Chapter 58: To do list

121 2 0
                                    

Elle's POV:
Napatingin ako sa phone ko at sa planner ko bago sa calendar at sa phone ko na naman, "Paano ko ba 'to aayusin?" Binigyan ako ni Silberyo ng limang araw para ma-solo sya. Ang sama lang diba?

"As if naman hindi nya ako gustong makasama, if I know gusto na ako makita nun right now." Nakangiti kong sagot bago ihagis ang ballpen ko at humiga sa kama ko, "Pero ang hirap naman ng pinapagawa nya! Ayts!" Sigaw ko bago guluhin ang buhok ko.

Napabangon ako at lumabas ng kwarto ko, "Good morning, Mrs Smith." Napatingin ako sa butler ni Silberyo at tumingin lang din yon sakin, "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at sumunod naman sya sakin sa paglalakad.

"Sabi ni Sir Silver, alam daw nyang mahihirapan ka sa pagpaplano kaya po nagbigay sya ng mga options. Ito po oh," Sabi nya at nakadating na kami sa kusina kaya kumuha ako ng tasa at sumusunod pa din sya sakin.

Nilagyan ko ng mainit na tubig yun tasa, "Option one, regular dates everyday." Kinuha ko yung sweet coffee, "Second option, manood ng classic opera o kahit anong concert." Kumuha ako ng kutsara at bumalik, "Third option," Tumigil sya kaya tumingin ako sa kanya pero umiwas din agad sya.

"Third option, stay in a room and... rated 18+" Napaubo ako at naibaba agad ang tasang ininuman ko, tinignan ko ng masama ang butler ni Silberyo pero hindi sya makatingin sakin. "Pervert jerk." Bulong ko at naisip ang ginagawa ni Silberyo ngayon.

Panigurado tumatawa ang mokong na yon.

"What's the first again?" Tanong ko bago hawakan ulit ang tasa ko, "Regular dates." Napataas naman kilay ko at uminom, "Fourth?" Tanong ko habang nasa labi ko na ang tasa, "Rated 18+" Napaubo agad ako at nababa ko na naman ang inumin ko.

Hayts! Sinamaan ko ulit ng tingin yung butler pero hindi sya sakin maka tingin, "Sabihin mo sa master mo, ako magpaplano, walang kwenta mga plano nya." Sabi ko bago tumalikod, napahawak naman ako sa pisngi ko na kanina pa mainit.

"Ayaw nyo po ba nung fourth?" Napalingon ulit ako at tumalikod na agad yung butler kaya napataas ang kilay ko, "Baliw talaga ang mga Smith." Bulong ko bago umalis na pero bago ako tuluyang umalis, tumingin muna ako sa paligid.

Baka may nakarinig, nakakahiya! Pero pwede din naman, hihi!

**********
Day 1:

"Picnic sa park?" Tanong ni Silberyo ng makadating kami sa destination namin, day one na namin at sobrang pinagplanuhan ko 'to no. Hindi kaya ako natulog para lang dito.

Napangiti ako ng makita ko ang excitement sa mata ni Silberyo, "Ang tagal ko ng hindi to nagawa, it feels good to be normal." Masaya nyang sabi bago ayusin ang blanket namin. Napangiti naman ako at tinulungan na sya.

"So, how's work? Nabalitaan ko kay Brandon na may tour kayo ah?" Tanon ko habang inaayos ang pagkain at tumingin naman sya sakin, "Yeah, you want me to cancel it?" Tanong nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Tumawa naman sya at napangiti naman ako, "Kidding, I know you also have a tour with special guests, right?" Sabi nya kaya napataas ang kilay ko, "Since when did you become my stalker?" Tanong ko at sinamaan naman nya akong ng tingin.

"Damn, who cooked this food? Tita?" Tanong nya bago kumagat ulit ng sandwich na gawa ni Mama kaya tumango ako and for a moment, I really felt happy.

Me and him, sitting on a blanket, "What a perfect day."

*******
Day 2:

Hindi ko sigurado kung magugustuhan 'to ni Silberyo pero alam ko na maiinis sya dito, "Seriously? You do know that I don't like being in publice right? Paano na lang kung may makakita sakin? Paano na lang kung pagkaguluhan tayo at masaktan ka?-" Pinigilan ko na sya sa pagsasalita.

"Kaya nga may dinala ako e," Sabi ko bago ilabas ang mga wigs at glasses na nasa paper bag ko. "Oh, iyan ah. Hindi na tayo makikilala dyan, na-miss ko kasing manood ng cine without anybody taking videos of my reaction." Sabi ko bago tumingin sa mall.

Sinuot ko naman ang isang wig kay Silberyo bago suotin yung akin, "Ready?" Tanong ko kaya napabuntong hininga na lang sya at tumango.

Sa araw na ito, puro kalokohan ginawa namin. Nanood muna kami ng isang movie, tapos nag-arcade kami, tapos sa food court pa kami kumain. Sa araw na ito, para kaming normal na couple. Ang saya!

*******
Day 3:

"Ahh." Ungol ko ng tumayo ako ay medyo nahilo ako, shit! Third day pa lang namin ni Silberyo, hindi ako pwedeng magkasakit huhu. Hindi 'to pwede! Kumuha agad ako ng gamot at ininom 'yon.

Sana naman hindi ako magkasakit, paglabas ko ng kwarto ko ay napatigil ako. "A-ano 'to?" Tanong ko dahil puro lobo ang nakikita ko. Iba't ibang kulay sya at may mga letters kada balloon.

L A T E N I G H T D A T E! L A T E R.

Napangiti ako sa bagong pakulo ni Silberyo kaya agad akong bumaba- "Ah." Ungol ko na naman ng biglang sumakit ang ulo ko. Shit! Hindi nga sabi ako pwedeng magkasakit. Nakakainis naman e.

"Oh anak, okay ka lang ba? Tara, kumain ka na."

Nang maggabi ay nakita ko na lang si Silberyo na naka-tuxedo habang ako naman ay naka cocktail dress. Ang classy naman ng dating namin, anong meron? "You look so damn beautiful." Napangiti naman ako sa sinabi ni Silberyo.

Pumasok na kami sa kotsye at hinawakan nya ang kamay ko, "Don't get nervous, okay?" Bulong nya kaya kahit hindi ko gets ay tumango na lang ako. Ano na namang pinagsasabi nito?

Nang makarating kami sa isang restaurant ay naglakad na kami papasok. Habang naglalakad ay unti unti kong naramdaman ang kaba, ang bilis ng tibok ng puso- "Good evening, son." PARENTS NYA!

"Good evening, Ma. Papa, I want you to meet someone." Sabi nya bago ako hawakan sa bewang kaya namula naman ako. Anong sasabihin ko?! Inalalayan akong umupo ni Silberyo at umupo naman sya sa tabi ko.

Kinuha ko agad ang wine at ininom 'yon, "H-hello po... Nakilala ko na po kayo dati-" Naputol ang sinasabi ko ng itaas ng papa nya ang kamay nya. "I'm happy that you came back with yourself complete."

"Ano pong-" Pinutol naman ngayon ng Mama ni Silberyo ang sasabihin ko, nakaugalian na ba nila yan? "We've talked about this. I only want the best for my son... And also, it's to bring yourself back. Alam kong mabait ka pero hindi ka ikaw."

Naguluhan naman ako sa sinabi nya, "To put it bluntly, alam naming hindi ka lang isang nerd. I know you're more than that! Kaya nga sinabi ko sa Manager mo na iuwi ka na dito e." Bigla kong nabitawan ang tinidor na hawak ko.

"Yes, pinlano namin ang lahat. Hehe, to help you and my son." Nakangiting sabi ng papa ni Silberyo kaya napaiyak naman ako. Akala ko talaga ayaw nila sakin, yun pala... Tinulungan lang nila ako para maging worth it bilang tao.

Huhu, pagtayo ko ay parang biglang yumanig ang mundo ko- "Ahh!" Sigaw ko ng maramdaman ang isang matinding sakit ng ulo- "A-anong..."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon