Chapter 53: Forum

127 3 2
                                    

Elle's POV:
Buong byahe walang nagsasalita samin kundi si Rosita at pabulong bulong lang si James. Ang jolly talaga nung babae na yun, hindi ba nya ramdam na may tensyon na nagaganap? Nakasandal lang ako sa balikat ni Migs at nakapikit pero hindi natutulog.

"Migs, sorry talaga ha? Naging selfish ako tapos sinaktan pa kita." Sabi nya kaya ginulo nya ang buhok ko bago tumawa ng mahina, "Dati ko pa naman ramdam yun. Hindi mo din naman kasalanan, ako ang pumilit sayo. And besides, you're still my bestfriend no matter what."

Napangiti ako ng mapait at napatingin na lang sa labas, napaungol ako ng biglang may black spots na lumabas sa mata ko at napapikit, "Elle! Are you alright?!" Tanong ni Migs at tumango naman ako.

"Inaantok lang ako, I just want to sleep." Bulong ko bago umalis sa pagkakasandal sa kanya at sumandal sa mismong unan na nasa likudan ko.

Epekto ba to ng stress?

*********
How did my life become so complicated?

Napatingin ako sa pool na kung nasaan sila James at naglalaro ng bola. Naka-swim suit pa si Rosita at naka bath robe pa din ako. Si Migs naman nagiihaw habang ang mga managers pinaguusapan kung paano namin isho-shoot to.

"Haaaaay." Buntong hininga ko, alam kong mali pero iniimagine kong ako yung nasa tabi ni James. Maling mali pero winiwish ko na sana marealize ni James kung gaano ko sya kamahal. Sana sana sana- "Ay palaka!"

Nagulat ako ng ang lapit ng mukha sakin ni Manager Glee kaya tinulak ko sya agad, "Makalapit ka! Akala mo ba hindi nakakatakot?" Sabi ko at binatukan naman nya ako bago samaan ng tingin.

"Anyways, naisip namin na magandang magusap muna kayo ni James, you know..." Sabi nya bago tumingin kayla Rosita kaya napatingin din ako. Natawa si Rosita habang si James naman niyayakap yakap yung bola.

Napabalik ang tingin ko kay Manager Glee at napatitig naman sya sakin, "I know, Elle, I know. You'll be okay. Just let it loose and tell the truth." Sabi nya bago lumapit kayla James at may binulong sya dun.

"Oh." James mouthed bago tumingin sakin at tumango tango, nagulat ako ng biglang tumayo na si James... Pakiramdam ko ay biglang nagslow motion ang lahat at dahan dahang napatingin ang mga mata ko sa katawan nya- "Lusaw na si James."

"Ay palaka!" Gulat kong sabi at muntik ng malaglag sa upuan buti na lang ay nahawakan ako ni Migs, sinamaan ko sya ng tingin at tumawa naman sya. "Okay okaaaaay." Sabi nya and he walked out, shaking his head and laughing softly.

Napatingin ako sa unahan ko ng may makita akong mga paa at nagulat na si James yun, "You want to talk?" Tanong nya kaya tumango ako ng dahan dahan at nilahad naman nya yung kamay nya.

"A-anong?" Naputol na ang sasabihin ko nang higitin nya na ako at ipinunta sa parking lot kung saan walang tao at palubog na din ang araw kaya medyo padilim na.

Sandaling nagkaron ng katahimikan bago sakin humarap si James, "So talk." Sabi nya na parang nagmamadali kaya napangiti ako ng mapait.

"Hindi ko alam kung paano sisimulan... We've been through a lot, together." Sabi ko at tinignan sya, it's like he's holding something back. "Nung umalis ako kasama ang mga magulang mo... May pinarealize sila sakin, na I was holding you back." Sabi ko at nagulat naman si James.

Umatras sya, "Pero hindi naman e, wala kang maling ginagawa-" Pinutol ko na agad ang sasabihin nya at umabante, "Hindi mo naiintindihan. Lahat ng schedules mo kina-cancel mo dahil sakin... Believe me, natuwa ako nun. Not until kinausap ako ng mga magulang mo. Tama sila, naging selfish ako."

"Hindi ko inisip na makakaapekto ako sa career mo, masyado kasi akong nalunod sa pagmamahal. Masyado ka kasing nabulag sa pagmamahal natin e. Hindi tuloy natin naisip na unti unti na kitang sinisira."

Nagulat ako ng may luha ng pumatak sa mga mata ko, "I'm sorry... Alam kong dapat nagpaalam ako sayo ng maayos pero alam ko din na hahabulin mo ako kapag ginawa ko yun. At baka kasi pag nagpaalam ako sayo, baka hindi ko magawa..." Napatingin ako sa kanya at tinitigan nya din ako.

"Kaya umalis na lang ako, hindi ko kasi alam kung paano ko magagawang mag-'good bye' sayo e. Nakakatawa no? Hindi ko din naman ine-expect na sisikat ako dun... Narinig nila akong kumanta, yung kantang yun? Para sayo yun e... Nung araw na yon ikaw lang iniisip ko."

Umupo si James sa damuhan at nakatayo lang ako, "Ano yung video?" Tanong nya at sinabunutan na ang sarili. "Ang gulo... Ang gulo gulo na.." Sabi nya kaya napaluhod ako sa harapan nya.

"Sabi ng mommy mo gawin ko yun, para magkaron ka ng dahilan para magalit sakin... Para magpatuloy ka sa ginagawa mo. Alam kong mali yun, and I'm sorry. Believe me walang kami ni Migs, siguro binigyan ko sya ng chance pero wala e, ikaw pa din mahal ko." Sandali kaming nagkatitigan.

Lumabas na lang bigla yung salitang yun, "Mahal mo pa din ako?" Tanong nya kaya napatayo ako at napatayo din naman sya. Hahawakan nya na bali ako pero umatras ako, "I.... No, mahal mo si Rosita... Masaya na kayo, hindi ko yun guguluhin. Tama, mali tong mga sinasabi ko." I was almost whispering.

*******
James' POV:

Is it wrong?

"When you left me, I was miserable. I realized, 'ay hindi ko kayang wala si Elle'. I've cried and cried until Rosita saw me... She made me laugh so hard that I almost forgot you." Sabi ko at nakatitig lang sakin si Elle. I can see in her eyes that she was hurt.

And for some reason, I was hurt too. "I started falling for her, I started erasing you in my mind." Sabi ko at napayuko naman sya kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"I know this is wrong, but when I saw you... At the party, at the meeting, I wanted to kiss you. Pero nung magkalapit tayo, all I can feel is sad and anger and... hate." Sabi ko at tumunghay naman si Elle, kumalat na ang mascara nya sa mukha nya.

Pinunasan ko naman yon, "Naiintindihan ko na ngayon Elle, mahal-" Hindi nya ako pinatapos at hinalikan nya ako pero tinulak ko sya ng mahina. Mukha syang naguluhan kaya umatras ako at umiling.

"Naiintindihan na kita pero si Rosita ang mahal ko, I'm sorry..."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon