Elle's POV:
"Huy Anak? Bakit ba parang tamad na tamad kang pumasok ngayon? Wala ka namang sakit ah? Wag mo sasayangin ang tuition fee." Sabi ni Mama kaya umupo ako. Hayts. Ngayon na kasi yun e! Bakit kasi nalaglag pa ako? Bakit si James pa sumalo sakin? Halos hindi na nga ako nakatulog kagabi kakaisip dun e. Oo aaminin ko, ang cute nya sa malapitan. Hihihihihi!-"Pa! Nababaliw na ata Anak natin! Bigla na lang tatawa oh!" Sigaw ni Mama habang nagsusumbong kay Papa kaya napasimangot naman ako.
"Ma naman! Opo! Maliligo na po ako!" Sabi ko bago tumayo at pumunta sa banyo namin. Maya maya na makikita ko na naman si James. And it's not in a good way, in a really bad bad bad way.
**Ancient Academy**
"Okay Elle. Chill out. Wag magagalit, makakasama lang yan. Ito na talaga." Sabi ko bago kumatok sa harap ng truck nila. Maaga nila akong pinapunta para daw walang mga babae na nagkakagulo."James ano ba?! Open it." Rinig kong sigaw ni Tristan at rinig ko din ang yabag ng paa ni James bago buksa ang pinto at masamang tingin ang bunga sa akin. Wow! Sya pa may ganang magalit ah.
"Ano pang tinutunganga mo dyan? Get in." Sabi nya bago tumalikod at nakasimangot ako na pumasok sa truck nila. Ang sungit nya talaga.
"Hey." Bati ng tatlo kaya kumaway ako sa kanila bago umupo sa isang upuan na malapit sa pintuan. Tinignan lang nila ako hanggang sa na akwardan ako at umubo ng bahagya bago sila nagsikusang umiwas at nagpatuloy sa ginagawa nila.
"So what's the plan?" Tanong ni James at naintriga naman ako. Ano nga naman kasi ang plano e? Ang gulo naman. Bakit ako pa? Dapat yung mas maganda diba?
"Well apparently you have to tell the whole campus that our friend Elle here is your mystery girl. Bad news for Elle i know, probably to James too." Paguumpisa ni Brandon bago humarap sakin. Friends ba kami nito? Kaloka! Haba ng hair ko. *Flips Hair* Bonggang appeal!
"This would be hard for you, but you owe James right? So deal with it." Sabi nya sakin at tumango tango lang ako na parang aso. "And you my men, hanggang nandito tayo. You have to be with Elle para maniwala ang mga tao. Okay?" Sabi ni Brandon kay James at tumango lang din si-
"TEKA LANG! NABABALIW KA BA?! E NERD YAN E! PANO NA LANG YUNG MGA BABAE KO?!" Oo sya na ang OA. Babae lang naman e, ano tawag sakin?! Diba babae din ako! Hay nako.
"Chill out men. Ako na lang muna ang sasalo ng mga chixx mo." Sabi ni Tristan kaya natawa naman ako. Hinampas naman ni James si Tristan kaya mas natawa ako. Hahaha! Nakakaloka naman sila.
"Hoy mga kangkong! Ibang babae na lang kasi e. Bakit ako pa? Nerd ako diba?!" Sabi ko kaya napatingin sila sakin at napatingin ako kay James na natango tango ngayon.
"We know, but you're that type of girl na hindi magpapatalo. So we need you to help James with his girls. Besides, we still need to do good stuffs for the media so this would be a good deal for us." Sabi ni Brandon. Grabe! Para syang Daddy kung magsalita. May anak na kaya ang isang to?
"Ay wait, did you just called us kangkong?" Sabay sabay nilang sabi kaya napangiti ako ng pilit at napakamot sa batok ko bago magpeace sign.
*****
"I must be dreaming..." Rinig kong sabi ni Girl 1."Oh god, you got to be kidding me. Why akbay akbay James to that nerd?" Ipush mo yang pagcoconyo mo te.
"What the... Is that James Silver Smith?! With that nerd?!" You got that. Nakaakbay sakin ngayon si James habang naglalakad kami papunta sa second building para bumili ng snacks.
"James... Natatakot ako..." Bulong ko bago higpitan ang hawak sa damit nya kaya napatigil kami sa paglalakad. Tinanggal nya yung kamay nya sa balikat ko pati din ang kamay ko sa damit nya.
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!