Chapter 55: Shooting

135 5 6
                                    

Elle's POV:
Natapos na ang recording namin at shoot na lang ang kulang, napatingin ako sa labas ng truck ko. Nakita kong naguusap si Manager Glee at Manager Sy, siguro para dun sa kung anong part ang isho-shoot namin.

Naalala ko na naman ang lyrics ng kanta at naisip ko bigla si James, ano kaya ginagawa nya ngayon? Sabi sakin ni Rosita ngayon na daw nya kakausapin si James, hindi ko alam kung ano na ang tama pero ito ang gusto ko.

Matagal na akong naging sunud sunudan, baka naman pwedeng yung gusto ko naman.

At isa lang naman talaga ang gusto ko e, yung makasama ko si James. Itong pagiging sikat ko? Walang kwenta kung hindi ako makakagawa ng mga kanta kasama ang mahal ko, si Silberyo...

"Hayts, nagda-drama na naman ako. Maka labas na nga lang." Sabi ko sa sarili ko at tumayo na bago lumabas ng truck ko, hindi kalayuan ay nakita ko si Rosita na hinihigit si James palayo sa media at papunta sa pulo.

Napa-kunot ang noo ko at hindi ko na alam na sinusundan ko na pala sila, san kaya tong dalawang to pupunta? Dito ba sila maguusap? Eh bakit sa pulo pa? Lakas naman ata ng trip ni Rosita.

"James, we need to talk." Sabi ni Rosita at nakita ko namang naka-kunot noo na si James kaya nagtago ako sa likod ng puno, hindi ako nagee-eavesdrop pero kaylangan ko lang talaga.

Lord, patawad sa gagawin ko pero kaylangan kong marinig talaga e.

Sumilip ako at nakita kong hinawakan ni James ang kamay ni Rosita, "What's wrong?" Tanong nya at hindi maitago ang concern sa boses nya. Napapikit naman ako, ang sakit ng puso ko.

"I know everything..." Rosita started, "I know you still love her, you're just afraid she'll hurt you again." Sabi nya kaya napasilip na naman ako at nakita kong medyo lumayo si James.

Umiling si James kaya napaiwas ako ng tingin, "Hindi yan totoo... Please, maniwala ka sakin. Ikaw na ang mahal ko... I just... Maybe I haven't gotten her completely out of my system... But I love you..." Sabi nya kaya napahawak ako sa bibig.

"No, I can see they way you look at her. You still care, you still want her...." Sabi ni Rosita at nagulat ako ng umiyak na sya, sobrang hirap ng ginagawa nya at pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng ito.

Napayuko si James, "Just give me time... I'll fully move on..." Sabi ni James at nagulat ako ng mag-crack na ang boses nya kaya lumabas na ako sa pinag-tataguan ko.

"Hindi nyo naman kaylangan pahirapan mga sarili nyo," Simula ko at nagulat naman si James at Rosita. "Kung hindi ako umalis, hindi ka masasaktan. Kung hindi ako bumalik, hindi masasaktan si Rosita. Kasalanan ko ang lahat."

Napangiti ako ng mapait bago tignan si Rosita, "Kita ko kung gaano mo kamahal si James, ganyan din ang gagawin ko kung ako nasa posisyon mo... Pero tama si James, papahirapan ka lang namin. Mahihirapan lang tayong lahat." Sabi ko at napayuko dahil tumulo na ang luha ko.

"Nung nerd pa ako, sabi ko sa sarili ko si James lang ang kaylangan ko..." Napatingin ako kay James at nagulat naman sya sa sinabi ko, "Hindi kita niloko James, hindi ko ginustong saktan ka. Hindi ko ginugustong saktan ka ulit..."

Palapit na sakin si James pero tinaas ko ang kamay ko, sign na wag syang lumapit, "Elle... I..." Panimula ni James, "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko... Mahal kita pero mahal ko din si Rosita... I just... I don't know what's true anymore... I don't even know if my feelings are true..."

"James... I love you, okay? That's why i'm setting you free, mahal kasi kita. At alam kong kayo talaga ang para sa isa't isa. Hindi mo sya maalis sa systema mo kasi dun naman talaga sya nararapat." Ngumiti si Rosita, isang ngiti na totoo at puno ng pagmamahal.

Lumapit sya kay James at hinawakan ang pisngi nito, "Mahal na mahal kita, pero si Elle ang tunay mong mahal... And i'll do anything for you, anything. Kaya puntahan mo na sya James, give it another shot."

"At ikaw, oras na saktan mo ulit si James... Hinding hindi mo na sya makukuha sakin." Tumango ako kay Rosita at ngumiti naman sya sakin bago tumalikod mula samin. "Wag nyo ng pahirapan ang mga sarili nyo, baka mahuli pa ang lahat... Maiwan kayong nagsisisi."

*********

Napatingin ako kay James and my lips parted, he was wearing a plain white polo and black pants yet he looks so hot. Matapos ng usapan namin ay hindi pa ulit kami naguusap, siguro we need time?
Napatingin ako sa reflection ko dahil may malaking salamin na malapit sa camera man, naka plain white dress ako at nakafloral crown.

Mahirap bang pumili at magpasya?

Hindi ba dapat mahal mo'ng mauuna?
Kaya ngayon, 'di na kita makilala
Kamusta ka na?

Napangiti ako ng mapait ng kantahin nya ang unang lyrics, lumapit sya sakin at hinawa ang kaunti kong buhok bago ako tignan sa mata.

Darating din sa akin, malilimutan kita
Subukan mong pilitin, baka nga 'di tayong dal'wa
Nanlalamig na damdamin, kay tagal mo kasing nawala
Sa araw na umuwi ka, meron na akong iba

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong namumuo na kaya napaiwas ako ng tingin at medyo tumalikod, hindi na ito scripted pero hindi ko mapigilan na gawin yon.

Meron na akong iba

Apat na buwan, marami pang hindi alam
Pasensya na, umalis ng ganoon na lang
Siguro nga, hindi ko 'to napagisipan
At biglang lumayo

Napahawak ako sa kwintas ng ako na ang kumanta ng sunod na lyrics at napalingon kay James pero nakatalikod na sya sakin at nakatingin na lang sya sa mga bulaklak habang nagduduyan.

Darating din sa akin, muling magiging akin ka
Subukan mang pilitin, wag ka munang mawala
Nanlalamig na damdamin, dito'y walang napapala
Sa araw na umuwi na, meron ka na bang iba?

Naramdaman ko na ang luha ko at sinubukang umupo sa kabilang swing pero para lang akong multo dahil hindi nya ako pinapansin, sinabi ng direktor na ganun ang gawin namin dahil ie-edit nya ito na para akong multo.

Nasan ka noong kailangan ko ang yakap mo,
Hinanap, ang puso mo ang tanging baon ko
Sa langit, magsusulat na ng bagong yugto
Handa 'kong maghintay, (Subukang maghintay) sumulat sa 'king kamay

Kanta nya bago tumingin sakin at sinubukang hawakan ako pero kusang gumalaw ang mga duyan at nagkalayo kami, alam kong effects lang to pero hindi ko na napigilan at napahawak na ako sa mukha ko bago umiyak.

Hindi ko rin akalain, malilimutan kita
Subukan mang pilitin, talagang 'di tayong dal'wa
Napagod na ang damdamin, kay tagal mong nawala
Sa araw na umuwi ka, meron na akong iba

Nang sabihin nya yon ay napatingin ako sa kanya at ni-lend ko ang kamay ko bago tumayo, tumayo din sya pero tumitig lang sa kamay ko at hindi iyon kinukuha. Napangiti ako ng mapait at dahan dahan iyong binaba.

Meron na akong iba
(Meron ka na bang iba)
Meron na akong iba

Pagkatapos ng kanta ay dahan dahan kaming tumalikod sa isa't isa bago maglakad palayo, ramdam na ramdam ko ang mga luha na nanggagaling sa mga mata ko at napahawak na lang dito.

Meron ka na ngang iba....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Abangan!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon