Elle's POV:
"They can imitate you but they can't duplicate you cause you got something special. That makes me wanna taste you. I want it all day long. All day long. All day long. I want it all day long. All day long. Whatcha gon, whatcha gon do with that dessert ---" Napatigil ako sa pagkanta ng biglang may magbukas ng pinto at iniluwa si Nelle."Ate ate ate ate! Uuwi daw tayo sa probinsyaaaa! Yeheyyyyy!" Nanlaki ang mata ko at naghugis heart ng marinig ko ang salitang probinsya. Tumalon talon ako habang niyayakap si Nelle kahit pawis pawis pa sya. Medyo kadiri pero echos lang. Hahahaha!
"Talagaaaa? OMG! Exciteeeed na akooo! Kaylan?!" Sabi ko at inalog alog si Elle bago sabay kaming tumalon talon. So what kung isip bata? It's been 3 years since last akong nakabisita dun. Nakakamiss!
"Ngayon na daw e. Kaya maghanda ka na ng susuotin, dalawang araw lang naman daw tayo dun. Bilis Ate! Excited na ako!" Sabi ni Nelle bago tumakbo palabas. Ngayon na pala yun?! Hala ka! Hmmm, bakit nga ba ako nagaalala? Ayaw ko ba nun? Mapapahiwalay na ako kay Silberyo...
Bakit parang? Wala, wala. Jusko!
"Sige sigeee! Excited na ako! Namiss ko na ang kakanin ni Lola Myrna. Balita ko mas nagimprove na ngayon! Lalo na ang mga bikes natin nila Kikoy dun! Ihhhh! Sige na! Magaayos na akooo!" Excited kong sabi bago magtatalon at kumaripas ng takbo papunta sa closet ko. Itchusera, hahaha. Lalagyanan na nga lang ng damit!
Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay dali dali kong ini-slide pababa ang bag ko bago ako magslide. Matulin lang naman ako magayos ng damit, mga 15 minutes lang and olah! Tapos na.
"And where the hell do you think you're going?" Napatingin ako sa masungit na nagsasalita at nakita ko si Silberyo. Of course, ngumiti ako pero nagtaka naman ako ng tumitig lang sya sa akin at bigla na lang syang umiling.
Humarap naman ako sa kanya matapos iayos ang bag ko, "Ah kasi Silberyo. Aalis kami e. Gusto mo bang... sumama?" Napayuko ako ng imbitahin ko sya. The hell?! Bakit ko yun sinabi? Bakit meron sa part ko na gusto ko syang isama?
Imosible, isang mayaman na mang aawit, sasama sakin?
Tumingin ako sa kanya and i saw a huge smile on his face. Wait, sya nangiti sakin? Woah. I must be dreaming. And those smile... Wala wala!
"Ahm.. What i mean is... Do you.... Eh..... Ahm..." Pautal utal ako while i was playing with my fingers. "I'll love to tag along." Napangiti ako ng sinabi nya iyon at agad ko namang binawi. The hell? Umagang umaga pero kung ano ano itong nararamdaman ko, dahil lang sa simpleng ngiti nya at sa mga simpleng salita.
Napahawak naman ako sa batok, "Cool... Ahm... Mama! Sasama daw po si Silberyo!" Sigaw ko dahil nasa kusina si Mama at nakita ko naman syang dumungaw at may hawak na kaldero. "Iyaan! Mas masaya na tayo dun sa probinsya." Nakangiti niyang sabi kaya ngumiti na lang din ako.
"Teka, okay lang ba kay Manager Sy? Hindi ba busy ang sched mo for today and for two more days?" Tanong ko at nagisip naman sya. Nagtaka ako ng kinuha nya ang cellphone nya bago pindutin iyon. Ibinalik nya sa bulsa nya ang phone nya at ngumiti sa akin.
Tumingala sya kaya nakita ko naman ang adams apple nya, "I was fully sched for three days a few minutes ago, i just had to cancel everything and pack my things up." Nakangiti nitong sabi at tumalikod na... Matapos nyang sabihin iyon ay tumalikod na sya at umalis. Napailing ako, why was i staring at his back?
At bakit sobrang excited ko?!
****
"You got to take good care of him, do i make myself clear?" Bilin sakin ni Manager Sy for the tenth time. Tango lang naman ako ng tango.
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!