Chapter 23: Last Day

126 8 0
                                    

Elle's POV:
"Waaaah! Last day na pala natin dito. Waaaah!" Sigaw ko habang nagtatalukbong. Night had pass and we end up sleeping on the couch, siguro binuhat nya lang ako. Omg, iniisip ko pa lang na binubuhat nya ako, kinikilig na ako. Omg! Masyado na ba akong malandi?

Hay, basta masaya ako.

"Good morning, beautiful." Napatingin ako sa may gilid ko at nakita si Silberyo. Ngiting ngiti sya kaya napangiti din ako. Wala akong naramdaman na awkwardness, siguro kasi ganun kakomportable ang tingin ko sa kanya. Omg!!!!!

Kung tutuusin, 3 months pa lang kaming magkakilala. Hindi ba't matulin ang lahat? Hindi ba para kaming nagmamadali? And we didn't actually told to each other that we love each other. Sabi nya lang 'the feeling is mutual'. Ibig sabihin ba kami na?

"Good morning, sila mama?" Nakangiti kong tanong bago bumangon na. Last day na namin ito and I wanted to spend it with them. Make the most out of this vacation.

Tumingin muna sya sa paligid, "Hindi ko din alam e, sabi lang nila gisingin daw kita at babalik din agad." Sabi nito bago sabay kaming lumabas. Bakit ba ang aga e kinikilig na ako? Ni-hindi pa nga gising ang kaluluwa ko pero kinikilig na ako.

"Ah ganun ba. Kumain ka na ba?" Tanong ko kay Silberyo at lumingon naman sya sa akin at umiling. Bakit ba ang ganda ng kulay ng buhok nya? Natural brown. Deym!

Ngumiti naman ako, "Sige, magluluto lang ako." Sabi ko at akmang lalakad na ng pigilan nya ako. "Nagluto na ako. Hindi lang ako kumakain kasi hinihintay kita." Sabi nya and i was cought off guard at napatulala na lang sa kanya. Bakit ang lakas ng dating nya sakin? Ugh!

"Yiiieee. Agang kasweetan ah! Nagkaaminan na kayo?" Napatingin kami sa may pinto at nakita si Kikoy. Sinamaan ko sya ng tingin, lintek na ito. Tinaas naman nya ang kamay nya.

Tumawa sya at kinamot ang kanyang ulo, "Sorna. Sabi ni Tita Ella sunduin ko daw kayo kasi mamamasyal tayo sa hacienda malapit sa baryo." Sabi niya kaya umupo na din kami sa may upuan and since may plato na din dun hindi na namin kailangan tumayo.

Dumiretsyo kami sa pagkain at matapos namin kumain ay napagdesisyunan na naming maligo at magbihis. Tumingin ako sa salamin, posible bang magkagusto sa akin ang isang superstar? Ang isang James Silver Smith?

"You look beautiful with those glasses." Napatingin ako sa gilid ng salamin at nakita kong nakasandal si James sa may door frame.

"You're just saying that cause you THINK you like me." Inemphasize ko talaga yung word na 'think'. Kumunot ang noo nya at lumapit sa akin.

"Are you doubting my feelings for you?" Tanong nya ng makalapit na sya sa akin. Napatitig na lang ako sa kanya, nagda-doubt ba talaga ako o deep inside alam kong malabong may magkagusto sakin?

"Look, i like you for who you are. The jolly and funny Elle. I love being with you, i love your smile, i love your laugh, and i love you." Sabi nya kaya napayuko ako. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng mukha ko. Inangat nya yung ulo ko at inalalayan akong makatayo.

Nang makatayo na ako ay huminga sya ng malalim. "Hindi kita masisisi kung nagda-doubt ka, but i'm gonna prove  you that what i'm saying is what i really feel. And you're worthy of every love that you will receive to anyone, trust me." Sabi nya at dahan dahan nyang hinalikan ang noo ko bago maglakad palabas ng kwarto ko.

Matapos nya sabihin yun ay hinalikan nya lamang ang ulo ko bago umalis, bakit parang natuwa ako ng sinabi nya yun?

Ang isang Jame Silver Smith ay manliligaw sa akin?

******
James' POV:
Seeing her smile, laugh, and love makes me wanna love her more. Yes, you got that right. I love her, i was denying it the whole time kasi isa syang nerd. But i don't care anymore, i never felt this way before. I love her, so i'm gonna prove it to her.

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon