Chapter 30: One Day

123 6 0
                                    

Elle's POV:
Dahan dahan kong inangat ang mga mata ko dahil maga ito. Ang sakit! Ang sakit sa pakiramdam na mawawalay na ako sa kanya. Almost a year of  being together with him and I can't believe it's the last day.

Pakiramdam ko naiiyak na naman ako pero pinigilan ko na iyon. Ayokong magalala sa akin si Silberyo... Ayokong makita ang mga mata nya na naaawa sa akin...

I still have 24 hours to be with him.

"Ate! Bakit ganyan mata mo? Nakagat ka ba ng ipis?" Tanong ni Nelle kaya napasimangot ako. Hindi ba pwedeng umiyak at malungkot? Hindi ko magawang ngumiti o tumawa kaya tumayo na lamang ako at dumiretsyo sa banyo.

I feel so lifeless...

Dahan dahan kong binuksan ang shower at naghubad na din. Naalala ko na naman ang mga sinabi ng mga magulang ni Silberyo sa akin. Marahan kong hinawakan ang mukha ko, 

Matalino akong tao pero hindi ko man lang naisip ang maaaring epekto nito, panakip butas lang naman dapat ako, wala naman talaga sa plano na maging kami. Hindi ko naisip na maraming magiging epekto sa buhay at ang pangarap ay madadamay dahil gusto kong makasama sya. I really feel so stupid! Tama nga sila, slow na nga ako tanga pa. I was so slow to realize everything and too stupid to love him.

Now he's paying for the price. Kahit pagod sya ay sinasamahan pa din nya ako. Hindi niya kinalimutan na mag-hi sa akin kahit antok na antok na sya. Tapos may gana pa akong magtampo sa kanya minsan? Nakakainis!

Hindi ko naisip ang mga sinasakripisyo nya...

"HOY NERD! BABAKLASIN KO BA 'TONG PINTUAN NYO O BIBILISAN MO NA DYAN?!" Napakapit ako sa towel ko na nakasabit sa dingding dahil sa gulat. Ano ba yan?! Ano ginagawa nya sa kwarto ko?!

Napatingin ako sa kamay ko na halos kulo-kulubot na. Hala?! Gano na ba ako katagal na nasa banyo?!

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong ko at mabilis na pinatay ang shower bago magpatuyo. Nakalimutan ko ng magshampoo at sabon! Para tuloy nagshower lang ako. Hay nako. Hayain na, tinatamad din naman akong magshampoo e.

"What? I've been down stairs for almost an hour, you've been there for an hour. What are you doing anyway?" Tanong niya na ikinairap ko. Nagbihis ako at ipinatong ang towel sa balikat ko.

"Siguro kumakain ako no? Kasi nasa loob ako ng banyo." Pilosopo kong sabi at lumabas na-- "Aray!" Angal ko ng bigla nya akong batukan pagkalabas na pagkalabas ko pa lang.

"May gana ka pang mamilosopo? Pinag-intay mo na nga ako!" Giit niya kaya napatigil ako. Pinagintay?

Makakapag-intay kaya siya sa akin? Hihintayin niya ba ako? How can i live without him? How can i continue my life without his guidance? Magagawa ko bang ipagpatuloy ang lahat ng wala sya? Paano?

"Snap out of it, Princess! What are you even thinking? Can't you see i'm waiting?" Galit na tanong ni Silberyo kaya sumimangot ako at humiga sa kama ko kahit na basa pa din ang buhok ko. Marahan nyang ginulo ang buhok nya at tumabi sa kama ko.

Kinuha nya ang suklay at sinimulan nya akong suklayin. "Anong pinagusapan nyo nila Mom and Dad?" Tanong nya kaya mapait akong pangiti.

"Pinakita nila sakin kung gaano kataas ang pangarap mo, kung gaano mo iyon pinaghirapan. At kung gaano mo kamahal ang pagkanta." Sabi ko at tumingin sa kanya. Nakita ko ang pagngiti niya at pagtango.

"Yes, I love performing but I also love you..." Sabi niya kaya napatigil ako at mapait na namang napangiti. Sabi na e! Ako ang hadlang, hindi ang mga magulang nya ang hadlang sa amin, ako ang hadlang sa pangarap nya.

"Huwag ka mag alala, patuloy ka pa ding lilipad, sigurado ako doon."Nakangiti kong sabi at tumingin sa mga mata nya na ikinakunot ng noo nya. Mahina akong natawa at marahang sinampal ang pisngi nya na ikinasimangpt nya. Ang cute nya talaga!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon