Chapter 12: Last Concert

169 10 0
                                    

Elle's POV:
Napahawak ako sa puso ko. Bakit ganun? Isang araw na ng makalipas ang pagsigaw ko kay James. Pero ano tong nangyayari sa akin? Parang biglang gumaan yung pakiramdam ko, tapos mas lumakas boses ko.

Nakakailang din dahil pinakilala nya ako na bilang girlfriend sa harap ng mga magulang nya. Ewan ko ba pero parang may kakaiba sa mga magulang nya... Parang ayaw sakin? Ewan. Siguro guni guni ko lang.

Ito naman kasing si James, ipakilala daw ba ako agad agad. Kumaway naman ako pero snobbers pala ang parents ni James kasi umalis lang agad sila tapos sabi may flight daw na hinahabol. Hard diba? Hehehehe.

"Look at that nerd girl. I heard she's dating James. The James Smith. Ahas lang." 

"Ilusyunada naman masyado. Eh ang pangit naman." 

Napahawak naman ako sa kaliwang braso ko at napayuko ng kaunti, "She doesn't even have a curve. Yuck!" Masakit ah! Hindi ako sexy aminado ako, pero sana kung pagchichimisan nila ako. Aba'y bulong na lang.

"ELLE. JOEY. ESTRADA!" Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko si Allysa. Bakit ganto nararamdaman ko? I felt nothing...

Napabuntong hininga na lamang ako, "Oh?" Nabigla ang lahat at miski ako ay nabigla dahil sa sinabi ko. Learn how to fight. Tama si Migs. Napahawak ako sa bibig ko at tumalikod na para tumakbo. Bakit ganito? Ano bang iniisip ko? Hayts. Nababaliw na ako.

Umupo ako sa malaking puno bago hawakan ang bag ko. Nababaliw na talaga ako. Hayts!

"On the wings of love...." Napalingon ako ng may marinig na boses... Fan ako dati ng The Breakers kaya i'm sure si James iyon. Favorite song nya yun? Yun din ang paborito kong kanta!

"Hayts, mystery girl! Kumanta ka na kasi ulit. Bakit ba ayaw mong magpakita sakin? Ginugulo mo utak ko!" Napahawak ako sa bibig ko dahil nagpipigil ako sa tawa. Si James Silver Smith, nagdadrama?! Hahaha-

Napaatras ako dahil biglang humarap si James at sobrang lapit ng mukha nya sakin. Anong nangyayari? Bakit ganito? Dapat galit ako sa kanya. Agad syang umupo ng maayos kaya umupo din ako ng maayos.

"Elle." "James." Sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami pero agad akong umiwas. "You first." Sabay ulit naming sabi kaya natawa kami ng bahagya.

"Look i'm sorry about what i said." Sabi nya kaya napatingin lang ako sa kanya. Ang 'The Silver Smith' nagso-sorry sakin? Okay! Magpapabebe muna ako, hihihi!

Kinunot ko ang noo ko, "Ano ulit sabi mo?" Tanong ko dahil gusto ko ulit marinig ang matamis na sorry nya. Hahaha! Ang cute nya kasi habang sinasabi nya yun. Hahaha!

"Darn it. Don't make me say it again." Sabi nya kaya akmang tatayo na ako ng hawakan nya ang kamay ko. "Look, i'm sorry." Napangiti ako sa sinabi nya kaya humarap ulit ako sa kanya. 

Nagulat ako ng higitin nya ako palapit sa kanya, "I'm doing this for my job. So keep your mouth shut and enjoy our own show." Sabi nya kaya napapoker face ako. Sinasabi na nga ba e! Ang isang cold hearted susperstar ay hindi mag sosorry sa isang nerd. 

Palabas lang ang lahat!

"Psh. Whatever." Sabi ko bago umupo ng maayos sa tabi nya dahil nakita ko ang mga estudyante na nakatingin samin. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Silver sa kamay ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o dapat matuwa ako kasi isang sikat na tao ang may hawak ng kamay ko.

"Oh my gosh! So it's true?! They're dating?!" 

"Nooooo! Hindi ako papayag!" 

"Bakit sya pa?! Eh ang pangit pangit nya e!" 

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon