Chapter 19: Drunk Love

141 7 0
                                    

Elle's POV:
Araaaaay... Ang sakit ng ankle ko! Sabi sakin ng nanay ko, sprain daw siguro dahil sa pagkalaglag ko at dahil din sa pagkaladkad sakin ni James.

"Araaaaay!" Ungol ko habang nakahawak sa may paanan ko at sinubukang angatin yun. Ang sakiiiiit talaga! Kainis. Kasalanan to ni James e, pero keri lang kasi maganda pa din naman ako. Diba? Hahahaha. Tse!

"Anak, okay ka lang?" Nagaalalang dumungaw si Mama habang may hawak na toothbrush kaya nagthumbs up ako. Sprain lang naman, hindi ko pa siguro to ikamamatay.

"Si Ate kung makapag-react akala mo ikamamatay nya yang pilay nya." Poker face na sabi ni Nelle habang dumaan sa harapan ko at pumasok sa banyo ko. Oh diba? Banyo KO. Echos!

"Tse Nelle, ang epal mo. Ikaw kaya ang pilayin ko dyan ng maranasan mo to. Echos na batang to." Pagmamataray ko bago tumayo at hinawakan ang saklay ko.

"Anak! May mga bisita ka!" Sigaw ni Papa mula sa baba, saktong sakto bababa ako para kumuha ng pagkain. Nagugutom na kasi ako e. Ahihihi.

"Gooodmorniiiiing Elleeeee!---" Napahawak ako sa puso ko kaya napaupo ako sa lapag dahil sa sobrang gulat. Jusko! Anong mga bakulaw ang sumulpot dito?! Jusko lord! Iniinvade na ba kami ng mga aliens?!

"Okay ka lang Elle?!" Napalingon ako sa dalawang nagsalita at nakita si Brandon at James.. Nagapir naman si Tristan at Louise bago tumawa. Mga baliw talaga.

"Okay lang ako. Ano ba ginagawa nyo dito? Nakakaloka naman kayo. Mang gulat daw ba." Sabi ko habang pilit na naglalakad--- Napahawak ako sa puso ko ng biglang may nagbuhat sakin at mas nagulat ako ng makita kong si James iyon. Waaaah!

"Ahm... James?" Awkward na tanong ko habang nakatitig sa mukha nya at napaiwas ng bigla syang tumingin sa akin. Grabe. Ang lapit ng mukha nya sakin, nahiya naman ako. Ang kinis ng mukha nya!!!! Nakakainggit.

"Hindi mo kayang maglakad. So let me carry you. Besides, girlfriend kita diba?" Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya iyon pero hindi naman sya makatingi sakin.

"SILV AND ELLE SITTING ON A TREE! K-I-S-S-I-N-G!!" Napatigil si James sa paglalakad at humarap kayla Tristan. Agad kong sinamaan ng tingin si Louise at ramdam ko ang pagtingin ni James ng masama kay Tristan.

Sabay kaming napatingin kay Brandon ng bigla syang tumalikod. "Oh Brandon? San punta mo?" Tanong ni Louise at patay malisya lang habang nakatingin kay Brandon at hindi tumitingin sakin. Loko talaga nito.

"Just outside, need some fresh air." Sagot ni Brandon habang patuloy sa paglalakad kaya nagkatinginan kami ni James at nagkibit balikat na lang.

"Kukuha lang ako ng pagkain." Sabi ko at sinubukang tumayo pero nagulat ako ng hawakan ni James ang balikat ko. May sakit ba ang isang to?

"Let me get it for you, you need to rest." Sabi nya kaya napatitig na lang ako sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya? May sakit ata talaga ang isang to. Nakakaloka! Pero... Ano ba tong nangyayari? Bakit parang.... Kinikilig ako-- NO! Hindi ako kinikilig no. Letcheng to!

"Hey Nerd! Can you stop staring at me? You're still ugly as fuck." Napailing ako ng biglang magsalita si James. Ha? Napatitig pala ako sa kanya?

Panu'y lumalandi ka na naman. Letcheng to! Letcheng konsensya to. Tumigil tigil ka nga. Tse!

"Excuse me? Hindi ako nakatitig sayo. I'm just looking at your eyes, i think it's kinda reddish. May sore eyes ka ba?" Palusot ko at napakunot naman sya ng noo. Please maniwala ka! Bilis na!

"Ha? Talaga? It's not itchy though. Maybe it's because of a dust." Sabi nya habang hinahawakan ang mata nya. Oo, dust yan! Dust tong mata ko! Ahihihi.

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon