Chapter 10: Leaving

184 10 0
                                    

Elle's POV:
"So won't you stay with meeee, cause you're all i need~" Pagkanta ko habang nagsslide sa hagdanan at sinalubong ko naman ng yakap si Mama. Ang gandang umaga! Tatlong araw na lang ay makakalipat na kami ng bahay.

"Anak thank you talaga ah? Kung hindi dahil sayo-" Pinutol ko ang sasabihin nya. "Ma, magaling talaga kayo magluto at magaling magdrive si Papa kaya natanggap tayo." Sabi ko bago sya halikan sa pisngi at hilahin papuntang kusina.

"Kaylan daw po tayo lilipat?" Excited at masayang tanong ni Nelle bago kumagat ng tuyo. Ngumiti ako at tinignan sila Mama.

"Three more days na laaang!" Sigaw ko at nakita ko naman ang mga ngiti nila kaya mas napangiti ako. I'm so exciteeed! Thank you talaga sa The Breakeeers. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila lalo na sa masungit na si James.

"Eh ikaw ate? Kelan ka magmumukhang tao? Three more years?" Sabi ni Nelle kaya kumuha ako ng bato at hinagis iyon sa kanya. Panira ng moment! Letche!

"Anak, salamat talaga." Sabi ni Papa kaya napangiti ako. Mas desidido akong pagtyagaan ang trabaho ko para sa pamilya ko. Kaya humanda ka James Silver Smith, ikaw ang project ko ngayon.

**Ancient Academy**
Okay Elle! This is it! Kayang kayang kaya mo to. Inhale... Exhale---

Kriiiing!

Patay bell na! Tumakbo agad ako hanggang makarating ng first building-- "Aray!" Agad akong tumayo at nakita si.. "Migs!" Sigaw ko at agad syang niyakap. Namiss ko ang isang to!

"Saan ka galing?! Bakit ka absent? Kamusta ka na? Nagkasakit ka ba? Anong balita sayo? Mabaho pa din ba hininga ko? Hihihihi! Hindi na no? Magkwento ka naman!" Tuloy tuloy kong sabi at sya naman ay natatawa. Pero may mali sa tawa nya e.

"Actually--" Kriiiing! Nako! Second bell na! Nagkatinginan kami at agad tumakbo habang natawa. Nababaliw na talaga ako. Malelate na nga ako tapos tatawa pa ako ng ganito no? Pero kasi e! Namiss ko maging baliw kasama tong si Migs.

"MISS ESTRADA AND MISTER PADILLAAAAA!" Napastand straight kami kahit hingal na hingal habang nagpipigil ng tawa.

"Mga bata talaga oo! Pumasok na nga kayong dalawa at welcome back na din sa iyo Mr Padilla. Take your sit!" Sigaw ni Ma'am Baklaw kaya nakayuko kaming pumasok. Mukha talaga syang bakulaw kapag nagalit. Hahahaha!

"Ligtas!" Pabulong na sigaw ko bago makipagapir sa kanya at sya naman tumawa ng bahagya lang. Tumahimik kaming dalawa kaya napatingin ako kay Migs na kasalukuyang nakatitig lang sa may bintana.

Discuss. Lecture. Tingin kay Migs na nakatulala. Discuss. Activity. Lecture. Discuss. Tingin kay Migs na nakatulala. Discuss. Lecture. Activity. Tingin kay Migs na nakatulala.

Kriiiiing!

"Well guys, as for our sched today. We all know that it's the second concert of The Breakers!" Anunsyo ni Miss kaya mapabusangot ako. Nakakaumay na pakinggan ang salitang The Breakers. Pagkalabas na pagkalabas ko ay rinig ko ng ang sigawan ng mga kababaihan habang nagtatakbuhan. Tumingin ako sa paligid at nakitang wala si Migs. Kaya pumasok ako sa room at nakita syang nakasubsub sa lamesa.

"Migs, migs gising... Migs." Nagulat ako ng pagtunghay nya ay umiiyak sya. Lumuhod ako sa harapan nya at bigla nya na lang ako niyakap kaya pinabayaan ko na lang sya.

"Elle... I'm leaving..." Sabi nya sa pagitan ng mga hikbi nya kaya napatigil ako sa paghagod ng likod nya.

"What??? Why??" Hindi makapaniwalang sabi ko at nanggigilid na din ang aking mga luha. Naramdaman ko ang pagpunas nya ng luha ko pero hindi ko mapigilan na hindi maiyak.

"It's about my mom.. I hate to leave but i have too.." Mahinang sabi nya kaya niyakap ko sya muli at umiyak ng malakas. Ang bestfriend ko... Iiwan na ako..

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon