Chapter 56: Release

114 5 2
                                    

Elle's POV: 

"I can't believe it... It's a success.." Bulong ni Manager Glee at niyakap ako kaya napangiti ako kahit pilit lang, matapos ng ilang araw, almost a week, hindi pa din ako kinakausap si James. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako.

Ang hirap talaga magmahal, "Hoy, Elle, tulala ka na naman oh." Sabi ni Manager Glee before snapping a finger right in my face, napakurap ako at umiling iling.

"Does this mean will have a party?" Tanong ko dahil matagal ko ng gustong uminom at magpakasasa sa beer.  Tinignan naman ako ni Manager Glee bago tumango ng marahan kaya ngumiti ako at pumasok na.

Kung may party mamaya, "I need to be hot." Wala na din namang kwenta pagiging conservative ko. I'm a popstar, remember? And besides, wala na din naman akong boyfriend na magsasabi sakin na wag magsuot ng ganun, so why bother?

Maybe the time will kami na magiging kami din ni James, yung walang kokontra. 

********

Napatingin ako sa iniinom ko na pang lima ko na ata bago kay James na nagpapa-interview bago tumawa. Wala trip kong tumawa e, uminom ulit ako at pumikit. "Damn." Bulong ko at minulat na muli ang mata ko.

For a split second, nakita ko si James na tumingin sakin kaya napatawa ulit ako, "Lakas naman ng imagination mo, Estrada." Natatawa pero naiiyak kong sabi kaya madaming napapatingin sakin.

"Ano bang ginagawa nya?"

"Nababaliw na talaga sya."

"She look smoking hot."

"Bad girl gone loose."

"Omg, I can almost see her boobs."

Biglang may humawak sa kamay ko na ikinagulat ko pero natawa pa din ako, "Elle, you'r'e drunk." Bulong ni.... James? Tinignan ko yung mga mata nya at hindi ako magkakamali na si James yon. 

"Silberyo.... Ahehehehe." Tawa ko bago hawakan ang mukha nya pero umiling lang sya at hinigit na ako. Nang makatayo ako ay parang nagka-earthquake kaya yumuko ako at hinawakan ang ulo ko. "Guys may eartquake! Hahahaha." Sabi ko bago tumawa ng malakas.

Nagulat naman ako ng biglang may bumuhat sakin kaya napatingin ako sa taas, "Marunong pala akong lumipad?" Tanong ko sa sarili ko bago hawakan ang baba ko na parang nagiisip pero wala talaga akong iniisip kaya natawa na naman ako.

"Elle, why are you doing this?" Tanong nya bigla ng makalayo na kami, lasing ako pero aware pa din ako sa mga nangyayari. I just couldn't control myself from being stupid when i'm drunk. Hinawakan ko ang buhok ko bagu guluhin yon.

Napatawa na naman ako, "Ewan ko, wala na akong paki sa kung anong mangyari, wala ng context ang buhay ko." Sabi ko bago tumawa ng maalala ko ang last kong pinanood na korean drama.

"Ha? Ano bang context ng buhay mo?" Tanong ni James kaya napatingin ako sa langit, pakiramdam ko ay nagsasayaw ang mga stars kaya sinubukan ko yung abutin. "Ikaw, hindi na kita maabot oh." Sabi ko bago tinaas ang isa ko pang kamay.

Tumawa ako pero nararamdaman ko ang basa sa mukha ko, "Sabi ko sa sarili ko pagbalik ko may babalikan pa ako. Pero putangina lang, may nauna na pala. Masyado kasi akong natagalan e... Akala ko hihintayin mo ako..." Napatigil ako at binaba na ang kamay bago tumayo-- 

"Aray!" Bulong ko ng bigla akong madapa at naramdaman na nagka-sugat yung tuhod ko. Wala naman akong paki kaya natawa ako. Ang funny! "Hindi ko din kasi alam ang context ng buhay ko. Akala ko dati yun na yung ma-fall ako sa nerd. Tapos biglang may lalapit sakin na super model. Tapos babalik ka at isa ka ng popstar." 

Napatigil ako at napatingin kay James pero hindi sya nakatingin sakin, nakayuko sya at nakasabunot sa buhok. "Hindi ko na alam sunod na chapter ng buhay ko... Pero isa lang ang alam ko...."

"Mahal pa din kita, at yun lang ang hindi magbabago."

********

Pagpasok ko sa banyo at pagkahimalos ko ay nawala ang kalasingan ko, ano ba yan? Ano yung sinabi ni James? Totoo ba yun? Does he mean it? Napahawak ako sa puso ko na parang nanggaling sa extreme rides. 

"Nako, Elle, sinasabi ko sayo ha. Dahan dahan lang, he still needs his time." Sabi ko at napatitig sa mukha ko- "Ay palaka!" Napahawak ulit ako sa puso ko ng biglang may pumasok.

Agad namang kumunot ang noo ko nang makita ko ang pumasok, "Nanay to ni James ah." Bulong  ko at mukhang narinig naman nya, agad syang nagulat nang makita ang mukha ko kaya nag-smirk ako.

"Miss me po?" Tanong ko at bumalik naman ang composure nya at agad na umiling bago lumapit sa sink din, "Actually, I knew everything that's going around with you and my son." Sabi nya bago maghugas ng kamay.

Tumingin ako sa reflection ko sa salamin, "What do you mean?" Tanong ko at tumawa naman sya ng mahina, "Kung papapiliin ang mga magulang mo, manatili dito at maging mahirap o pumunta sa ibang bansa at makamit ang pangarap ng anak nila... Ano sa tingin mo ang pipiliin nila?" 

"Second?" Bulong ko at natawa naman ang nanay ni James bago umiling iling, "See what I mean? I've never meant to hurt you nor my son... I only want the best for him, kaya sinabi ko sayo na umalis ka. You were a burden to him, back then." 

Kinuha nya na ang bag nya bago tumingin sa reflection ko, "I want him to be happy without ruining his career, dahil mahal nya yon. Sana maintindihan mo yan, hindi kami masama. Pero kaya kong maging masama para sa anak ko." 

Agad akong umalis nang makalabas na ang nanay ni James sa banyo, wala akong pinansin at dumiretsyo ako pauwi sa bahay namin... Sa bahay namin... 

Nang makababa ako sa kotsye ko ay tumakbo agad ako papasok sa bahay, "Ma? Pa? Nelle?" Sabay sabay naman silang lumabas sa kusina at nginitian ako, "Elle! Napagod ka ba? Ihahanda ko na ba yung kama mo-" Napatigil sila ng bigla ko silang yakapin.

"It's been a while, i'm sorry." Bulong ko at naramdaman ko ang yakap nila Mama kaya napaiyak naman ako, matagal tagal na din ng huli kaming naging ganto. Siguro nga nagalit ako sa kanila dahil mahirap lang kami, dahil hindi sila nakapagtapos ng pagaaral.

Napatingin ako kay Nelle na naiyak, "A-ate, akala ko hindi mo na talaga kami papansinin e..." Bulong nya kaya lumuhod ako para magka-level na kami. "I will never do that, okay? Ang pamilya ay pamilya." 

"Ma, Pa. Sorry po sa inasta ko, pangako hindi ko na yun gagawin. Mahal na mahal ko po kayo." Sabi ko at naramdaman ko ang luha ko na nalaglag sa kamay ko. Kinuha naman ni Mama ang kamay ko, "Anak kahit anong mangyari, anak pa din kita. Hindi yan magbabago, okay?" 

"You will always be our little princess..."

~~~~~~~~~~~~~~

Abangan! 

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon