Chapter 6: Locked

215 14 0
                                    

Elle's POV:
"Hey." Napalingon ako at nakita si James. Napangiti ako at naglaho iyon ng makita ko si Allysa na papalapit. Anong ginagawa ng bruha na 'to dito?!

"Nandyan na sya." Bulong ko at tila nangingig na sa takot habang nakangiti si Allysa. Isang nakakakilabot na ngiti.

"Tara na! Umalis na tayo! Bilis!" Sabi ko at hinawakan ang kamay ni James ngunit hindi sya gumagalaw hanggang sa napabitaw ako at napatingin sa kanya.

Napanganga ako ng nakita ko syang kahalikan si Allysa. At tila nahulog ako sa isang bangin na sobrang lalim. Nakita kong nakatingin sakin si Allysa at James habang pinagtatawanan ako.

"NOOOOO! Waaaag! TAMA NA YAAAN! Ano bang nakakatawa?---- Tamaa na please!" Napabangon ako na hingal na hingal at napahiga muli.

"Panaginip lang pala." Sabi ko bago mag-inat at humikab. Nawala antok ko dahil sa napanaginipan ko. Bakit kaya yun yung napanaginipan ko? Creepy!

Buti nagising na ako, "Anak! Bumaba ka na dito o kakaladkadin kita pababa?" Rinig kong sabi ni Mama kaya napatawa ako ng bahagya. Kahit kaylan talaga, ang brutal ng Mama ko.

"Pababa na po Mamang Sadista!" Sigaw ko pababalik bago isuot ang slippers ko. Nagslide ako pababa ng hagdan bago tumungo sa kusina.

"GOODMORNING SA INYOOO~" Pagkanta ko at natawa naman ako ng nasamid si Papa sa paginom. Dali dali akong umupo habang nakatingin silang lahat sakin ng masama. Gandang ganda siguro sakin. Hahaha!

"Jusko kang bata ka, papatayin mo ako sa gulat. Oh kumain na kayo ng gulay at tuyo. Baka malate pa kayo." Sabi ni Papa kaya ngumiti ako at tumango bago magsimula sa pagkain.

*****
"Lalalalalala...." Pag-hum ko habang naglalakad sa ground ng school namin. Boring. May 30 mins pa ako bago magbell kaya napagisipan kong maggala na lang muna. Napaaga ata pasok ko ngayon ah.

"Aba, look girls." Napatigil ako sa paglalakad dahil kilalang kilala ko ang boses na iyon. Si Allysa. Bigla akong kinabahan at mistulang namutla dahil nakita ko ang masamang ngiti nya. Ano na naman gagawin nito?!

Huwag naman sana nila akong awayin, "A-alis na ako." Sabi ko bago tumakbo ng mabilis, mas mabilis pa kay flash. Takbo lang ako ng takbo hanggang mapapunta ako sa pool area kaya umupo ako sa may side ng pool.

"Tulong!" Napalingon ako sa kaliwa pero wala naman. "Help!" Tumingin ako sa kanan pero wala naman... Bigla naman akong kinabahan... Don't tell me na may multo dito...

Jusko!!!! Someone help!!! "Damn it! Why wouldn't this fucking door open?" Hala. May multo bang nageenglish at nagmumura? Dali dali akong tumayo at lumapit sa isang pintuan bago iyon itulak--

"Aray." Pag-ungol ko bago hawakan ang tuhod ko. Napalakas ata ang pagtulak ko kaya napadapa ako... Teka...

"Miss, are you done day dreaming-- Oh no!" Sabi ni James bago ako itulak at tumakbo patungo sa nakasarang pinto. Problema naman nito? Tsaka sino ba to?

"Fuck, now i'm still stuck here. I'll be dead sooner or later." Pagmamaktol nya kaya tumayo ako at pinagpagan ang pants na suot ko. Tama daw bang itulak ako? Hmp. Ang OA naman ng isang to. Tsaka mamamatay agad? Hindi ba pwedeng magugutom muna?

"Miss naman kasi, bakit mo nilakasan yung tulak? Napadamba ka tuloy sakin." Inis nyang sabi bago guluhin ang buhok nya kaya napairap ako. Pero ang cute nya ning ginulo nya buhok nya. Hahaha! Landi.

"Wow sorry ha? Pasalamat ka pa nga dyan hindi ka na nagiisa e. May postive side din naman to 'no. Kainis. As if naman na ginusto ko 'to no." Bulong ko habang sinisipa sipa yung bote na nakita ko.

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon