Elle's POV:
"Ahhh!" Napahawak ako sa ulo ko at napagulong sa kama, shit. Ang sakit ng ulo ko, umupo ako at pumikit ng madiin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi ko dapat buksan ang mga mata ko, "Elle... Are you okay?"That was just the time na binuksan ko ang mata ko at nagulat ng makita si James, may mga black spots pa sa mata ko pero pinilit kong imulat pa din. "I'm fine... Bakit ka nandito?" Tanong ko at bakas pa din ang pagaalala sa kanya.
"You don't look fine though, what have you been up to?" Tanong nya before he moved forward, I flinched dahil medyo masakit pa din ang ulo ko at nagulat sa bigla nyang paglapit. Nagbend sya sa kama ko at napatig ako sa kanya, "A-anong..."
Napatigil ako ng hawakan nya ang noo ko, "What the fuck, you're heating up." Sabi nya kaya napatitig ako sa kamay nya kahit naduduling na ako. Napatingin din naman sya sakin at bigla syang lumayo.
"You should eat, ahm, noodles?" Tanong nya habang tumitingin sa condo, napa-iling ako dahil nakakahiya naman. "No... Tatawagan ko na lang si Manager Glee, salamat na lang." Sabi ko at yumuko, napatingin ako sa kumot ko.
Hindi ko magawang tignan ulit si James, "No. I can handle it, umalis sila ni Manager Sy dahil may titignan daw silang place." Sabi nya kaya tumingin ako sa kanya. Please, umalis ka na lang. Hindi kakayanin ng puso ko.
"Ano... Kaya ko naman kasing magluto e... Hindi naman porket sumikat na ako e nakalimutan ko na yung dati-" Napatigil ako ng ma-realize ko ang sinabi ko, tumayo ako at lumabas ng walang pasabi sa kwarto.
Hindi nakalimutan.... Hinding hindi ko makakalimutan ang dati....
Tama si Migs, "Elle, what's this about? Sakit mo o yung past natin?" Napatigil ako at napaharap kay James, mukha syang galit at nagpipigil. "Both!" Sabi ko at napahawak sa bibig, "I mean, you should just go." Sabi ko bago maglakad ulit pero pinigilan nya ako.
"No, no more running away!" Sigaw nya kaya napaatras ako sa kanya, running away... It sounded wrong but right at the same time. "Running away? Hindi mo naiintindihan! Ginawa ko yun para sayo!" Sigaw ko and this time, it was him who stepped back.
He looked caught off guard, "You're right but you're also right when you said I don't understand anything, because I don't. And I'm sick and tired of all the lies!" Sigaw nya kaya napakuyom ang kamay ko.
"Hindi ako nagsinungaling, pinili ko lang na hindi sabihin sayo! Sa tingin mo ba madali sakin to?" Sigaw ko at tinuro ang paligid, "Look at me! I'm a mess, I'm a fucking mess! And I don't know how to fix it, I don't know how to fix me. Hindi lang ikaw ang pagod dito, ako din. Napapagod na ako!" Sigaw ko bago napahawak sa puso.
This is so heartbreaking....
Napailing sya at napailing din naman ako, "Why did you leave me?" Tanong nya kaya napatingin ako sa mata nya. He was outraged, but also- sad. Napapunas ako sa pisngi at dun ko lang naramdaman ang mga luha ko.
"It was for your own good-" He cut me off, "And breaking me was suppose to be good for me?" Tanong nya and he laughed, coldly. Umiling ako at lumapit sa kanya pero umatras sya, this is so fucked up. "No, it wasn't suppose to break you, it was suppose to set you free."
Nagulat ako ng bigla nyang suntukin yung pader at nakita ko ang dugo nya, "Pero sinaktan mo ako! Iniwan mo ako at sinaktan mo ako! Yung video... Yung pera... Hindi ko makalimutan yun, hindi kita makalimutan." Sabi nya bago mapaluhod kaya napaluhod na din ako.
"Nung nasa NY ako, lagi kong sinasabi sa sarili ko na para sayo 'to. Na umalis ako kasi... Kasi sinabi ng parents mo na para sayo yun. Hindi mo ba nakikita? I was holding you off..." Sabi ko at tumingin sa mga kamay ko.
Pumikit ako at bigla na lang nag-flash ang mga ginawa namin dati ni James, yung mga masasayang araw namin at kahit yung mga tampuhan namin. Yung mga tawa nya dahil sa mga awkward moves ko at yung mga sarcastic nyang sinasabi. Yung mga bagay na nagagalit sya at yung ngiti nya kapag kasama nya sil Tristan.
"When you were away... Sinundan kita, pinuntahan kita..." Napatigil ako nung sabihin nya yun, "Pero nakita ko kayo ni Migs, kinukulit ka nya nun tapos tumatawa ka naman kahit na pinipilit mong ipakita na naiinis ka." Sabi nya bago tumingin sakin.
Tuloy tuloy pa din ang iyak ko, "Hindi ko alam... I'm sorry..." Sabi ko at napayuko, naramdaman kong tumayo sya. "Akala ko magiging masaya na ako, but you came back... And everything went back." Sabi nya bago umalis at naiwan ako dun.
Akala ko din magiging masaya na ako, Silberyo...
*****
"Elle, hindi ka ba talaga lalabas dyan? It's been all day! You want me to call Migs?" Tanong ni Manager Glee kaya nilagay ko ang unan ko sa mukha ko bago umirit para hindi ganong kalakas ang irit ko.Tinanggal ko yung unan, "Go away please... I don't feel like talking today." Sabi ko at minsan lang ako mag-please kaya kahit may pinto, alam ko at ramdam ko na napatigil si Manager Glee. Narinig kong may kinausap sya at umalis na.
"Elle... Si Louise to." Hindi ko alam pero hindi ako nagulat ng marinig ko ang boses ni Louise at tumayo na ako. Binuksan ko ang pinto at pumasok naman sya agad, nearly bumping me off. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumiti lang sya at umupo sa couch.
Nag-cross arms naman ako kahit mugto na ang mata ko, "Let's get this straight, you guys have been in a fight. I know, I know. James hasn't been, well, hasn't been doing very well himself." Sabi nya at for a minute, hindi sya yung Louise na mahilig mag-prank, he's a brother who wants to protect his brother.
"Nakita ko si James nung mawala ka, naramdaman ko yung naramdaman nya. It hurts... I know. Alam ko namang hindi lang si James ang nasaktan pero hindi mo alam kung gano mo sya sinaktan." Sabi nya bago tumingin sakin at napabuntong hininga.
Umupo ako sa harap ng couch at napa-simangot, "Sobrang sakit e... Iniwan ko sya, ako ang unang nang-iwan..." Sabi ko at napahawak sa braso ko, "Pero sobra akong nasaktan, sobra sobra." Naramdaman ko na ang luha ko na tumulo na naman.
"May iba na sya... I've never seen him look at anybody like that besides me. Maswerte sya, Rosita I mean.. Tanggap sya ng parents ni James, hindi sya pinagtabuyan, hindi kagaya ko." Sabi ko at nakita ko namang tumitig sakin si Louise kaya napabuntong hininga ako.
Napabuntong hininga din sya, "Si Rosita ang tumulong sa kanya para makapag-move on sayo. Nung una ayaw ni James, hindi nya tanggap. But one day, he just told us we're back on stage... Something motivated him to stand up again, and Rosita was always on his side. Hindi nya iniwan si James... I just hope you would have done the same."
Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko, "You should tell him... Everything." Sabi nya kaya napayuko ako at sumandal sa shoulder nya.
"You know... James would kill me kapag nakita nyang ganto position natin."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!