may kasama syang babae. Sa tingin ko ay sya yung nakilala nya kahapon.

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon