Elle's POV:
"THIS IS GONNA BE THE BEST DAY OF MY L-IFEE. MY L-IIFEEEE. WOOOH!" Kanta ko bago magtatalon sa kama at ihagis ang hawak kong mic-suklay."Thank you audience! Thank you very much. Hahahaha!" Sabi ko bago humiga at tumawa ng tumawa. Mukha kasi akong tanga na kumakanta at nagsasasayaw ng kung ano ano.
It's fun being like this, having this dream.
"Hala si Ate nababaliw na naman." Napatingin ako sa lalaking nasa pinto. "Hoy Nelle, tigil tigilan mo ko ha." Sabi ko at tinuro turo sya.
Hay nako, andito na naman ang makulit kong kapatid.
"Oh tama na yan, anak hindi kapa ba gutom? Nakabili kasi yung papa mo ng tuyo sa murang halaga." Sabi ni Mama kaya ngumiti ako sa kanya bago tumayo.
Ang bait talaga ng mga magulang namin.
"Ma iwelcome nyo na ang superstar ng taon!" Sigaw ko bago magayos at humarap sa pintuan.
Tumawa muna si Mama bago umubo ng bahagya. "Ma okay ka lang ba?" Tanong ni Nelle kaya tumingin ako kay Mama.
"Oo naman Anak, napagod lang si Mama kakalako ng prutas sa palengke." Sabi ni Mama kaya nakaramdam naman ako ng awa. Haaay. Naaawa naman ako sa mga magulang ko.
"Ma konting tiis na lang, makakatapos din ako ng highschool. At pagkatapos ko? Ako na ang magtatrabaho. Pangako po yan." Sabi ko at bago yakapin si Mama.
"Nako anak, gusto ko magkolehiyo ka. Gusto kong makatapos ka ng pagaaral anak.... Anak, bakit ganto ang buhok mo? Ang ikli pero ang tigas. Tingting ba to?" Sabi ni Mama at naramdaman ko ang pagyakap nya. Hihihi! Si Mama talaga. Palabiro!
"Ma alam mo namang mahirap tayo at matyaga, kaya yung tide soap ginamit ko. Hihihihi!" Kinikilig na sabi ko kaya napatawa si Mama.
"Mga anak, sweetheart! Luto na yung tuyo. Kain na tayo!" Rinig naming sigaw ni Papa kaya tumawa ako ng bahagya bago kumalas sa yakap ni Mama at ngumiti.
"Kain na tayooo ohhh!" Kanta ko bago magslide sa hagdanan at tumawa. Oo, baliw ako at walang makakapigil sakin. Hahaha! "Oh ang baliw kong anak." Natatawang kanta ni Papa kaya mas napatawa ako.
"Hindi pa din pala kumukupas ang boses mo Pa!" Sabi ko bago tumawa at umupo na sa upuan alangan namang sa lamesa ako umupo diba? Hahaha!
"Kainan naaaa!" Sigaw ni Nelle bago hawakan ang kutsara at tinidor. "Ang takaw mo Nelle! Kaya ang taba taba mo e!" Sigaw ni Mama kaya mas natawa ako.
"Ang ganit ng buhok mo ate, kaya ang baho baho mo e!" Pangiinsulto nito sa akin kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Sinimulan ko na ang pagkain ng tuyo at sinigang na kanin. Sobrang sarap! Hey, there's more to life than complaining right? Mas masaya kung laging positive ka lang.
*****
"Ma, Pa, Nelle! Alis na po ako ah. Byeeee!" Sigaw ko at nagslide pababa ng hagdanan. "Ingat anak!" Sigaw ni Papa at Mama. "Pasalubong Ate ah!" Sigaw ni Nelle kaya tumango ako.Oo, mahirap lang kami pero masaya naman kami no. Kumbaga sa mga mayayaman walang bonding time, kami araw araw bonding.
I'm Elle Joey Estrada aka Elle, 17 years old. Highschool student sa Ancient Academy, actually isa akong scholar kaya nakapasok ako dun. Actually dun sa school namin, puro away ang nagaganap. Syempre isa akong superstar, well a wanna be one. And also super pretty and sexy. Hihihihi!
"Kuya paraaaa!" Sigaw ko at tumigil naman yung jeep. Buti pa ang isang to hindi bingi. Hindi katulad nung dati hay nako.
"Sa Ancient Academy po Kuya." Sabi ko at umupo sa tabi ng driver. Dito na lang ako pepwesto para hindi na ako mabugahan ng usok at hindi na din lumagpas.
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!