Chapter 31: It's Time

121 6 1
                                    

Elle's POV:
"Flight 98, Philippines to New York. Please proceed to the waiting area. Thank you," Sabi sa speaker kaya napatitig ako dun. It was time.

Napabuntong hininga ako, "Anak, sure ka na ba?" Tanong ng Mama ko at hinigit na din ang mga bagahe namin. Tumingin sa akin si Papa at si Nelle na naiyak.

"Tama naman po gagawin ko diba?" Tanong ko at tumango silang tatlo. "Pero pano naman ikaw?" Tanong ni Papa kaya napayuko ako.

Hindi ko din alam pero kailangan kong maging malakas, "Magiging okay lang po ako, ayoko pong masira mga pangarap nya dahil sakin." Sabi ko at pinunasan ang luha na pumatak. Dahan dahan nila akong niyakap kaya napaiyak na ako ng malakas.

"I'll never see him, ang sakit! Ang sakit sakit! Ang sakit na ako ang hadlang sa mga pangarap nya. Tama ang mga magulang ni Silberyo, i'm not good enough for him. Ganito lang ako e," Sabi ko habang humihikbi at niyakap ako ng mahigpit ni Mama.

"Anak, you're good enough for him. Hindi lang nila nakikita 'yon. Magpahinga ka lang muna at pagbalik mo... Magiging okay lang ang lahat." Sabi niya at kumalas na sa yakap ko.

"Sana nga po... Sana po matupad na nya yung pangarap nya... Kahit wala ako..." Sabi ko at mas napaiyak na. Ang sakit talaga! Ang sakit pakawalan yung taong mahal mo para sa pangarap nya.

Baka tama lang talaga si Mama, maybe I need time to think and fix everything out. Importante sakin si Silberyo. Mabuti na nga lang at sinagot na ng mga magulang ni Silberyo ang pamasahe namin papunta sa ibang bansa.

I owe them but I owe Silberyo much much more. Sinabi nya sakin na ayos lang sa kanya pero alam ko na nasasaktan sya kapag hindi sya nakaka-attend sa mga concerts nya. Nakakahiya tuloy na dahil lang sakin. Hayts. Kasalanan ko.

Kasalanan ko kung bakit hindi nakapunta si Silberyo.

"I love you Silberyo." Bulong ko bago pumasok sa waiting area. Kinuha ko ang cellphone ko at dinelete ang lahat ng number, miski ang kayla Mama. Binuksan ko din lahat ng social apps ko at dine-activate yun.

"Makakaya mo to ate." Sabi ni Nelle kaya ngumiti ako ng mapait sa kanya. "Kaya natin to." Bulong ko.

Sana, sana kakayanin ko ang lahat ng to. Sana magiging okay lang lahat. Sana sa pagalis ko, matulad na ni Silberyo ang gusto nya. Sana maging okay na sya.

"Ma'ams and Sirs, follow me please." Sabi ng flight attendant kaya tumayo na kami at sinundan sya.

One last pick, tumingin ako sa labas at huminga ng malalim.

"Goodbye."

*****
Silver's POV:
"Silberyo!" Napalingon ako at nakita si Elle. I smiled knowing that she's the one i'm looking for.

She's my mystery girl.

"Elle?" Tanong ko ng bigla syang lumayo. I run towards her but i failed... Lumingon lingon ako pero wala talaga sya. What the fuck is happening?

"Silberyo!" Sigaw niya kaya tumakbo ako. I don't know where the hell i'm going but i got to try finding her.

"Elle! Where are you?" I asked at napahawak sa puso ko dahil parang may sinisigaw yon.

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon