Elle's POV:
Nagha-hum lang ako ng bumukas ang pintuan ko, "Anak? Ayos na ang umagahan, labas kana ah?" Sabi ni Mama kaya tumayo ako at tumango sa kanya."Opo Ma, sunod po ako." Sabi ko bago pumunta sa banyo at naligo. Matulin lang naman ako maligo. Hihihi!
Sinukbit ko ang bag sa balikat, "Ma, Pa! Nelle! Kain na po tayoooo!" Sigaw ko bago magslide pababa sa hagdanan. "Ate hahatid mo po ba ako?" Tanong sakin ni Nelle kaya ngumiti ako.
"Oo naman, Nelle! Ikaw pa? Lakas mo sakin e." Natatawang sabi ko bago guluhin ang buhok nya na kinainis naman nya.
Agad nyang inayos ang buhok nya, "Ate! Wag mong hahawakan buhok ko. Baka mahawa sa buhok mong mapapanot na." Sabi nya bago sumimangot kaya natawa ako. 10 years old pa lang ang kapatid ko kaya mura pa lang ang tuition nya.
"Ang kapal mo, pero mas makapal pa din bilbil mo. Hihihi!" Tawa ko at babatuhin pa bali ako ng kutsilyo. Ang gaga ng kapatid ko!
Nakita ko namang nag lalagay na ng mga plato si Mama, "Mga anak tara na dito, kumain na tayo! Mamaya na kayo magbwisitan." Rinig kong sigaw ni Papa kaya naglakad na kami ni Nelle papunta sa kusina at umupo na din.
"Ma, Pa. Ako na po maghahatid kay Nelle tutal magkalapit lang naman po school namin. Tsaka tipid pamasahe na din po." Sabi ko bago kumagat ng tuyo na ulam namin. Sarap!
Sabay sabay na kaming kumain, "O'sige Anak, basta magiingat kayong dalawa ha? Nelle wag mo papabayaan yang Ate mo ah, alam mo namang pabaya yan sa katawan diba?" Paalala ni Papa at tumango naman kami pareho ni Nelle bago magpatuloy sa pagkain.
"Buuuuurrppp!" Napahawak ako sa bibig ko at natawa ng bahagya. "Excuse me." Bulong ko bago tumayo at hinawakan ang tyan ko.
"Mukhang busog na busog ka ngayon ah?" Sabi ko sa tyan ko bago tumawa.
"Ate tara na, baka malate pa tayo. Tigilan mo na yang kabaliwan mo, hindi na yan healthy." Sabi ni Nelle kaya tumango ako at nagpaalam na kayla Mama.
Pagkalabas namin ng bahay hinawakan ko kaagad ang kamay ni Nelle at nagpatuloy sa paglalakad. Mga ilang minuto palang ay malapit na kami pero bigla akong napatigil "Hala!!!" Sigaw ko bago hawakan ang damit ko na nabasa.
"Okay ka lang Miss?" Tanong ni.... "JAMES SILVER SMITH?!" Sigaw ko at nakita ko naman ang paglaki ng mata nya.
"Oh my gosh! Si James oh!"
"Kyaaaah! Puntahan natiiin! Oh my goooood!"
"Oh my gooosh! Pa-picture tayo biliiiiis!"
Napahawak ako sa bibig ko at binitawan agad iyon. "Sorry-- *cough* *cough*" Aba't bastos yun ah.
"Ate okay ka lang ba? Ang dumi ng damit mo oh, may putik. Mukha na ngang putik mukha mo, nadumihan pa damit mo. Mukha ka tuloy aso." Sabi ni Nelle kaya tinignan ko ang damit ko bago ngumiti.
"Okay lang si Ate, salamat sa concern mong gaga ka. Madapa ka sana. Tse! Oh, iyan ah? Magaaral kang mabuti. Bye bye!" Sabi ko bago sya halikan sa pisngi at pagpagin ang damit ko. May putik nga! Pero okay lang yan, kunwari design. Hay, yung James kasi na yun! Kyaaaah! Nakita ko na sya sa personaaal! Ang pogi nya!
Kinalog ko ang ulo ko bago bumuntong hininga. "Asa naman akong mapapansin ako nun," Sabi ko bago parang zombie sa bagal maglakad at baksak balikat. Magkalapit lang naman kasi ang school namin ni Nelle kaya minsan sinasabay ko sya kapag hindi ako nagmamadali.
"Elle!" Sigaw ni Miguel kaya napalingon ako sa kaliwang bahagi ko at nakita ko naman si Migs kaya tumakbo ako papunta sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig nila sa akin kaya yumuko ako.
BINABASA MO ANG
Miss Wanna Be Superstar
Romance[COMPLETED] Ako si Elle Joey Estrada, at ako ay isang SUPERSTAR!