Chapter 29: Guilt

123 8 1
                                    

Elle's POV:
"I can't believe you fell for this girl, she's just a nerd James." Tila naging bato ako sa kinatatayuan ko ng magsalita si Medussa-- este ang nanay ni Silberyo.

Masamang tingin ang pinukol ni Silberyo sa kanila kaya hinawakan ko ang balikat nya.

"They're still your parents, respect them." Bulong ko sa kanya pero sumimangot sya. Probably kung hindi ganto ang sitwasyon ay kikiligin ako dahil ang cute nya sumimangot. Pero hindi pwede, nasa harapan namin ang mga magulang nya and i want them to like me.

"You're my girlfriend, they have to respect you too." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Is it really possible to fall for him, twice? I'm saying yes on this one.

I'm falling for him over and over again.

"I think I heard Elle said to our son that she'll talk to us, right honey?" Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig kong kinausap ng daddy ni Silberyo ang asawa nya. Altough alam kong ako ang pinaparinggan nya.

Pero... bakit naman?

"No, she wouldn't talk to you guys. Go away." Sabi ni Silberyo kaya napahamit na ako ng tuluyan sa balikat nya. Hindi nya dapat binabastos ang mga magulang nya kahit anong mangyari.

Tumingin ako sa mga magulang nya at matapang na tumango kahit kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ko to gustong gawin pero pakiramdam ko may gusto silang ipamukha sa akin at kailangan kong marinig iyon.

"Right, follow us." Malamig na sabi ng tatay ni Silberyo and it gave me shivers all over my body. Why can't they be nice and smile? Now I know kung saan nagmana si Silberyo ng pagiging masungit.

"You don't have to do it." May pagaalinlangan sa mata ni Silberyo pero umiling ako. It's not the time to back out. "I have to." Sabi ko bago maglakad na.

Napatigil ako ng maramdaman ang yakap nya. He hugged me from my back and it really feels comfortable. Parang biglang natanggal ang kaba ko at napalitan ng kilig. I know that he'll be here for me, and that i will always be fine as long as i'm with him.

"I'll be fine." Huli kong sabi bago pumunta kung nasaan ang mga magulang ni Silberyo. Pumasok sila sa isang kotsye at mistulang inip ng intayin ako kaya tumakbo na ako.

Pumasok din ako sa kotsye at sa back seat na ako umupo dahil nasa passengeer ang nanay ni Silberyo.

*****
Naalimpungatan ako ng biglang tumigil ang sasakyan at bigla na lang ulit akong kinabahan.... Tumingi ako sa paligid at nagtatakang bumaba dahil nasa isang resto kami. It was classy and elegant.

I feel like I don't belong here.

"You feel like you don't belong here right? This... This is where James' belong. Does that mean he doesn't belong to you?" Tanong ng daddy nya na ikinakunot ng noo ko. Why is he talking in riddles? And it's confusing me more.

"A-ahm, ano po... Hindi ko po maintindihan..." Sabi ko na halos ibulong ko na lang sa sarili ko. E hindi ko talaga maintindihan ang sinabi nya e. Bumuntong hininga sila parehas at tumalikod sa akin.

"Let's eat first before we talk." Sabi niya at wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Baka maligaw pa ako dito no.

Pagpasok ko pa lang ay nakita ko na ang chandelier na pang mayaman at ang magagarang costumer na naka-gown pa. I feel like I maid.

"Para kang naliligaw na tao kapag kaharap mo ay ganito." Sabi ng mommy nya kaya napayuko ako. Kahit anong tanggi ko ay totoo ang sinabi niya.

Umorder na sila at sabi ko ay kahit ano na lang ang akin.... Tahimik lang kaming kumakain at pakiramdam ko ay hindi ko magawang isubo ang hipon na nasa harapan ko. Kahit gutom na ako ay pinipigilan ko dahil baka mabulunan ako.

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon