Chapter 32: Away

115 5 1
                                    

Elle's POV:
Sinong magaakala na makaka-survive ako ng isang buwan na puro iyak lang ang ginagawa? Gabi gabi ang dami kong naiisip, madaming pa akong gustong itanong pero kaylangan ko na lang ibaon ang lahat.

"Elle, Anak. Magready ka na, may pasok ka pa." Sabi ni Mama kaya tumango na ako.

Pasalamat na lang ako dahil sa one year na nagtrabaho kami nila Mama ay may malaking ipon kami para mapagaral kami sa eskwelahan dito.

"Ate! Ayoko dito sa New York! Nakakatakot yung mga kaklase ko. Puro english, magkakasakit na ata ako nito e." Sabi ni Nelle habang inaayos nya ang buhok nya kaya natawa ako.

"Hindi ka nagiisa Nelle, buti nga walang mean girls sa school namin e. Kundi puro bully na naman ako." Sabi ko at inayos na din ang buhok ko. Aba, humahaba na din ang buhok ko.

Makapag pagupit kaya? Diba ganun ginagawa ng mga broken hearted? I sighed. Kamusta na kaya sila Silberyo--- James?

"Bakit kasi hindi mo contact-in para malaman mo?" Tanong ni Papa kaya napapitlag ako. May lahi ba kami na mind reader? Pano nya nalaman? Manghuhula ba ang tatay ko?

"Nako, alam mo naman yang anak natin. Matigas ulo nan, iuntog mo muna nga." Sabi ni Mama kaya natawa kaming tatlo. Umarangkada na naman ang pagka-sadista ng nanay ko.

"Eh alam nyo naman po na isa sa mga kondisyon ng nga magulang ni Silber--- James na wag ko syang kausapin para mas madali e. Siguro tama din po sila, mas madali po na wala na akong balita sa kanya." Sabi ko at sinukbit na ang bag ko. Medyo malamig sa labas kaya leather jacket ang suot ko.

"Ate, tanong lang ha... Bakit mo yan sinasabi kung alam mong masasaktan ka?" Inosenteng ni Nelle kaya binatukan ko sya. "Aray! Nagtatanong lang naman." Reklamo nya kaya inirapan ko na lang sya.

Hindi na ako nagpaalam sa kanila at umalis na lang ng bahay.

Sa loob ng isang buwan, madami na din nagbago. Madalang na lang ako makisama kayla Mama, sa gabi diretsyo ako sa kama, at sa umaga naman gala ako ng gala kung saan saan.

I just wanted to keep myself busy... I can't afford thinking of him. It keeps on breaking my heart over and over again. Tama naman siguro ang desisyon ko diba?--

"Aray!" Sabi ko ng may makabunggo ako... "Elle?!" Napaangat ako ng marinig ang boses na yon. "Migs?!"

Napatayo ako at agad syang niyakap. Grabe! Hindi ko aakalaing makakita pa ako ng pamilyar na mukha makalipas ang isang buwan!

"Kamusta ka na?!" Tanong ko at niyakap syang muli. Tumawa naman sya kaya hinampas ko sya. "Aray. Maayos naman, ikaw?" Tanong nito.

Alam ko na may iba pang meaning ang pag kamusta nya, "I won't lie. Not good." Sabi ko at nagsimula na ulit maglakad. Sumabay naman sya.

"I know... That's why I followed you here." Sabi niya kaya napatigil ako. Ano daw? Sinundan nya ako dito kasi alam nyang hindi ako okay?

"Ano bang sinasabi mo dyan? Kamusta sa pilipinas?" Alam kong alam din nya na may ibang meaning yung tanong ko.

I was asking about him...

"Do you want me to lie so you'll be relief?" Tanong nya kaya umiling ako kaya napabuntong hininga na lang sya.

Dahan dahan nyang hinawakan ang balikat ko kaya kinabahan ako. "The band is doing great..." Sabi niya kaya napahawak din ako sa kamay nya.

"But James is... Let's just stay he's still in the state of shock." Sabi niya kaya napahilamos ako sa mukha ko.

Diba tama desisyon ko? Dapat masaya sya e! Dapat ako lang yung malungkot. Dapat ako lang yung nahihirapan. Dapat hindi sya nakakaramdam ng lungkot!

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon