Chapter 5: Encounter

223 14 3
                                    

Elle's POV:
"FIRST CONCERT NG THE BREAKERS SA SCHOOL! OH YEAAAH! PARTY PEOPLE!" Sigaw ko habang natalon talon sa kama ko at humarap sa salamin bago ngumiti.

"Finally, makikita kong magperform ng personal ang mga idol ko. Kaso hindi naman nila ako mapapansin, pero okay lang yun. Achieve na achieve ko to!" Sabi ko bago kumuha ng susuotin ko at naligo na.

"Anak *cough* *cough* Kain na." Napalingon ako sa nagbukad ng pinto at nakita si Mama na naubo.

"Ma? Ayos lang po ba kayo? Magpahinga muna po kaya kayo? Kahit isang araw lang." Sabi ko bago lumapit sa kanya at inalalayan sya.

"Nako anak, okay lang ako *cough* ubo lang to. Malayo to sa puso. Sige na, sayang yung kikitain ko oh. Kain na tayo." Sabi nya kaya napabuntong hininga ako at inalalayan sya hanggang makapunta sa kusina.

"O'Sweetheart, okay ka lang ba? Kamusta na pakiramdam mo? Bumili ako ng gamot kahit limang piraso lang na tablet." Sabi ni Papa kaya napangiti ako. Ang sweet talaga nilang dalawa. Sana ganyan din ang mapangasawa ko, kagaya ni Papa na mapagmahal.

"Nako Sweetheart, nag abala ka pa. Okay lang naman ako e. Malakas na malakas pa 'to." Sabi ni Mama bago sumubo ng kanin kaya ngumiti na lang ako at binilisan ang pagkain.

"Ate bakit ka nagmamadali?" Tanong ni Nelle at uminom muna ako bago dumighay.

"Excuse me. Eh kasi naman Nelle, first concert ng The Breakers sa school namin. Gusto ko sanang mapanood kaya maaga ako ngayon. Ma, Pa alis na po ako ah?" Sabi ko at nagkiss na sa kanila bago lumabas ng bahay. Tatakbuhin ko na lang to para mas tipid na din.

**Ancient Academy**
"The Breakers!"

"Oh myyyyy! Akin ka na lang Brandon!"

"Awww Tristan ang pogi pogi pogi mo talagaaaa!"

"Silveeeer! Can i be your gold?!"

"Louiseeeeeee! You're so hoooooot!"

Rinig kong sigawan ng mga tao sa school namin. Ay nasabi ko na ba ang dahilan kung bakit nandito sila? Well, nagkaron ng found raising ang school namin para makapagipon ng mini elementary building para sa mga hindi nakakapasok sa orphanage. Naging sponsor din ang school namin para sa gamit ng mga ito kaya medyo malaking pera ang kailangan kaya nagkaroon ng concert. 1 week concert ang magaganap dito, kaya malaking tulong ang The Breakers.

"Elle!! Dito oh! Kita sila!" Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Migs. Kaya lumapit ako sa kanya.

"Hindi naman kita dito--" Naputol ang sasabihin ko ng bigla nya akong buhatin kaya kitang kita ko ang The Breakers kaya napairit na din ako. Ang popogi nila! Grabeeee!

"PEOPLE! PUT YOUR HANDS IN THE AIR!" Sigaw ni James kaya napatameme ako. Hala! Ayaw nya nga pala ako makita.. Nako.

"Uhm, Migs baba mo na ako." Sabi ko kaya dahan dahan nya akong binaba at tinabi sa kanya. Dun na lang ako sumigaw ng sumigaw kahit ulo lang nila kita ko. Hahaha. Okay lang yan!

"BGIRLS AND BBOYS! LET'S GET THIS STARTED!" Sigaw ni Tristan at nagdrums kaya maingganyo kaming magsayaw. Wooooh! Grabe ang saya sa feeling.

" [Louise:] I used to want to be
Living like it's only me
And now I spend my time
Thinking 'bout the way to get you off my mind
I used to be so tough
Never really gave enough
And then you caught my eye
Giving me the feeling of a lightning strike

[James:]
Look at me now
I'm falling
Can't even talk, still stuttering
This ground of mine keeps shaking
Oh oh oh
Now!

[All:]
All I want to be
All I ever want to be, yeah, yeah
Is somebody to you
All I want to be
All I ever want to be, yeah, yeah
Is somebody to you

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon