Chapter 15: Sick

158 8 0
                                    

Brandon's POV:
"Dude wake Silv up, it's almost afternoon. And if he don't wanna wake up, hit him in the head. God help him." Sabi ni Tristan kaya natawa kami ni Louise at nagapir pa bago kami lumabas sa truck at maglakad papunta sa mansion namin. Magtatanghali na at tulog pa din si James. Hindi naman sya tulog mantika ah? Hmmm.

"Oh hey Brandon!" Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag ako at nakita ko naman si Elle. Agad akong napangiti at kumaway sa kanya. She's really cute with her glasses on.

"How are you doin'?" Tanong ko bago lumapit sa kanya at tumabi. Nasa may gazibo sya at mukha may iniintay.

"Hinihintay ko kasi si James. Sabi ni Manager Sy may stroll daw kaming dalawa. Did you see him?" Tanong nito kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit ganito? Parang.... Nagseselos ako??? Wait... Pero imposible din pala, because James doesn't like her. I guess?

"Nah, i didn't. Tristan said i should wake him up. Wanna come with me?" Tanong ko at tumango naman sya kaya inalalayan ko syang bumaba bago maglakad.

Magkasabay lang kaming naglalakad habang nagkekwentuhan ng kung ano ano. Mahaba ang lalakadin namin para makapunta sa kwarto ni James dahil tago ang isang to. Ayaw ni James sa media kaya madalas, sya ang tumatakas at nagtatago.

"Ang chaka nga ng face ko nung elementary ako. Lagi akong binubully. Bangaw daw, mukha daw kasi akong bangaw at kasing baho nun." Natatawang sabi nya kaya natawa na din ako. Parang wala lang sa kanya ang pambubully. Ang astig lang diba? She's really amazing.

"Mas naging nakakaloka ang life ko noong highschool. Jusme! Isang beses pinag kamalan akong janitress nung principal at pinaglinis ako nung gym." Pagpapatuloy nya habang nagpipigil ng tawa kaya natatawa na din ako. Pakiramdam ko ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.

"Soooo, we're here." Sabi ko bago ituro ang kwarto ni James na color dark blue. Huminga ng malalim si Elle bago kumatok.... Nakatatlong katok na sya pero wala pa ding nagbubukas....

"Baka nagtatago na naman sa media." Sabi ko dahil baka yun nga ang dahilan. "Pasukin na natin." Walang alinlangan na sabi niyo at agad na binuksan kaya hindi ko na sya napigilan.

Pasimple kaming pumasok at nakita namin na may nakatalukbong na tao. Sure akong si James yun. Unti unti kong hinigit ang kumot..

"Bruuuuh! It's cold!" Sigaw nito bago ubuhin at higitin ulit ang kumot.

"Huy Silberyo, bumangon ka dyan. Pinagsstroll tayo-- Teka! Ang init mo ah!" Sabi ni Elle bago hawakan ulit ang leeg ni Silver.

"Don't touch me, Nerd. Go away!" Nanghihinang sabi nya bago magtalukbong. Okay? Pano ba magalaga ng may sakit?

"Don't worry. Alam ko kung pano. You just need to grab a few things then go back here... Well first, towel. Hot water, bimpo, tshirt, and chicken soup. Also bring halo halo." Utos ni Elle sakin bago ako pipagtulakan.

"Wait para san ang halo halo? Diba bawal sa may sakit ang malamig?" Nagtatakang tanong ko at napakamot naman sya sa ulo.

"Sino may sabing para kay Silberyo yung halo halo? Para sakin yun no! Gutom na kasi ako. Sige, isasara ko na yung pinto para hindi ka na makatanggi. Byeeee!" Matulin nyang sabi bago isara ang pinto at bago pa ako makapag react ay nasubsob na ang mukha ko sa pinto. Aray! Sakit ng ilong ko!

Pailing iling akong naglakad palabas ng mansion papunta sa truck dahil nandun ang mga gamit namin. Pagpapawisan ako nito! Elle kasi. Pasalamat ka crush kita.

Napatigil ako sa paglalakad at napailing habang nakangiti. Hahaha! Nababaliw na talaga ako. She's a nerd. Yet she's beautiful. She's clumsy. Yet she's really cute. Damn! Wala lang to.

Miss Wanna Be SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon